Chapter 8

32 3 0
                                    

"Uuwi na kami ha.Keri mo na ba dyan, Liberty?"tanong ni Bianca habang inaayos ang kaniyang mga gamit, ganoon din si Sally.Nag-overtime kasi ako ngayon para makabawi sa nawalang oras kahapon.

"Oo, kaya ko naman.Ingat kayo sa pag-uwi."nginitian ko pa sila upang makampante.May mga kasama pa ako noong una ngunit hindi rin nagtagal ay umalis na rin sila.

"Huwag kang mag-alala, Liberty.May mga ilang empleyado rin naman sa ibang department na nag-o-ot.Ingat ka sa pag-uwi ha."bilin ng isa kong katrabaho.

"Sige, ikaw rin."

Nilingon ko ang mga bakanteng silya at nakitang ako na lamang ang nasa loob.Mabuti na lang at hindi ako matatakutin.Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa at nang sumapit ang alas otso nang gabi ay nagsimula na akong magligpit.May mga nadaanan pa akong mga naglilinis sa hallway kaya nakipag-usap muna ako sandali nang batiin nila ako.

"Liberty, "

Nilingon ko ang tumawag at nakita si Sir Caesar.Nandito pa rin pala si Sir.Naglakad siya papalapit sa akin bitbit ang kaniyang coat.

"Good evening, Sir."nakangiting bati ko.Sumakay kaming pareho sa elevator.Tumikhim siya.

"Ihahatid na kita.Masyado nang malalim ang gabi at wala ng mga dumadaang jeep ngayong oras."aniya.

"Hindi na po, Sir.Salamat na lang.Siguro naman po ay mayroong dadaan."agarang pagtanggi ko.

"I insist, Liberty.Pero kung gusto mo talagang umuwi nang mag-isa ay sasamahan kita hanggang sa makasakay ka.Empleyado kita kaya responsibilidad kita."

"Baka po maaabala ko kayo.Hindi na po talaga, Sir."

"I'm not busy.Follow me."aniya nang bumukas ang elevator at lumabas siya doon.Sumunod ako at huminto lamang nang huminto rin siya.Tumabi ako kay Sir Caeaar at nagpalinga-linga kung mayroon bang dumadaang pampasaherong jeep, sa kamalas-malasan nga lamang ay wala akong nakita kahit isa.Tanging mga pam-pribadong sasakyan lamang ang mga dumadaan.

"Kapag wala pang dumaan sa loob ng limang minuto, ihahatid na kita."wika ni Sir Caesar kaya nilingon ko siya.

"Okay po."sagot ko na lamang dahil kahit ayaw ko siyang maabala ay wala naman akong pagpipilian.Mas mabuti nang makauwi ako dahil tiyak na hahanapin ako ni Mama.Lumipas ang limang minuto at wala pa ring jeep na dumadaan kaya sa huli ay sumabay na lamang ako kay Sir.

"Sorry sa abala, Sir."wika ko habang nagmamaneho siya.

"Hindi ka nakakaabala.By the way, saan kita ihahatid?Sa bahay ng Tita mo o doon sa apartment?"

"Doon po sa bahay ni Tita Jillian.Doon ko kasi balak magpalipas nang gabi."

Ibinilin ko rin kasi kay Tita kanina na gagabihin ako nang uwi kaya doon na kami makikitulog ni Mama.Mabuti na lamang at may bakante silang kwarto doon.Nagdala na rin ako ng ilang mga damit upang sa ganoon ay diretso pasok na ako sa kompanya kinabukasan.Habang binabalagtas namin ang daan ay unti-unting bumuhos ang ulan.Mabuti na lamang at malapit na kami nang abutin nang ulan.

"Sir, pumasok po muna kayo sa loob.Magpatila po muna kayo bago umalis."bilin ko nang iparada niya ang kaniyang sasakyan sa labas ng gate ng bahay ni Tita.Tumango siya bago napagawi ang tingin sa hawak kong payong.Lihim akong nagulat nang kunin niya iyon sa akin.

"I'll go first."aniya bago buksan ang pintuan sa kaniyang tapat at lumabas.Ilang segundo pa at bumukas naman ang pintuan sa aking tabi, sa tapat ko ay nakatayo si Sir Caesar kaya lumabas ako at nakisukob sa kaniya.Hindi ko na inalintana ang pagkakalapit namin, ang mahalaga ay hindi kami mabasa ng ulan.Mabilis pa naman akong magkasakit.

"Pasok po kayo, Sir."anyaya ko sabay hila sa kaniyang braso.Tiniklop niya muna ang payong bago sumunod sa akin.Kumatok ako sa main door at agaran naman iyong bumukas.Halos manlaki pa ang mga mata ni Irene nang mapagawi ang tingin niya sa aking katabi.Nang lingunin ko si Sir Caesar ay ganoon na lamang aking pagkabigla nang makitang nabasa pala ang kaniyang buhok, ganoon rin ang kaniyang damit.Medyo bumabakat ang kaniyang katawan.

"Pasok kayo, pasok.Huwag mahihiya!"anyaya ni Irene kaya napabalik ako sa aking sarili.

"Ate ko!"nakangiting bungad ni Mama at dinamba ako ng yakap at halik, ngunit hindi rin iyon nagtagal nang makita niya si Sir Caesar.

"Kuyaaaaa!"sigaw niya at hindi ko na napigilan pa nang yumakap siya sa braso ng boss ko.

"Mama, huwag n'yo pong kulitin si Sir."nahihiyang nginitian ko si Sir Caesar."Pasensya na po."

"Boss mo?"bulong ni Irene kaya tumango ako."Gosh, ang gwapo!Parang ayaw ko nang mag-aral, ipasok mo na ako kahit tagalinis lang, Liberty.Beke nemen!"

Napapailing na tinitigan ko si Irene bago binalingan sina Mama.Hindi ko alam ngunit natigilan ako nang husto nang makitang nakikipag-usap si Sir kay Mama.Malawak pa ang kaniyang pagkakangiti, ganoon din ang aking ina.

"Caesar, nandito ka pala.Maupo ka muna."wika ni Tita Jillian.

"Naku!Nabasa ka.Baka magkasakit ka niyan, Mister?"sabi ni Irene.

"Caesar Trinidad, and you are?"naglahad si Sir Caesar nang palad kay Irene.

"Irene, pinsan ni Liberty."nakangiting nakipagkamay naman ang aking pinsan.

"Inihatid mo ba si Liberty?Salamat ha.Mahirap rin kasing maghanap ng sasakyan ngayon.Wala namang susundo kay Liberty kaya mabuti talaga at nakita mo 'tong pamangkin ko."wika ni Tita.Napagawi ang tingin niya kay Mama.

"Julia, huwag ka munang dumikit at baka mabasa ka.May pampalit ka ba, hijo?Baka magkasakit ka niyan."

Nakanguso namang umalis ang aking ina kay Sir at sa akin naman yumakap.Nginitian ko siya at hinalikan sa noo.

"Mayroon po akong gamit sa sasakyan."dinig kong sagot ni Sir kaya binalingan ko siya.Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko dahil pare-pareho kaming natahimik nang magsimula siyang alisin ang butones ng kaniyang suot na long sleeve polo.Napaiwas ako nang tingin nang mapagawi ang kaniyang mga mata sa akin.

"I'm sorry.I'll just get my things."aniya kaya nilingon ko siyang muli.Alis na ang tatlong unang butones ng kaniyang kasuotan nang tumayo siya at magpaalam na lalabas upang kunin ang gamit sa sasakyan.

"Wow!Just wow!Muntik ko nang makita ang langit!"biro ni Irene kaya mahinang hinampas siya ni Tita sa kaniyang braso.

"Ikaw talaga, Irene.Tsk!Maghain ka na nga doon.Dito na natin papakainin ang boss ni Liberty."

"Ayoko ng kumain, Ma.Parang nabusog na ako sa kagwapuhan ng boss ni Liberty."

"Edi maganda, mas maraming ulam para sa amin."

"Joke lang eh!Ito na nga po, maghahain na."

Glimpse in her Melancholic HeartWhere stories live. Discover now