Hindi na ako sumagot dahil dadami lang ang tanong nya. Naghilamos ako bago lumabas para sa maagang exercise namin. Kasama iyon sa mga activity na ginawa ng mga teacher at magsswimming din bago umuwi mamayang hapon.

"Ang pangit mo.." Salubong sa akin ni Nikko nang matanaw ako.

"Ikaw din." Sagot ko at tinawanan nya lang.

Natanaw ko sa malayo si Almirah at Harvey na sabay na naglalakad.. Napatagal ang tingin ko dun kaya hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Nikko at inakbayan ako.

"Hindi nya nililigawan yan.." Bigla nyang sinabi.

"Hindi ko naman tinatanong." Mataray kong sagot sa kanya.

"Sungit mo! Akala mo hindi ko kayo nakita kagabi ha? Isusumbong kita kay Tita.." Sagot nya.

Sumimangot ako. Naaalala ko na naman ang nangyari kagabi at hindi naiwasang malungkot. Sumuko na sya sa akin, tanggap ko naman na iyon pero hindi ko pa din maiwasang maging malungkot. Ginulo nya ang buhok bago ako yayain sa pila para sa exercise namin.

Pagkatapos ng exercise ay nagyaya nang magswimming ang iba naming kaklase. Sumama na agad ako sa kanila para hindi na ako mag-isip masyado. Nacoconsume na masyado ni Harvey ang utak ko, tama nang yung puso ko lang ang nakuha nya.

Natapos ang camping na pagod at masaya ang lahat. Pag-uwi ko sa bahay ay naligo lang at nakatulog din agad. Ginising lang ako ni Mama nung kakain na ng hapunan.

Days went on normally, nakalimutan ko pa na sembreak na dahil napaaga pa ako ng gising. Sa bahay lang ako buong sembreak dahil wala naman din akong ibang pupuntuhan. Naglilinis lang at nagluluto kapag wala sina Mama.

"Ate, tawag ka ni Kuya Nikko." Sigaw ni Adrian sa labas ng kwarto.

Nagtaka man ay bumaba na lang ako.

"Nagpaganda ka pa talaga para sa akin." Sabi nya agad pagbaba ko.

Inirapan ko lang sya. "Bakit ka nandito?"

"Sama ka sa amin ni Adrian, maglalaro kami sa court." Anyaya nya.

"Hindi ako marunong magbasketball." Sabi ko at tumawa sya ng tumawa.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig pero nakabalik na ako ay tumatawa pa din sya.

"Alam mo, joker ka din minsan noh?" Tumatawa nya pa ding sambit.

"Ayokong sumama.. Anong gagawin ko dun? Magchecheer sa inyo? Di na 'uy!"

"Sige na Ate, papayagan lang ako kapag sumama ka eh!" Nagmamakaawang sabi ni Adrian.

"Sige na, sige na. Basta uuwi tayo agad ha?" Sabi ko na lang.

"Yown! Bilis kausap.." Sambit ni Nikko na inirapan ko ulit.

Nagpalit lang ako ng damit bago umalis ng bahay. Niloloko pa ako ni Nikko at sinabi na kahit hindi na ako magpalit dahil maganda na daw ako.

"Crush mo ako noh?" Baling ko sa kanya.

Tinitigan nya lang ako at lumapit pa sa akin.

"Alam mo, kadiri ka! Hindi ako pumapatol sa kaibigan."

"Ah, kaya pala hindi mo kinakaibigan si Selene kasi gusto mong jowain." Pang-aasar ko sa kanya.

"Hard pass ako dyan! Di na ko pinapansin nun." Seryoso na nyang sinabi.

"Arte mo kasi!" Sabi ko at binatukan ko sya.

"Nakakahiya naman sayo."

Asaran lang kami ng asaran hanggang sa makarating kami sa court. Nanood lang ako ng laro nila, pustahan kasi kaya seryoso sila sa laban. Akala mo naman ang lalakas!

Doon lang umikot ang araw ko sa buong sembreak. Nang malapit na ang pasukan ay nagbasa basa na ulit ako ng mga pinag-aralan namin. Naiisip ko pa din si Harvey pero mas maayos siguro na hindi kami nagkita kahit minsan nitong sembreak dahil baka kapag nakita ko sya ay hindi na naman sya mawala sa isip ko at ang mga pinag-usapan namin.

Pagpasok ko sa school ay normal naman ang nangyari, nagdiscuss lang ang mga teacher. Nagpasalamat ang ibang mga kaklase ko at wala pang maraming assignments.

"Ysabel, kain na tayo!" Tawag ni Selene sa akin.

Naglalakad na kami papunta sa canteen nang matanaw namin si Harvey, kasama na naman si Almirah.

Siguro nga ay hindi sya ganoon kaseryoso sa akin dahil sa mga nagdaang linggo ay iba't ibang babae naman ang kasama nya. Siguro hindi ko na din dapat i-entertain yung nararamdaman ko. Kasama siguro ito sa pagdadalaga na kailangan kong pagdaanan.

"Hoy! Tulala? Tara na.." Hila sa akin ni Selene.

Hindi ko na sinabi sa kanya ang nangyari nung gabi sa camping dahil hindi naman sya nagtatanong at ayaw ko din naman magkwento.

"Bumili ka na, sa room na lang tayo kumain. Hihintayin na lang kita sa labas ng canteen." Sabi ko kay Selene na agad naman sumunod.

Habang naghihintay ay nakita kong papalapit na sina Harvey sa banda ko kaya umalis ako at dumiretso na sa room. Magpapaliwanag na lang ako kay Selene mamaya.

Hindi nga nagtagal ay dumating na sya.

"Napakagaling mong babae ka! Bakit mo ako iniwan?" Naiinis nyang tanong.

"W-wala.. Sorry!" Sagot ko na lang at umirap lang sya.

All Of The StarsOnde histórias criam vida. Descubra agora