Chapter 22 - Sean Family

Start from the beginning
                                    

"Next time Sean pupunta --"

"Hey my little man, you want us to go to mall?"

"Yes Daddy!"

"Pero Jordan--"

"Magready na kayo ni Sean." Hindi na pinatapos ni Jordan si Leslie.

Nagready na silang tatlo para mag-mall. Kitang kita kung gaano kasaya si Sean at kaexcited.

Pasakay na sila ng sasakyan ni Jordan.

"Leslie, doon ka na sa passenger seat."

"Pero walang kasama si Sean sa likod."

"May car seat siya."

Wala na rin nagawa si Leslie kaya nilagay niya si Sean sa car seat at saka siya umupo sa passenger seat.

Pagkanta lang ni Sean ng Cocomelon ang maririnig sa loob ng sasakyan ni Jordan. Hindi aakalain ni Leslie na darating ang araw na ito. Pero alam ni Leslie na ginagawa lang ni Jordan ito dahil sa anak nila.

Mabait si Jordan kapag kaharap nila si Sean pero kapag wala na ito, para siyang hangin lang sa paningin ni Jordan.    Magkasama sila sa kwarto at magkatabi sa kama pero hanggang doon lang iyon. Kaya nga nagtataka din siya bakit pa nga ba sila magkasama sa kwarto dahil ba kay Sean?

"Yehey! We are here!"

Nakarating na sila sa mall. At bumaba na rin. Sinusundan lang nila kung saan gusto pumunta ni Sean.

Habang naglalakad sila, napapansin ni Jordan na tinitignan ng mga lalaki si Leslie. At alam niya kung anong klaseng tingin ito. Hindi na siya nagdalawang isip na buhatin si Sean gamit ang kanan niyang kamay at ang kaliwa niyang kamay naman ay hinawakan ang kamay ni Leslie.

Ikinagulat ni Leslie ang paghawak ng kamay ni Jordan pero may binulong si Jordan sa kanya na nagpabigat ng damdamin niya.

"Wag mong isipin na madidisplay mo yang sarili mo sa mga lalaki dito. Mahiya ka sa anak mo at sa akin. They need to know that you're my wife and we have a son."

Gusto sana kiligin ni Leslie sa huling sinabi ni Jordan pero alam niya ang dahilan kung bakit sinasabi ni Jordan ito. Sa tingin ba niya maghahanap pa siya ng ibang lalaki? Hanggang ngayon ba hindi niya maisip na mali lahat ang iniisip niya?

"Daddy! Let's go there!"

"Are you serious little man? You want us to go there?"

"Yes Daddy! I want to buy a new dress for Mommy."

Nagulat si Leslie at Jordan sa sinabi ni Sean.

"Sean, bakit mo naman ako bibilhan ng dress? Maraming dress si Mommy sa bahay."

"No, mommy. That dress in our house is so luma. And those are from Tita Cel, that's not yours. I want to you to have a new dress."

"Pero Sean--"

Hindi natapos ni Leslie ang sasabihin niya dahil nagsimula na maglakad si Jordan papunta sa isang boutique ng dress.

Nadagdagan na naman ng inis si Jordan kay Leslie.

"Bakit ba napakakomplikado ng buhay mo Leslie? Simpleng dress lang hindi ka makabili ng para sayo. Ano bang ginagawa mo sa States?" sabi ni Jordan sa sarili.

"What's your new arrival here?" Tanong ni Jordan sa sales lady.

"Ito po, Sir. Para po ba kay Mam?" Pagturo ng sales lady kay Leslie.

"Yes."

"Jordan, wag na."

"Fit that dress, Leslie. Kung ayaw mong ako ang magbihis sayo dito. Do you like it?" Pagbabanta ni Jordan kay Leslie at sinigurado niya na si Leslie lang nakarinig.

Hindi na nagdalawang isip si Leslie na kunin ang dress na hawak ng sales lady. Ayaw niyang gumawa pa ng eksena si Jordan.

Habang nasa fitting room si Leslie, nagbilin pa si Jordan sa sales lady na magdala pa ng mga 10 dress para sukatin ni Leslie.

"Wow Daddy. That's a lot of dress!"

"Do you like it little man?"

"Yes Daddy. I know it will look good to Mommy. Right Daddy?"

"Ye..yes."

Natigil ang paguusap ng mag-ama dahil nakalabas na si Leslie suot suot ang bagong dress na pinasukat ni Jordan.  Namangha ang lahat ng sales lady ng makita si Leslie dahil para silang nakakita ng isang dyosa.

"Naku Mam bagay na bagay po sa inyo."

"Opo Mam."

"Sa..salamat." hiyang sagot ni Leslie.

Hindi hinayaan ni Jordan na mahalata ni Leslie ang tingin niya sa kanya kaya sinabi niya sa sales lady na kukunin na niya ang lahat ng dress na pinakita sa kanya at siguraduhin na kasize ng sinukat na damit ni Leslie.

Wala na nagawa si Leslie dahil tinignan siya ng masama ni Jordan. Iniwan muna ni Jordan ang magina sa store dahil dinala na niya sa kotse niya lahat ng binili niyang damit ni Leslie at saka siya bumalik. Pagkabalik niya, sinugurado niyang babalik sila sa posisyon nila kanina kung saan buhat ng kanan kamay niya si Sean at sa kaliwa naman hawak niya ang kamay ni Leslie.

Hindi maiwasan na tignan sila ng mga tao. Sino naman hindi? Para silang power house celebrity family.

Namili pa sila ng mga ibang gamit para sa bahay at kasama na rin ang mga laruan ni Sean.

"Daddy, I'm hungry na."

Tumingin si Jordan kay Leslie at tinanong,

"May bawal ba kay Sean?"

"Sabi naman ng doctor niya, wala naman bawal sa kanya."

"Little man, where do you want us to eat? Chinese food? Korean food? Filipino food? Japanese food? Buffet?"

"I want Mcdo."

"Mcdo?" Halata sa mukha ni Jordan na hindi niya alam kung ano ang mcdo. Gusto sana tumawa ni Leslie pero alam niyang magagalit lalo si Jordan sa kanya.

"Fastfood siya, Jordan. Mcdonalds. Hayun siya." Tinuro ni Leslie ang Mcdonalds.

"Yeah Daddy. That's the Mcdonalds! I love their friesssssss!"

Gusto sana ni Jordan na pilitin si Sean na pumili ng ibang kainan pero mukhang mabibigo lang siya. Kaya tumango lang siya kay Sean at tumakbo na si Sean papunta sa Mcdonalds.

Hanggang sa makarating sila sa entrance nito, hindi nila inaasahan kung sino makikita nila at makakasabay pumasok.

"Papa Marion! Mama Karissa!

********************************************

After many months, heto na po ang updates Ayers! 🥰 I'm so sorry kung ngayon lang. Sa totoo lang nahihirapan ako this past few months dahil sa busy ang trabaho ko kahit WFH ako and also mahirap din talaga kapag Mommy ka na lalo na hirap din kami makahanap ng maayos na Yaya for Uno. And also, nahirapan din ako kilalanin ang mga characters ko ng Class 4-6. Dumating ako sa point na I can't write because I don't know them na. Hirap kasi magsulat kapag hindi mo na kilala yung characters mo sa story at masakit din siya kasi sa tagal kong sinusulat ang Class 4-6 naramdaman ko pa ito. I am not sure if dahil ba ito sa nanganak din kasi ako.

Hopefully, nagustuhan niyo ang update ko ngayon and don't worry may part 2 pa ang Sean family story.

PS: Credits pala sa gumawa ng book cover ng To be Mrs Gotiangco. 🥰🥰🥰 Thank you so much. klecamie

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now