Chapter 10

8.1K 364 109
                                    

#war1wp

Chapter 10

Immaculate

Jadon:
Save my number.
It's Jadon.

Nalaglag ang panga ko habang tinititigan ang message ni Jadon para sa'kin.

After we spent time at that cafe with Adam, hiningi n'ya ang number ko at naisip kong normal naman 'yon lalo na at magkakilala na kami kaya walang pag-aalinlangan ko 'yong ibinigay.

But I didn't actually expect him to text me! Akala ko, ginawa n'ya lang 'yon para ipakitang maayos na kaming dalawa.

But I saved his number anyway. Naisip kong puwede ko rin 'yong pagkakitaan.

I mean, he has a lot of admirers! Puwedeng ibenta ko sa mahal na halaga ang number n'ya. Agad akong napangisi sa kalokohang naisip. But I am not that evil to do that to him.

Hindi ko ni-reply-an ang text ni Jadon. I was trying to shrug it off. Malay ko ba kung nagiging mabait lang s'ya? At isa pa, I'm not really into texting.

Kaya nga akala ko, hindi na ulit ako makakatanggap ng mensahe galing sa kan'ya pero nang makatanggap agad ako ng isa pa, isang oras ang nakalipas, na-realize kong nagkamali ako.

Jadon:
I didn't know you were a real snob?

Hindi ko alam kung bakit n'ya pa ako kinaka-usap. Talaga bang humingi s'ya ng sorry? O itutuloy n'ya pa ang pang-aasar sa'kin?

I was kind of doubtful especially that his image has been tainted for me. Iniisip ko parating may kung ano s'yang kalokohang naiisip para mainis ako. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ako titigil hangga't hindi ko s'ya nababawian.

Azariah:
I'm not a snob. Akala ko, nagpakilala ka lang.

At bakit ba gusto n'yang mag-reply pa ako? Am I that relevant that if I won't reply, it'd bother the hell out of him?

Jadon:
Hindi ka talaga magre-reply ulit kung hindi pa ako umulit ng text?

Kumunot ng noo ko at naka-isip na naman ng pambara sa tanong n'ya pero mabilis na dumating ang isa pang text.

Jadon:
I'm just asking, by the way. I'm not used to emojis.
In case I offended you again?

Kumunot ang noo ko at napatitig sa chat n'ya. Si Jadon ba talaga ang kausap ko? Ang bait, ha!

At bakit s'ya nage-explain? Ayaw n'yang mainis ulit ako? Napanguso ako. So he didn't text me to annoy me. Ano ang gusto n'ya?

Azariah:
So, sinasabi mo bang pikon ako?

Biro ko at medyo natawa. Nang mag-reply ng isang mura si Jadon at tumatawang emoji, agad akong napatawa at napa-iling.

Hindi ko na sana s'ya re-reply-an pa pero may isa pang text na dumating.

I was like that for the next days. I tried to not reply pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, may panibago na namang text si Jadon na hindi ko mapigilang sagutin.

Until I lost track of the times I replied. Naabutan ko na lang ang sarili kong mabilis na nagre-reply sa mga messages n'ya kahit ano pa ang ginagawa ko.

I brought my phone everywhere I went, trying to reply as fast as I can because I kind of liked how our conversations are going.

Jadon:
I thought you're ignoring me again.

Azariah:
Kumakain ako!

Napangiti ako at napa-irap.

Jadon:
What are you eating?

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now