"Si mom" ika niya ng bumaling siya sa akin, malalim na butong hininga ang pinakalwan niya bago siya muling mag salita

"Gusto mong mag gala muna bago tayo umuwi sa bahay?" tanong sa akin ni King kaya naman tumango na lamang ako, may kakaiba talaga kay King

Katulad nga ng sinabi niya nag gala kami ni King, nag mall namili lang ng ilang gamit nanood ng sine, at saka yung iba pa naming ginagawa dati

at ngayon nasa may tabi kami ng dagat dito sa may park, mag kalapit lang kasi halos ang dagat at ang park at sa gitna naman nito may court, may ilang ding nag titinda ng street food

"Ahh" ika ng nasa harap ko kaya naman bahagya akong nag angat ng tingin kasalukuyan akong sumisimsim  ng juice

"Ahh" saad niyang muli kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ibuka na lamang ang aking bibig para kainin ang pag kain na sinusubo ni King, isa iyong fish ball

"Ahh shit ahh" daing ko at marahang pinalo si King dahil sa anghang ng fish ball na yun sa maanghang naisasaw ni King ang fishball

"Sorry sorry" saad sa akin ni King at saka ako muling pina inom

"Manong" saad ni King sa tindero
"Sorry po sir nag kamali po ang turo ko" pag hingge ng paumanhin ng tindero, hindi rin naman kita namin kita kung maanghang ba yun o hindi dahil may kulay ang lagayan niya ng sawsawan

pag katapos namin doon agad na binayaran ni King yung tindero

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay King, palubog na kasi ang araw

"Hmm! mamaya maya na lang siguro" saad niya kaya naman tumango na lamang ako, kasalukuyan kami ngayong nasa buhanginan at nakatang aw sa dagat sa at pag lubog ng araw ni King

"Sana laging ganito, sana pala ng mga oras na may amnesia ka sa halip na sayangin ko ang oras ko sa pambully sayo sa bahay , dapat pala niligawan na lang kita , dapat pala hindi na lang ako pumayag sa gusto ni Andrea, na maging mag fake on kami" saad niya sa kawalan, kaya naman natigilan ako

"Si Andrea nga pala kamusta siya?" tanong ko kay King na ikinatigil nito

"I think okay naman siya" sagot niya sa akin at saka ngumiti

"Eh yung baby niya kaya?" tanong ko naman sa kanya dahilan para mag seryoso siya

"Kint.... Promise hindi ako ang ama ng dinadala ni Andrea, ni Wala ngang ng yare sa amin" tugon niya sa sinabi ko kaya naman bahagya akong tumawa

"Wala naman akong sinabing ikaw ang ama" saad ko naman bagama't seryoso ako pero may halo pa ring tawa, ang O.A kasi ni King

"Pinapangunahan lang kita" saad niya at saka umakbay sa akin

alam ko naman na hindi talaga si King ang ama ng dinadala ni Andrea, dahil alam kung hindi yun magagawa sa akin ni King, pero dahil nandun pa rin sa akin ang pag tutul dahil may malaking sansya na siya talaga ang ama lalo na't siya ang naging malapit din kay Andrea, wala rin akong alam na may ibang kasintahan si Andrea

"Naawa ako kay Andrea" biglang ika ni King kaya naman dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya kasalukuyan ako ngayong naka patong ang ulo ko sa balikat niya, oh diba parang bumalik kami sa dati

"Bakit naman?" tanong ko na lang
"Dahil ramdam ko naman na hindi rin ako gusto ni Andrea, pero sinisiksik pa rin niya ang sarili niya sa akin" saad niya na ikinagulat ko, dahilan para bahagyang lumaki ang mga mata ko

"Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ko at saka tinanggal ang ulo ko sa balikat niya

"Nararamdaman ko" Kibit balikat niya kaya naman napatango na lamang ako

"Tayo na" saad niya at nag paunang tumayo at saka ako inalalayan na tumayo

"Gabi na pala" saad niya na tumingin pa sa langit, gabi na nga

"Tara" saad niya ulit na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang kamay ko, habang nag lalakad kami, papunta sa pinag parkingan  ni King

nawala na ang kanina kung ilang, parang bumalik kami sa dati noong wala pa kaming problema

mag kahawak pa rin ang kamay naming dalawa hanggang sa makarating kami sa may kotse niya doon niya lang binitawan ang kamay ko para pagbuksan ako ng pinto

tahimik lang na nag drive si King habang ang isa niyang kamay ay naka hawak pa rin sa kamay ko, agad din niya kasing kinuha ang kamay ko ng makapasok at umandar na yung sasakyat, sinaway ko pa nga siya na baka ma aksidenti kami dahil isang kamay lang ang gamit niya, pero sabi lang niya ay siya ang bahala, sa awa ng Diyos ay naka uwi naman kaming liktas sa bahay ni King, hanggang ngayon ay nadito pa rin sila Tito Kenji at Tita Crystal, dito muna sila tumtuloy sa bahay ni King dahil mas malapit ito, medyo malayo kasi ng kunti ang bahay nila tita dahil nasa may liblib ito

¤¤¤

"Andyan na pala kayo, na enjoy niyo ba ang date niyo?" nakakalukong tanong sa amin ni tita Crystal

"Kamusta ang lakad niyo?" baling sa akin ni Tita Crystal

"Okay lang po tita" saad ko at bumaling kay King na umaakyat na ngayon sa taas mukhang pagod ata si King, nag drive pa kasi kanina pa rin siyang parang hindi mapakali

"Ahh sige po tita, Aakyat na po ako, sa kuwarto para mag pahinga" saad ko kay tita dahil naka ramdam na din ako ng pagod

"Sandali Kint, yung mga gamit mo pala hijo nandito na hinatid kasi kanina ng driver niyo dito, at saka pala dito na lang sa kwarto sa baba ikaw matulog, baka kasi mapagod ka kaka akyat taas, buntis ka pa naman" ika ni tita Crystal kaya naman ngumiti at tumango ako lang ako sa kanya bago ako tuluyang mag paalam para mag tungo sa nasabing kuwarto ni tita Crystal

tama nga si tita nandito na ang mga gamit ko sa magiging kuwarto ko sa baba, pagod kung hiniga ang akinh katawan sa malambot na higaan, may ngiti sa labi ng ako ay tuluyan ng makatulog

A/N: Maikli na naman ang Chapter na 'to dahil na lulugaw na talaga ang utak ko as in Whahaha

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon