Chapter Thirty-One

70.5K 1.8K 208
                                    

Chapter Thirty-One
Giggling

Nakasunod agad sa akin si Kade. Hindi pa ako nakakalapit sa sasakyan ay pinatunog na niya iyon kaya hindi ako nagdalawang isip na pumasok. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay atomatiko nang tumulo ang mga luha ko.

My cries bounced inside the car as I let my pain out. I shouldn't be crying. Ako ang nag-umpisa. I was the one who inflicted physical pain, pero bakit parang ako yung mas nasaktan sa ginawa ko? Bakit ang sakit-sakit ng puso ko? Bakit parang mamamatay ako sa sobrang sakit?

My plan after returning from New York is to take him back. Hindi pa ako nagsisimula pero pakiramdam ko ay talo na agad ako. Biglang pumasok sa isip ko kung paano sinalo ni Rush ang kamay ko at itinulak iyon palayo. Naalala ko kung paano ako napaatras at muntik mapatumba dahil doon. Rush never did that to me. He does that for me, not the other way around.

Narinig kong bumukas at sumara ang pintuan ng sasakyan pero hindi ako tumigil sa pag-iyak ko. I wasn't just silently crying. I was sobbing out loud. My wails sounded heartbreaking, even for me.

Kade's silent, he's waiting for me to calm down but I don't see it happening any sooner. I need to cry all my pain out.

"Maxwell, stop crying. You're really scaring me." naasiwang sabi ni Kade. Ngayon niya lang ako nakita na ganito kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya natatakot sa pag-iyak ko. He never saw me cry this hard.

"He... He's with that fruit." I sobbed every word. I'm surprised that I managed to complete a sentence with all the interludes of my cries and hiccups. "He doesn't love me anymore, Kade. Why does my heart hurt so much?"

Kade sat properly before grabbing my arm and pulling me in to give me a hug. He placed my face on the side of his neck, brushing my hair with his hand. He chose not to say a word. He gave me what I exactly needed right now.

There are times when silent hugs are more comforting than the hushed words, false hope and empty promises, with them saying that everything will be alright.

Hindi ko na sigurado kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon. Wala naman sinabi si Kade at hindi naman siya umaangal kahit na alam ko na nakakangawit iyon para sa kanya. Pinili niyang hintayin ako kumalma at matapos sa pag-iyak bago ako kausapin na parang hindi ako kagagaling sa pag-iyak.

"Do you wanna go back to the office or do you want me to drive you home?"

I shook my head at him. Neither. "I wanna get drunk."

Masyado pang maaga para pumunta ng club o bar para uminom at magpakalasing kaya sa bahay kami ni Kade dumeretso. It was a good thing that his parents aren't home at the moment, ang sabi niya ay nagbabakasyon ang dalawa for their week long anniversary. Ang isang kapatid naman niya ay may sariling condo unit kaya siya mag-isa lang siya sa malaking bahay nila.

Hindi ko na nabilang kung nakailang baso na ako. All I know is that we're on our second bottle. Walang umiimik sa amin habang umiinom. Abala ako sa pag-iisip kay Rush at mukhang wala naman balak magtanong sa akin si Kade. Kung may gusto man siyang sabihin ay hindi ko malalaman iyon dahil hindi siya nagtangkang magsalita.

Bigla akong napahikbi nang tumulo mag-isa ang mga luha ko. Umiikot na ang paningin ko at hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong umiyak. Para akong baliw. Siguro ay dahil na rin sa naparami ang inom ko. I'm drunk.

"Maxwell..." narinig ko nag mahina at lasing na boses ni Kade.

Umiling-iling ako dito. "I don't know what to do, Kade... Kanina ko pa iniisip kung ano na ang plano ko... ngayon pero hindi ko alam kung saan... ako magsisimula. I'm so lost. I don't know... what to do next." pahinto-hinto pa ako dahil sa walang tigil na paghikbi ko. Kinagat ko ang labi ko at ipinagpatuloy ang sinasabi. "Nung nakita ko si Grant na may kasamang iba dati, hindi naman ganito... Nasaktan ako, pero hindi ganito... Yung mas masakit? When I was... still in love with Grant... I always knew what to do next. I knew how to recover... after getting my heart broken by him... Pero kay Rush... It's all new to me. Mas mabigat... Mas masakit."

Mean to Be (Mean #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon