Chapter 9

36 3 0
                                    

"Maupo ka dito."anyaya ko kay Sir.

"Thank you, Liberty."

Habang kumakain kami ay kinakausap siya nina Tita. Tanging pagmamasid lamang ang aking ginagawa. Hindi naman mukhang naiirita si Sir Caesar sa pag-uusisa nila, tila tuwang tuwa pa nga ito.

"Naku, mukhang hindi pa humihinto ang ulan.Malakas pa rin eh."wika ni Tita habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"Oo nga po, Ma. Parang mas lumakas pa kaysa kanina. May low pressure area po kasi kaya ganiyan."sagot naman ni Irene.

Binalingan ko si Sir at nakitang kausap niya si Mama. Tumabi ako sa aking ina kaya napagawi ang tingin nila sa akin. Kaagad na yumakap sa akin si Mama kaya napangiti ako at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Dito na po kaya kayo magpalipas ng gabi, Sir?"suhestyon ko sabay angat ng tingin sa kaniya.

"Are you sure about that?"aniya kaya tumango ako.

"Opo, baka kasi kung mapaano pa kayo sa daan. Doon na lang kayo matulog sa isang kwarto. Doon na lang po kami sa kwarto ni Irene."

"Good idea, my dear cousin!"malakas na pagsang-ayon ni Irene. Nakangisi pa ito sa akin sabay taas ng kilay. Tila inaasar ako, kilalang kilala ko na ang bawat kilos ng pinsan kong 'to.

"Tama ka ryan, Liberty. Dito ka na matulog, Caesar. Sandali at aayusin ko lang ang tutuluyan mo."nakangiting wika ni Tita bago hinila paalis si Irene upang isama. Naiwan kaming tatlo sa sala.

"I'm sorry, Sir."

"For what?"nagtatakang aniya habang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa akin.

"Kasi hindi po kayo nakauwi sa bahay n'yo. Kung hindi n'yo po ako inihatid baka hindi po kayo na-stranded dito."sinserong wika ko dahil nakakahiya talagang patuluyin ang boss ko lalo na at alam ko namang hindi siya sanay sa ganitong bahay.

"There is nothing to be sorry, Liberty. I'm thankful because you let me stay here."

Hindi ko alam ngunit kusang sumilay ang ngiti sa aking labi habang nakatitig sa kaniya. Hindi rin nagtagal at nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming mga silid. Sa kama ni Irene nahiga si Mama, habang kami namang dalawa ay sa lapag.

"Ang gwapo ng boss mo ha. Pag may bakanteng posisyon kahit janitress or lady guard, papatusin ko na."malapad ang ngiting tinapik pa ako nito sa balikat na tila kinikilig.

"Crush mo?"

"Ito naman, syempre oo! Ang pogi kaya tapos lalaking lalaki pa ang datingan. Pero ayaw ko namang magalit ka sa akin kaya hindi na lang. Ihanap mo na lang ako ng iba, pero ka-level din niya ha."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa kaniyang sinabi. Ag bakit naman ako magagalit? Iniisip ba niyang type ko si Sir? Well, gwapo naman talaga si Sir pero hindi naman pumapasok sa isipan ko ang ganoong mga bagay.

"Hindi naman siya sa akin para hindi mo maging crush, Irene. Ayos lang."mahinang wika ko dahil baka magising si Mama.

"Ay sus! Huwag nga ako kasi feeling ko may something eh!"

"Shhh!"saway ko.

"Oops, sorry."bulong niya.

"Matulog na tayo. May pasok ka pa bukas sa school."

"Opo, Mama."natatawang tumalikod ito sa akin. Alam ko namang hindi pa siya matutulog, tiyak na magpupuyat pa ito kaka-cellphone.

Kinaumagahan ay nagising ako sa malakas na tawanan. Kaagad akong bumangon at nakitang wala na si Mama sa loob ng silid. Si Irene naman ay tulog na tulog pa habang nakadapa sa aking tabi, mamaya pang 10 AM ang klase niya kaya hindi ko na ginising. Matapos makapanghilamos ay lumabas na rin ako at naabutan ko sa kusina sina Mama at Sir Caesar. Nakaupo si Mama sa harap ng mesa habang may kinakaing tinapay, si Sir naman ay abala sa paglalapag ng pagkain mula sa mga paper bag. Nagpa-deliver ata siya ng pagkain. Nakakahiya naman. Nag-iinit ang mukha na lumapit sa kanilang gawi.

"Good morning, Sir, Ma."bati ko bago lumapit kay Mama upang humalik. Ramdam ko ang paglingon sa akin ni boss.

"Good morning too, Liberty. I have already prepared our breakfast."

Nang balingan ko siya ay nakangiti siya. Bago na rin ang kaniyang kasuotan at tila bagong ligo na. Marahil ay maaga siyang nagising dahil namamahay.

"Dapat hindi na po kayo nag-abala. Nakakahiya naman."alanganing ngumiti ako habang iginagala ang paningin sa mga nakahain. Lahat ng iyon ay mukhang masarap.

"It's fine because you let me stay here last night. Just a token of appreciation for your kindness."

Nang magising sina Tita at Irene ay sabay-sabay kaming kumain. May pasok ako ngayon sa kompanya, nagpresinta pa si Sir na sabay na kami dahil didiretso na rin naman siya doon. Nakailang tanggi pa ako dahil nakakahiya na talaga ngunit wala na akong nagawa nang ipagtulakan ako nina Tita. Hayaan ko na raw dahil nagmamagandang loob lang naman ang boss ko. Noong umulan ata ng kabaitan ay sinalong lahat ni Sir Caesar. Napakaswerte ng babaeng mamahalin niya dahil para sa akin ay full package na siya.

"Thank you talaga, Sir."wika ko bago lumabas ng elevator.

"Have a nice day, Miss Dimaano."aniya kaya tumango ako. Hinintay ko munang sumara ang elevator bago tuluyang tumalikod.

"Liberty!"

Napahinto ako sa paglalakad at nakita si Bianca na nanlalaki ang mga matang papalapit sa akin.

"Hi, good morning."masayang bati ko sa aking kaibigan.

"Nakita ko 'yon!"aniya na ipinagtaka ko.

"Ha? Ang alin?"

Lumapit siya at tumapat sa aking tenga.

"Bakit magkasabay kayong pumasok ni Sir? Kayo na ba? O nanliligaw siya sa'yo? O baka naman secret wife ka niya ha!"aniya na ipinanlaki ng aking mga mata.

"Bianca, hindi!"hindi makapaniwalang pagtanggi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magugulat sa mga narinig mula sa kaniya. Napanguso siya at kumapit sa aking braso.

"Eh bakit nga kasi? Anong status n'yong dalawa?"

"Mali ka ng iniisip, magkasabay kami kasi kagabi inihatid ako ni Sir dahil wala na akong masakyan. Malakas ang ulan kaya sa bahay na rin ng Tita ko siya nagpalipas ng gabi. Nagkataong papasok na rin siya dito sa kompanya kaya isinabay niya na ako."bahagyang hininaan ko pa ang aking pagsasalita nang sa ganoon ay walang makarinig.

"Ah!"tumatango-tangong aniya."Akala ko kasi may something na sa inyo. Pero okay lang kung meron kasi bagay naman kayo ni Sir. Sa katunayan nga ay perfect match kayo. Ayiiiie!"tila kinikilig pa siya kaya natawa ako nang mahina.

"Masyado lang talagang mabait si Sir kaya ganoon. At hindi kami bagay, masyado siyang mataas para sa akin."

"Mala-drama sa tv ang magiging relasyon n'yo kung sakali man. Langit ka, lupa ako~"

"Haays, ewan ko sa'yo."

Lumipas ang mga araw at mas lalong naging maganda ang takbo ng trabaho ko. Noong nakaraan nga ay namigay si Sir Caesar ng tig-i-isang sako ng bigas sa lahat ng empleyado niya. Kung kukuwentahin iyon ay napakalaki ng nagastos niya, ngunit ayos lamang daw dahil nagtatrabaho naman kami nang maayos. Bukod pa doon ay may shuttle nang sumusundo at naghahatid sa amin nang sa ganoon ay maging safe kami sa pagpasok at pag-uwi. Libre iyon at walang bayad kaya talaga namang nakakapag-ipon ako ng husto. Siguro after three to four years ay may sapat na akong ipon para makapag-aral. Kahit naman kasi medyo stable na ang pamumuhay namin ngayon ni Mama ay gusto ko pa ring makatapos ng pag-aaral.






_____________________________

Hi! Good evening! It's been a long time since my last update. Medyo sinipag lang tonight. Babush and see you next month....or year? Layk so many HAHAHAHA.

Glimpse in her Melancholic Heartजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें