"Hindi ba talaga sasama sina Shaeynna at Kean?" tanong ni Reyster pagkapasok namin sa loob ng van.

Umiling ako. "Hindi eh. Hindi raw kasi sila makakauwi..."

Kahit ako ay bahagyang nalungkot nang sabihin nila iyon. Noong una kasi ay sumang-ayon sila at nangakong paglalaanan ito ng oras, ngunit noong isang araw lang ay biglang nag-chat si Kean na hindi na raw sila makakasama pa sa amin dahil tambak sila ng trabaho. Wala namang kaso sa akin iyon. Naiintidihan ko naman. Natutuwa nga ako dahil sabay nilang naabot ang pangarap nila tapos ngayon ay magkasama na sila sa iisang bahay.

"Sayang naman. Mas masaya sana kung kasama sila." Parang batang ngumuso si Reyster.

Kinuha niya ang dalawang travel pillow sa malaki niyang bag. Ipinatong muna niya ang isa sa kaniyang hita. Maingat niyang tinipon ang buhok ko gamit ang isang kamay at ipinatong iyon sa aking kaliwang balikat. Palihim akong ngumisi nang mapalunok ito habang nakatitig sa aking maputing leeg at batok. Huminga siya nang malalim at mariing kinagat ang labi habang inilalagay ang asul na travel pillow sa batok ko.

"Talaga ba? Asul sa akin, pink sa 'yo?" natatawang usal ko at inirapan niya 'ko.

"Bakit? Anong masama? Favorite mo ang blue at favorite ko naman ang pink!" asik niya.

Maingay ngunit masaya ang byahe namin patungo sa Batangas. Panay ang tawanan at kuwentuhan namin. Labing-dalawang tao ang capacity ng van. Nasa pinakadulong upuan kaming dalawa ni Reyster, kasama namin si Albert at Marie. Sa unahan namin ay si Nanay, Tita Carolyn, Eunice, at si Rhys na kalong si baby Amara, anak ng kapatid ko. Sa unahan nila ay sina Trisha at Jolo na kanina pa nagbabangayan. Doon din nakaupo kanina si Terrence kaso mukhang nainis yata sa ingay noong dalawa kaya lumipat ito sa tabi ng driver na nirentahan din namin.

Tanghali na nang makarating kami sa isang kilalang resort rito sa Batangas This is just an overnight stay kaya naman wala kaming sinayang na oras. Indeed, the whole place is breathtakingly beautiful. It seems like we're in Santorini, Greece. We took a lot of pictures. Kung anu-anong pinaggagawa namin sa buong maghapon at nang sumapit ang gabi ay nag-decide silang mag-inuman. Kaming mga kabataan lang naman ang uminom dahil sina Nanay at Tita Carolyn ay nakikisali lang sa usapan.

"Bakit ba ayaw mo sa 'kin? Mabait naman ako at gwapo," pagdra-drama ni Jolo kay Trisha.

"Kung ganiyan lang din naman ang depinisyon ng gwapo, wala na sigurong pangit sa mundo," Trisha fired back at umalingawngaw ang malakas na tawanan naming lahat.

Jolo squealed. "Ang pangit pangit ng ugali mo!"

"Ang pangit pangit mo!" Trisha uttered with conviction and rolled her eyes.

Wala na yatang plano na magkasundo pa ang dalawa. For Pete's sake, simula nang magkakilala sila ay panay na ang bangayan nila sa isa't isa. Napapailing na lang ako dahil sa totoo lang ay ako ang napapagod sa sigawan nila.

A cold breeze lingered on my skin when I decided to take a walk near the shore. Balak ko sanang namnamin ang ganda ng mapayapang gabi nang mag-isa ngunit hindi iyon nangyari dahil may matikas na braso na pumulupot sa aking katawan.

Natigilan ako sa paglalakad at awtomatikong sumilay ang matamis na ngisi sa labi ko. Sa amoy pa lang ng matapang nitong pabango ay hindi ko na kailangang mangamba kung sino iyon. Nanatili ang mga mata ko sa malawak na karagatan. Ang malakas na alon at ang bayolenteng paghampas nito sa mga bato ay labis na nagbibigay kapayapaan sa aking pandinig.

Nakontento kami sa matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang tanging maririnig lang ay ang palitan namin ng malalim na paghinga. Mula rito sa kinatatayuan namin ay dinig na dinig namin ang malakas na tawanan ng mga kasama namin. Gano'n sila kaingay.

I heard him heaved a soft sigh. Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin mula sa likuran. Ikiniling ko naman ang aking leeg upang maipatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat.

"Malapit na ulit akong umalis..." aniya at hindi nakatakas sa akin ang lungkot sa kaniyang tinig.

Dumiin ang tingin ko sa dagat. Kumurap-kurap upang pigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata. Hindi naman ito ang unang beses na umalis siya ngunit itong lungkot na nararamdaman ko ay para bang bago pa rin sa akin ang lahat.

Nanghihina akong tumango. "O-Oo nga..."

Tanda ko pa kung paano ako humagulhol ng iyak noong unang beses siyang sumampa ng barko. Grabe, hindi sa pagiging OA pero ilang araw talaga akong nagkulong no'n sa kwarto. Fourth year college siya no'n at kailangan na niyang sumampa bilang parte ng OJT niya. Hindi naman siya gano'n katagal pero ngayong natanggap na siya sa trabaho sa isang shipping agency ay tiyak na matagal-tagal ito bago muling makabalik.

"Mamimiss talaga kita. Hay naku, huwag ka nang malungkot dyan dahil kapag nakaipon na naman ako para sa future natin ay hindi na ako aalis..." pampalubag-loob pa niya sa akin.

"Baka naman may babae roon tapos hintay ako nang hintay dito hindi ka na babalik?!"

"What?" Nagpakawala siya ng malutong na tawa. "Ano ka ba? Kung anu-anong iniisip mo! Ang tagal tagal na natin tapos ngayon mo pa ako pag-iisipan ng ganiyan?"

Napanguso ako at inisip ang sinabi. Okay, may point nga naman siya. Bukod sa tantrums at pagiging toyoin niya ay wala na naman kaming naging matinding pag-aaway. Wala naman siyang record ng pambababae. Sus, kunwari pa na ako raw ang patay na patay sa kaniya pero obvious naman na siya.

"Basta babalik ka ha? Behave ka lang ro'n. Mag-iingat ka palagi, may katangahan ka pa naman minsan..." I smirked.

"Yes, captain! Basta utos mo, susundin ko. Nanginginig pa." He crouched a bit. Nanggigigil niyang kinagat ang aking pisngi kaya naman napadaing ako sa sakit. "Ang cute cute naman ng bebe ko na 'yan." Hindi pa nakontento ang loko at pinupog pa ng halik ang aking mukha.

I smiled widely. My heart is so full right now. Parang sasabog ang puso ko sa saya. Hindi ko alam pero sobrang nakakamangha lang na walang pinagbago ang Reyster na nakilala ko noong nasa elementarya at Reyster na kayakap ko ngayon. Kung mayroon mang nagbago, iyon ay para sa mas ikabubuti naming dalawa.

We grow individually... together. We become the best version of ourselves... together. And I couldn't ask for more. Ngayon ko lang sasabihin pero siguradong-sigurado na talaga ako. Nasa tamang tao na ako.

But sadly, he needs to leave me right now for our future. Nakanguso ako, pinipigilan na naman ang paghagulhol habang pinapanood siyang magpaalam sa kaniyang ina. Matapos noon ay saka siya bumaling sa akin.

Mapungay ang nangingintab niyang mga mata. Alam kong naiiyak din siya pero pinipigilan lang niya. Yumuko ako at bumagsak ang tingin ko sa aking nanginginig na kamay. I really hate this kind of feeling! Hinihiling ko na mabilis sanang lumipas ang araw para makabalik siya agad!

"Aalis na ako," aniya sa mahina at malambing na tinig.

I didn't give him any response. Sa halip ay kinagat ko lang ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang panginginig noon. He pulled me closer to give me a warm and tight hug. Agad kong pinulupot ang aking braso sa kaniya at ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"Huwag kang umiyak, Tol. Naiiyak din kasi ako. Baka hindi na ako makaalis at mag-iyakan na lang tayo rito..."

"N-Nalulungkot lang ako," I said, my voice was shaking.

"Babalik din ako, okay? Mabilis lang 'to." pangungumbinsi pa niya ngunit imbis na gumaan ang pakiramdam ay naging sanhi iyon para tuluyang magbagsakan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang tagal bago niya ako mapatahan. Kung hindi pa susulpot si Nanay para sabihing kanina pa naghihintay ang tricycle sa labas ay hindi pa kami bibitaw sa isa't isa.

Reyster gave me a soft kiss on my lips as he bid his goodbyes. Marami siyang sinasabi sa akin na hindi ko naman masundan pero tumatango ako. Basta ang malinaw lang ay ang salitang binitawan niya bago siya tuluyang bumitiw sa yakap at maglakad palabas ng bahay.

"Mahal kita simula pa noong una. Mahal kita hanggang sa aking huling hininga,"

We were 24 years old that time...

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon