"Marunong kang magluto?" tanong ni Arjun nang nakita akong bumibili ng sariwang gulay.

Nandito na kami sa isang maliit na grocery store. Mura lang ang mga paninda rito pero mga sariwa naman at maganda ang mga gulay at karne.

Tumango ako kay Arjun habang tinitignan pa ang ibang gulay.

"Oo. Tinuruan ako ng Mama ko dati," sabi ko.

Tumango tango siya. He already knew what happened to my mother but that's all I said. I didn’t tell him why I am here. I’m not ready to tell him yet. Pakiramdam ko kasi kapag maraming nakaka alam, magiging magulo ang plano ko.

I don't have an exact plan yet but I plan to go to the Agravantes. Until now I am still gathering courage but now I know I am gaining some courage to face them. It's only a matter of time. Alam kong mahaharap ko na sila.

"Sige nga. Anong mga kaya mong lutuin?" tanong ni Arjun na hinahamon pa yata ako.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya at ngumisi. "Marami."

Nagtaas rin siya ng kilay. "Ano ano?"

"Arjun, sa sobrang dami, kukulangin tayo sa oras. Baka gabihin tayo rito."

"Yabang!" tumawa siya.

Tumawa rin ako at nagpatuloy na sa pamimili. Kaya lang may nahagip ang mga mata ko na nagpabalik ng tingin ko sa dereksyon na iyon. Bahagya akong nagulat nang nakita si Morrisa at sa likod niya ay si Brandon!

Seryoso siyang nakatingin sa akin at naabutan niya pa akong nakangiti at tumatawa. Kumabog ang puso ko sa kaba at sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nadagdagan pa ang kaba ko nang tumingin sa gawi ko si Morrisa at agad nanlaki ang kanyang mga mata at napangiti nang nakita ako.

"Ate Cassandra!" she called happily.

I even found it hard to smile at her because of the nervousness. I don't know why I'm always nervous whenever Brandon is around. Ni hindi ko nga alam kung kaba ba talaga iyon o... pagkatuwa.

What the hell, Cassandra? Pagkatuwa? Bakit ka naman matutuwa na nandyan si Brandon?

Well... I mean, hindi naman dapat ako sobrang matuwa, diba? Magkaibigan kami kaya dapat sakto lang ang reaksyon. But I can't understand this heart of mine and it will always beats whenever he's there. I also don't understand, alright.

Pero binalewala ko nalang iyon at ngumiti sa papalapit na si Morrisa. Brandon followed her still watching me seriously. But he also shifted his gaze to Arjun behind me.

"Hi!" I said to Morrisa.

"It's nice to see you again, ate! Nag go-grocery ka rin?" sabay tingin niya sa basket ko.

"Yup. Ikaw? Bakit kayo nandito?" tanong ko at tumingin kay Brandon.

Syempre grocery din, Cassandra!

Nanatili ang paningin ni Brandon sa likod ko pero tumingin rin sa akin ang seryosong mga mata.

"Grocery rin! Dito ko gustong mag grocery palagi dahil mura at magaganda ang tinda. First time mo dito, ate?" Morrisa asked happily.

"Uh, yes. Kalilipat ko lang kasi rito sa Maynila kaya naniningin pa ako ng magagandang grocery. Dito maganda pala," ngumiti ako.

"Maganda talaga dito, ate! Dito ka nalang palagi para palagi din tayong magkikita!"

Bahagya akong natigil sa sinabi niya pero ngumiti at tumango rin kalaunan. Hindi ko inakala na dito rin sila nag go-grocery. Ang alam ko mayaman sila kaya bakit dito sa mumurahin sila bumibili? At talagang kasama niya pa si Brandon.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon