Chapter 27: Touch Thing to See Things

Start from the beginning
                                    

"May nakita ako..." panimula ko. "may mga estudyanteng dumaan dito. Kasama lima kong kaklase. Pero may tatlo akong 'di ko kilala. Yung isa may kagat sa leeg at hinang hina. Nagsasalita sila pero parang nakamute, isipin mong nanonood ka sa nakafast-forward na video sa TV, ganun....tapos"

Gumapang siya palapit sa akin at it seems so creepy. Shet huwag mo tangkain, masusuntok din kita.

"...Tapos" nauudlot kong kwento.

"You. Are Anti-Seer" she has wide smile with a great expression of happiness.

"What? Dami mong alam? Para kang sira" sabi ko. Believe me I told "Sira" wordpero 'di siya naapektuhan. Okay namanhid na.

"Anti-seer is the one who can see the past events" you are green so expect na ALL IS INTO YOUR MIND and TOUCH...kapag nahawakan mo ang isang relevant na bagay,
makikita mo ang past events na nangyari dito even surrounds it. So ano nahawakan mo?"

Iniharap niya sa kaniya ang kamay ko.

"What's that?" napabangon s'ya nang ma-realize niya kung ano ito.

Ang asim POTANGINA. Ano to Suka?

Pumasok sa isip kong kung ano ito at kanino galeng. P*T* ENA, suka ni Dave.

"Don't touch me... ah ah ahhh No...Do not touch me" maarte niyang wika.

Habang naglalakad kami pinupunas ko sa pader ang kadiri-diring suka ng kaibigan ko. Balasubas na kung balasubas basta matanggal lang 'to.

"May alcohol ka ba dyan? Ayaw matanggal ng pochang asim." Tanong ko habang kinikilig dahil sa diri. Paputol nga ng kamay! Biro lang hehehe.

Palapit na kami sa sunog na bagay. Matapang ang amoy na sunog na halaman. Maging sa pader ay may dungis ng itim.

"Anong nangyari dito?" kunot noo kong tanong.

Tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin.

"Anong ngiti yan? Bakit ka nakatitig ng ganyan sa akin? Ayan ka na naman may balak ka na namang masama a."

"'Di kita type noh? Diba may ability ka? Edi gamitin mo para malaman mo ang sagot" suhestiyon niya para malaman namin ang nangyari sa lugar na ito.

Naghanap ako ng bagay sa paligid na pwede kong gamitin sa pagtrace ng nangyari dito. Sa kabilang pader nandun ang mismong katawan ng puno. Samantalang
haharang-harang sa gawi dito ang mga nakaangat na ugat.

May ugat dito na medyo nabalatan, almost ng balat ay brown samantalang medyo
almond color naman ang na-damage dito.

Possible na may dumaan nga dito. Possible din na may napatid dito.

"Hoy lalake, Look above here..." sigaw ng babaeng nag-monkey style ata makaakyat lang ng puno. Tinignan ko siya sa taas at tinanong kung paano siya nakaakyatng ganoong kataas na puno. Iwinasiwas niya lang ang kaniyang kaliwang paa at nag-fade galing sa kulay silver white hanggang naging normal ang kaniyang mata. Nang-aasar yata to.

Nadapo ang mga mata ko sa gilid ng pader at hayun, dun nakaayos nakatabi ang kaniyang sapatos. Kapag dito may sumulpot na halimaw, tatakbo ito ng nakapaa.

Pasigaw-sigaw pa ng "Look above here nyenyenye.." tsss.

Dinampot ko ang mga sapatos niya nang biglang may sangang pumukol sa akin.

Tumingin ako sa itaas at kanino galing ito.

"H*ck?" bigkas ko habang walang katarungan kong itinaas ang mga kamay ko bitbit ang sapatos niya.

"Shhhh..." sensyas n'ya habang nakalagay ang hintuturo sa kaniyang labi.

Pi-noint niya naman ang nguso niya at nakita ko ang isang halimaw na nakatagilid sa pader. At titig na titig sa akin.

"Have you been climbed to the tree before?" tanong niya sa mahinang boses.

Umiling lang ako na may takot mababakas sa mukha ko. Tang*na nakakapakshet na buhay 'to. Wala na bang katapusang takbuhan to? Eto na yon? Runner na kami? Seriously, Lage?

Dahan-dahan hanggang sa tumakbo ang gutom na halimaw papunta sa akin.

Nagmadali na kami. Kumuha si MJ ng baging sa itaas at itinali niya ito sa kaniyang bewang. Pinadaan ang kabilang dulo sa matibay na sanga at binagsak naman niya pababa ang mga iyon papunta sa akin, nagets ko naman ang gagawin niya at itinali ko rin sa bewang ko ang
baging na iyon.

Pero unexpected ang ginawa niya. Na kala ko ay hihilahin niya ako gamit ito peromali pala. Napakacomplex talaga mag-isip ng mga babae.

Tumalon si MJ ng sobrang taas at ginamit ang bigat niya para tumaas naman ako,pero maaabutan siya sa baba ng halimaw na iyon.

Pagkalagpak sa lupa, alam ninyo yung smooth landing lagi ng mga nagji-Gymnastic? Ganun...Napatid ang baging sa pag-angat kong iyon.

Pocha 'di ko maipaliwanag pero instinct narin siguro na kailangan may makapitan ang mga kamay ko. Para saan pa kung bakit ginawa ni MJ yun?

Dahil no choice na rin ako ay nabitawan ko ang sapatos ni MJ kaya nahulog ito.

Naabutan siya sa oras na iyon pero sinupalpal lang ng kaniyang kanang paa ang mukha ng halimaw. Hindi nagpadaig ang halimaw kaya't inatake n'ya gamit ang opensa nito.

Umilag si MJ, alam n'yang wala siyang laban sa lakas kapag wala siyang pwersa para dun kaya napatakbo siya pataas sa pader.

Mabilis ang pangyayari, nagkulay silver white ang mata niya, gamit ang paa umakyat siya. Pero katulad niya, unexpected din ang kakayanan ng halimaw na iyon. Nakakagapang ito sa pader katulad niya na nakakalakad dito.

Mabilis silang pareho pero alam natin na mas agresibo ang halimaw. Nakagat ng halimaw ang baging na nakatali sa bewang ni MJ kung kayat nahahatak siya pababa. Ginamit na rin niya ang
mga kamay niya upang hindi tuluyang mahatak siya nito.

"F*ck ano gagawin ko?" hahampay-hampay lang ako sa sanga ng puno. Limang pulgada ang layo ng paa ko sa pader. I can't make it. These moment is the most impeding breathe I have encounter in my life besides sa graded recitation.

At the edge of this single block of wall, approx. 100 ft. along there. May gumagapang pataas. At king*na ayaw kami talaga tantanan ng mga P*tang *nang mga halimaw. Ugh!

Wait PUNO? Shete Sais Singkong butas. Dito na kaya magtatapos ang buhay ko?

Nagsipatakan na nga ang ulan. Bumagal ang bawat oras ramdam ko ang malungkot na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Pabalik-balik lang ang mata ko sa halimaw na patungo sa akin, at sa babaeng nasa ibaba na nanganganib ang buhay.

Ano ang gagawin ko? Tulong...Kailangan namin ng tulong. Lumuluwag ang kapit ko sa sanga. Nadudulas dahil sa basa na ito o dahil ibig narin nitong magsakripisyo ako?

Papaluwag na nang papaluwag...Masaklap. Madiin akong pumikit, tatanggapin at magpatihulog nalang. Tutal naman sakto sa ulo nung halimaw ang bigat ko, siguro ayos na rin magsakripisyo naman ako para sa iba.

Mas may choice ako kumpara sa kaniya. Mapait akong ngumiti at sa puntong ito nalaman kong may sense na ang buong buhay ko.

ALPHAWhere stories live. Discover now