Prologue

108 5 0
                                    

"Wala na po ba talagang pag-asa?"

"Mayroon pa naman, hija.Ang kaso lamang ay nakadepende na iyon sa kaniya."

Nilingon ko si Mama.Abala siya sa nilalaro niyang manika.Mukhang naramdaman niya ang pagtitig ko sa kaniya kaya bumaling siya sa akin.Ngumiti siya at humawak sa aking kamay.

"A-t-te, uwi na tayo."aniya.

Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.Ilang taon na nga ba siyang ganito?

"Mukhang ayaw na niyang bumalik sa dating siya, marahil ay na-trauma siya ng labis sa nangyari noon."wika ng doktor.

Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.Matapos makapagbayad ay inakay ko na si Mama papalabas ng ospital.Pinagmasdan ko siya habang todo ngiti sa aming nakakasalubong.Ang kaniyang buhok ay nakatirintas, may ipit din doon na kulay pink.Paborito niya kasi ang kulay na iyon.

"B-bili ic-ce cream!Ate!"

"Ma!Sandali lang po!"tawag ko nang magtatakbo siya sa nagtitinda ng ice cream.

Dinukot ko ang pitaka ko mula sa aking bulsa at nakitang singkwenta pesos na lamang ang laman non.Nang bumaling ako kay Mama ay nakita kong may kinakain na siyang ice cream.Wala akong nagawa kundi ang lapitan siya at bayaran ang kinuhang pagkain.

"M-magkano po ba ito?"tanong ko nang abutan ako ng tindero ng sukli, bente pesos iyon.

"Trenta, hindi ka ba marunong magkwenta, Ineng?"

Lihim akong napangiwi sa kaniyang pananalita.Ang mahal naman kasi ng tinitinda niyang ice cream.

"Ate, bili ka rin!"excited na aniya.Hinaplos ko ang nagulo niyang buhok bago umiling.

"Busog pa po ako."

Kahit ang totoo ay sumasakit na ang tyan ko sa gutom.Kagabi pa kasi ako hindi kumakain.Bukod sa wala akong pambili ay wala rin kaming stocks na pagkain sa bahay.Mabuti na lamang at naawa si Aling Daisy sa amin ni Mama.Binigyan niya kami ng tira nilang hapunan.Kulang iyon sa amin kaya hinayaan ko na lamang na mapapunta iyon kay Mama.Hindi na baleng ako ang magutom, basta 'wag lang siya.Itinaas ko ang kamay ko saka pinara ang dumaang jeep.Hindi gaanong siksikan sa loob, pinauna ko si Mama papasok sa loob.Pagkatapos non ay bumaba ako at lumapit sa driver.

"Bayad ho."sabay abot ko ng buong bente pesos.

"Ilan?"

"Isa lang po."

Sinuklian niya ako ng dose pesos kaya kaagad akong bumalik sa pwesto namin kanina.

"Ma, tumayo po muna kayo sandali."

Agad siyang sumunod sa akin kaya ako ang pumalit sa pwesto niya.Pagkatapos non ay inakay ko siya paupo sa kandungan ko.Nilingon ko ang ilang pasahero na nagtinginan sa gawi namin.Hindi ko na lamang pinansin ang ilang pamumuna nila sa ginawa ko.Mabuti na lamang at hindi na ako pinuna ng driver.Wala na kasi talaga akong pera pambayad.Wala pa kaming pambili ng hapunan mamaya.Sana ay marami ulit ang ulam na maitira ni Aling Daisy para may hapunan kami.

"Yey!Yey!"

Napapikit ako habang tinitiis ang kabigatan ni Mama.Medyo namamanhid na rin ang mga hita ko sa bigat niya.Tumatalon-talon pa ito kaya mas lalo akong nahirapan.

"Ma, huwag po kayong malikot."malumanay na saway ko sa kaniya.Mabuti na lamang at tumigil siya.

"Para po."wika ko nang mapatapat iyon sa eskinitang tinitirahan namin.Hinawakan ko si Mama sa kamay.Baka kasi kung saan na naman siya magpunta at magpabili ng kung ano-ano.Pinunasan ko ang medyo maamos niyang mukha dahil sa pagkain ng ice cream kanina.

Glimpse in her Melancholic HeartWhere stories live. Discover now