"I'll apologize, don't worry," tapik ko sa balikat ng miserableng si Adam habang naghihintay kami sa labas ng building nina Azariah sa Torrero University isang araw. 

Ilang araw nang miserable si Adam dahil hindi raw pinapansin ni Azariah kaya naisipan kong samahan na lang s'yang manuyo para naman makahingi na rin ako ng tawad. Nalaman na rin kasi ni Hanani ang mga pinaggagagawa ko at hindi n'ya ako titigilan hangga't hindi ako nagso-sorry kay Azariah dahil sa pangpipikon ko sa kan'ya. 

Kung hindi ko pa tinanong kung gusto ni Adam si Azariah, iisipin kong may relasyon silang dalawa. 

"Hindi ko gusto si Aiah!" Tanggi ni Adam nang tanungin, mukha pa ring miserable. "Pero barkada ko 'yon kaya s'yempre, ayoko namang magalit sa'kin."

Sumama talaga ako kay Adam sa Torrero University para humingi ng tawad sa kaibigan n'ya. But I don't think it was a good idea especially when I saw Azariah coming out of the building with a fuming mad expression on her face. Pero bakit kahit galit, parang ang ganda pa rin?

"Why are you even here?" Baling n'yang tanong sa akin matapos n'yang pagalitan si Adam.

Magsasalita na sana ako pero bago pa man ako makabigkas ng isang salita, she already started stomping away. Naaaliw ko s'yang pinagmasdan at hindi man lang ako nakaramdam ng kaunting inis kahit na hindi ko nagawa ang dapat kong gawin sa university na 'to ngayong araw. 

"I told you she'd get more upset," Adam told me but I couldn't pull my eyes away from Azariah. 

Galit na galit? Parang mas mapula pa ang muka n'ya sa maroon na palda ng Torrero University. Napa-iling ako.

Hindi ko tuloy napigilang magpapansin sa kan'ya sa social media accounts n'ya--only to learn that she has blocked me on almost all of them. Gano'n ba s'ya kagalit sa'kin? I can't believe it. 

"Sorry rin," she apologized and I got amused with how calm she looks, "para ro'n sa kapeng nabuhos din sa polo mo. And for always talking rudely... For the cocktail that I accidentally poured on your shirt. And for grabbing your shirt because I was annoyed." 

Nang ikunot n'ya ang noo n'ya nang ma-realize n'yang ang dami n'yang inihingi ng tawad, hindi ko napigilan ang ngisi ko dahil sa pagka-aliw sa kan'ya. 

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. I just know that I started trying to get her attention. 

Slowly, I started knowing more about her personality too. She spends her time mostly studying and talking with Kamille--her best friend. She's fun to talk to because she has a lot of things to talk about that I just found myself smirking at her every reply.

Sa mga panahon ding nag-aaral s'ya, instead of doing something else, sinasabayan ko na lang s'ya sa pag-aaral para may dahilan akong maka-usap pa s'ya nang matagal o matitigan sa video call. 

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Adonijah sa akin isang araw.

Narinig namin ang pananaway ng librarian kay Adonijah dahil sa bayolente n'yang reaksyon dahil sa pagtanggi ko sa kan'ya sa pag-aaya n'yang maglaro ng mobile game kasama sina Asiel. Bumuntong-hininga ako at at tiningnan s'ya nang seryoso. 

Wala ba s'yang klase? Talagang pinuntahan pa ako sa library para pilitin akong maglaro.

"Mag-aaral ako. Ayokong maglaro," I told him, shooing him afterward. 

"Don't shoo me," mabilis n'yang sabi pero hindi ko pinansin. "Bakit ka nag-aaral? Lasing ka ba?"

Agad ko s'yang minura bago binuklat ang librong babasahin ko. Halos mapamura ako habang tinitingnan 'yon pero nagpatuloy naman sa pagbabasa. Azariah was studying this last night. Baka may na-miss s'yang aralin.

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon