FE 4

116 8 7
                                    

Get a Life

Mama: Elli, nakapag desisyon ka na ba? Tinatanong kasi ni Haylie. Mag iisang buwan na since she offered you the job.

Napabuntong hininga ako at tsaka pinatay ang cellphone. Nilagay ko iyon sa gilid ng desk at napatitig sa puti at blanko kong desktop wallpaper.

Nag pakawala ulit ako ng hininga at isinandal ang ulo sa gilid ng swivel chair.

***

2010

"Okay ka lang ba?" Ali caressed my back.

Tinanguan ko lang siya at ibinaling sa labas ng bintana ng room ang paningin. I heard her exhaled.

"Being the salutatorian is not that bad." she carefully said.

I closed my eyes.

"Tara, kumain na lang tayo doon sa silogan?" pag aaya niya.

Hindi pa rin ako umimik. Panay ang pag eensayo ko sa utak kung paano ibabalita ito sa papa at mama ko.

"Cele!" a familiar voice from outside our classroom echoed. Agad akong napalingat at natagpuan ang taong madalas nagpapawala ng kaba ko sa mga panahong ganito.

Walang preno siyang pumasok sa classroom kahit na ay hindi kami classmates.

"Huy, gagi, not allowed!" pag saway pa ni Ali.

"Dismissal na kaya!" sabat ni Tyron.

Umupo siya sa harapan ng arm chair ko.

"Kain tayo sa silogan? Libre ko kayong dal'wa." he grinned.

"Apir nga," pag aalok ng kaibigan ko at nag apir sila. "Yan ang gusto ko!"

"Syempre, icelebrate natin ang salutatorian ng ating batch!" he chirped.

They both looked so victorious in front of me. Like I had won a war. Kahit na alam ko, na alam nila na kabaliktaran ang hahantungan ko sa loob ng bahay namin.

"Gusto ko sana, kaso, kinakabahan talaga ako." mahina kong saad.

"Bakit naman? Your grades are good. Actually, sobra pa iyan sa sapat para makapasok ka sa University of Engineers." pag eencourage sa'kin ng bestfriend ko.

"If you ever got slapped again, just, run to the rooftop. Call me, and just talk to me under the night sky." ani Tyron.

"Ako bahala sa'yo." he winked.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko mapigilan ang mga mata na titigan iyon. Hanggang sa napatulo ang luha ko.

"Ang swerte ko talaga sa inyo!" I hugged both of them so tight.

Kung meron mang masayang bagay na paghuhugutan ko ng lakas ng loob noon, it will be those two significant people.

I gasped in horror as I was being thrown in the couch, so hard that I almost felt my spirit separated from my body.

"Celestine, last na! Huli na! Ngayon ka pa talaga hindi na top 1 ha!" nanggagalaiting sermon sa akin ni papa habang pilit na kinakapa ang sinturon niya.

Forgive ElliWhere stories live. Discover now