FE 7

91 8 14
                                    

Activated...

Nagulat ako nang may isa pang litratong nakasuksok sa isang silyadong liham. Kinuha ko ang larawang iyon at mahinang napatawa.

Mukha iyon ng pamilyar na tao sa panahong puro ngiti at tawanan pa lamang ang laman ng buhay ko. He was smiling ear to ear as my hands were grabbing both of his cheeks. There is also a message at the back of the photo: "Tyron's Scholarship Day!"

I smiled bitterly as I placed it back. Idinagdag ko iyon sa kahon kung saan may halos isang daan ang kasama nitong letter.

I checked my drawer to see if there's more. Nang mapagtanto kong wala na ay isinilid ko na ang kahon sa maleta ko. Konting damit lamang ang dinala ko dahil alam kong marami akong madadatnan doon sa New York. Haylie is for sure buying me some.

"Dios mio, 'di ka pa tapos?!" sumbat ni Ali na kararating lang. "10 AM ang flight mo, Elli. Mag aalas diyes na! Tara na!"

Isa isa niyang dinala ang mga small paperbags ko. Pagkain iyon na iniwan sa akin ni mama kanina.

Ewan ko kung bakit kay bigat ulit ng aking katawan. Parang ayaw yata nitong umalis. Ni hindi ako makatayo mula sa kinauupuan ko. Si Ali pa tuloy ang nagmukhang excited na umalis ako.

"Tara na!" ulit niya nang makabalik ulit.

I exhaled as I glanced back at our apartment.

This place.

This used to be my coffin when I felt myself dying.

This place witnessed the transformation of the young Elli who cannot leave everyone, to the Elli now who is leaving.

Dito ako unang tumawa ng malakas. Dito ko naramdamang matapang ako at kaya ko palang gawin ang dati ay takot akong subukan. Dito ko natuklasan na kaya ko palang magmahal ng totoo, ng todo. Dito ko rin unang naipalabas kung gaano ako kahina sa mga iyak na nakakabasag.

At dito... Dito ko sinabi na huli na ang lahat ng iyon. Na babangon ako para sa bagong ako.

This place witnessed everything others didn't. This place tried it's best to comfort me. And this is why I lasted this long.

"Elliii!" sigaw ni Ali mula sa ibaba kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

Bumaba na ako bitbit ang maleta ko. I tried so hard to hide the disappointment I feel.

Ali drove me to Mactan Airport dahil hindi makakarating ang family ko. And it's a good thing, ayoko rin naman kasing yakapin nila ako isa isa at isa-isa pang umiyak. Okay na ako kay Ali.

"I-activate mo naman ulit ang fb, messenger at IG mo Elli." She said in the middle of staring at the wide board calling the flight schedules.

"O kahit ang messenger mo na lang." dagdag pa niya.

Nanatiling diretso ang mata ko sa harapan. Medyo marami ang taong dumadaan ngayon.

"You need to now. Para kapag mahohome sick ka, matatawagan mo kaagad ako. O ang pamilya mo." pursigido siya sa pangungumbinsi.

I exhaled silently. Do I have to?

It's been years, and I have been feeling homesickness on my own. I still survived.

"Kaya ko na ang sarili ko, don't worry." ani ko.

"What about me? Mamimiss kita! Hindi ko na makikita ang mukha mong para nang zombie!" napairap kaagad ako sa paraan niya ng pagsasalarawan sa akin.

"Last call, Cebu to Manila please board on the Plane 3yZ now. Your flight will be in 15 minutes."

I pressed my lips as I stood up. Hawak ko na ngayon ang handle ng aking maleta.

Forgive ElliWhere stories live. Discover now