Chapter 5

34 5 0
                                    

"Didiretso na ba tayo sa office?"tanong ko.

"Nah, it's almost lunch.Kakain muna tayo bago bumalik."

Nanlaki ng bahagya ang aking mga mata dahil sa pagkagulat.

"Kasama ba si Miss Geneva?"

Umiling siya sabay silay nang mumunting ngiti."Just the two of us, Liberty.It's my treat, by the way.And I know you're starving."

Kami lang dalawa?Seryoso ba si Sir Caesar?

"Bakit n'yo po ako isasabay?Kahit huwag na lang po, sa canteen na lang ng kompanya ako kakain."

"Hassle kung babalik pa ako matapos kitang maihatid."aniya.

"Edi ibaba n'yo na lang po ako sa sakayan, then mag-isa na lang akong babalik sa kompanya."suhestyon ko.

"Nasa highway tayo."

"Uh, edi hihintayin ko na lang po kayong matapos mag-lunch.Dito lang po ako sa loob ng kotse."nakangiti pa ako nang sabihin ko iyon.

"Sa tingin mo makakakain ako nang maayos habang nandidito ka at hinihintay ako?"kunot noong aniya kaya natahimik ako.

"I'm sorry, Sir."

"You don't have to apologize.Just come with me, alright?Hindi ako sanay kumain nang mag-isa."

"Okay po, hati na lang tayo sa bill."

"I said it's my treat.End of conversation, Liberty."mariing aniya kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Which cuisines do you like?Italian?French?Chinese?Thai?American?Korean?German?Russian?"

Talagang ako ang pinapapili niya?Pero ni isa sa mga nabanggit niya ay wala naman akong alam na mga pagkain.

"Filipino cuisine na lang po.Hindi kasi ako pamilyar sa pagkain ng mga taga-ibang bansa."

"Alright then."

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant.Nakasunod lamang ako kay Sir Caesar hanggang sa makapasok kami sa loob.Inabutan kaming pareho ng waiter ng menu.

"Anong sa'yo, Liberty?"

Napaangat ang tingin ko kay Sir at nakitang nakatuon pa rin ang kaniyang atensyon sa menu.

"Grilled chicken at Chop suey."

"Iyon lang?"aniya sabay lipat ng tingin sa akin.Tumango ako.

"What about desserts?"

"Hindi na po, hindi ako mahilig sa matatamis."

"Drinks?"

"Tubig na lang po."

Marahan siyang tumango at sinabi sa waiter ang kaniyang order, ang pinili niya ay 'yung kagaya din ng sa akin.Lumipas ang ilang mga minuto at naihatid kaagad sa aming mesa ang mga pagkain.Nag-sign of the cross ako at marahang ipinikit ang mga mata upang manalangin.Nang magmulat ako ay naabutan kong nakatitig sa akin si Sir Caesar.Nag-sign of the cross akong muli habang hindi pa rin inaalis ang titig sa kaniya.

"What did you pray for?"

"Nagpasalamat lang ako sa diyos."

"Oh, should I pray too?"

Napangiti ako at marahang umiling.

"Hindi naman, depende sa relihiyon mo."

"Well, I have no religion, but I do believe in him."

Matapos niyang sabihin iyon ay pumikit siya at nagmulat rin matapos ang ilang segundo.Marahil ay nagpasalamat rin siya.

"Can we eat now?"

"Yes, Sir."

"Just call me by my name, Liberty."aniya.

"Okay, Caesar."

Tahimik lamang kaming pareho habang kumakain.Nakakatuwa nga dahil tila nagustuhan ni Sir ang pagkain na inorder niya.Nang matapos ay lumapit ang waiter dala ang bill.

"799 pesos only?"tila hindi pa siya makapaniwala sa presyo.

Namumurahan pa ba siya doon?Para sa isang kagaya kong mahirap ay mahal na iyon.Baka nga wala pang isang daan ang magastos ko para sa lunch kung ako lang.

"Yes, Sir.Sulit na sulit po ang pera n'yo dahil kahit mura po ang presyo ay napakasarap naman ng isine-serve namin."nakangiting wika ng waiter.

Kinuha ni Caesar ang kaniyang wallet at bumunot doon ng dalawang libo.

"Keep the change."aniya kaya abot-abot ang pasasalamat ng waiter.

"Let's go, Liberty."anyaya niya kaya tumayo na rin ako.Magkasabay kaming lumabas ng restaurant at nang nasa tapat na ng sasakyan ay muli niya akong pinagbuksan.

"Salamat sa libreng pagkain, Sir Caesar."

"Welcome."

Kung may pagkakataon man na makakasabay ko siyang muli ay sisiguruhin kong ako naman ang manlilibre sa kaniya.Nakakahiya nga dahil wala naman akong naitulong sa kaniya sa meeting niya kanina.Bakit niya pa kaya ako isinama gayong wala naman siyang iniutos sa akin maliban sa samahan siyang kumain?

"Saan ka galing, Liberty?"usisa nina Bianca pagkabalik ko sa aking pwesto.

"Isinama ako ni Sir Caesar sa meeting niya sa H&M Towers."sagot ko.

"Ows?Kayo lang dalawa?"nanlalaki ang mga matang tanong ni Sally at talagang lumapit pa sa aking table habang nakaupo sa swivel chair niya.Ganoon din si Bianca.

"Hindi, kasama namin si Miss Geneva.Iyon nga lang ay bumukod siya ng sasakyan."

"So kay Miss Geneva na kotse ka sumakay?"

"Hindi rin, kay Sir Caesar."

"Ha?!"sabay nilang sabi habang tila hindi makapaniwala.

"Oh my god!Ang swerte mo, girl!Edi nagkausap kayo?"

"Uh, oo?Syempre naman."

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil labis-labis ang pagpapalit ng kanilang reaksiyon sa mga isinasagot ko.

"Ugh!Nakakainggit!Sana sa susunod ako naman ang isama ni Sir, kahit wala na akong pag-asa sa kaniya, basta masilayan ko lang ang mga hot at napakagwapo niyang mga kaibigan."eksaheradang wika ni Sally.

"Speaking of kaibigan, edi nakita mo rin ang mga gwapong tinutukoy namin?"

"Oo."

"Ang gwapo, 'di ba?'Yung tipong mapapatanong ka na lang sa dyos kung bakit may ganoong mga nilalang?Tapos ang yayaman pa.Haays, ang swerte talaga."

"Tigilan n'yo na nga 'yan.Bumalik na kayo do'n dahil magtatrabaho na ako."natatawang pagtataboy ko sa kanila.

"Hmmpf!Basta mamayang out, chismisan tayo habang nag-aabang ng sasakyan ha."paalala ni Sally.

"Anyway, ibinili kita ng food kanina pero kinain naman ng bruhildang si Sally.Baka kasi hindi ka pa nakakapag-lunch.Nakapag-lunch ka na ba?"tanong ni Bianca

"Grabe ka sa akin, Bianca ha!"singit ni Sally.

"Che!Manahimik ka dyan, hindi ko pa rin nakakalimutan na kinain mo 'yung chicken skin ko kanina."

"Sus!Ibili kita ng sampung kilo ng chicken skin eh!"

"Talaga?Gagawin mo?"

"Oo, sa susunod na buhay nga lang."nakangising wika ni Sally.

Nakangiwing binalingan akong muli ni Bianca."Kumain ka na ba?Pwede kitang samahan sa canteen if hindi pa.Magpapaalam na lang tayo."

"Hindi na, kumain na ako kanina."

"Huwag mong sabihing kasabay mo pa rin si Sir?!"pagsingit muli ni Sally.

Nginitian ko na lamang siya at alanganing tumango.Nalaglag ang kanilang mga panga at tila pinagsakluban ng langit at lupa.

"Nakakamatay pala ang inggit."pabirong nawalan ng malay si Bianca.

"Oo nga, ako rin."paggaya ni Sally sa aming kaibigan.

Haays, malala na ang dalawang 'to.

Glimpse in her Melancholic HeartWhere stories live. Discover now