"Uh, I mean... That guy, your school mate." I continued. They both grinned.

"Uy... Apple, curious..." Ngising aso ng panget na si Claire. Ampanget talaga nito. Naramdaman kong uminit ang ilong ko kaya as a defense mechanism, tinaas ko ang kilay ko at umirap.

"Duh? A tea is a tea." Sabi ko.

"Ano ka ba, normal lang iyan. Soon, if you'll decide to study in ADMU, it appears to be a pre requisite to know all about Tyson." Ani Jessa. Sumeryoso naman si Claire at tinuro ako.

"Naku, girl! That's how hot and appealing he is! He almost got expelled when he hooked up with his young professor. Mabuti naagapan ng implewensya. And speaking of, he is filthy rich." Parang kinikilig pang nagk-kwento si Claire. I cringe.

"Really? Ang libog naman." Wala sa sarili kong sabi. Humagalpak silang dalawa sa sinabi ko. Natawa naman si Nate at umiling. Gosh! Hindi ko pa nakikilala si Tyson at ganito nang mga impormasyon ang nalalaman ko sakaniya! Naloloka ang hormones ko!

"But he's very smart. Kaya nga lang, hindi mapirmi sa iisang babae. Kaya kung may crush ka dun, ngayon pa lang umiyak ka na." Ani Jessa. Uminit ulit ang ilong ko.

"Don't deny it, Aps! I support you! Natural na iyan sa amin, we had a crush on him too. Kaso lilipas din iyan promise." Ani Claire. Oh my gosh. Sumasakit na ulo ko. Ganito kalala ang epekto niya sa kababaehan at sa sang-kabaklaan!

But I thought about the last statement. I don't think so. There is this unknown feeling inside me that's keep on burning every time I hear something about him. That's keep on wilding as I think about how nasty and dark he may be. Nababaliw na ba ako? Siguro nga nag-uumpisa na.

So we spent the rest of our lunch time talking about their school. May namumuo nang udyok sa kaloob-looban ko na lumipat nga ng Ateneo kaso ayoko talagang iwan si Dwayne. Siya nalang mag-isa dun at ayokong makarinig na may umaayaw sakaniya na mga hampaslupang panget. Hindi pa naman iyon marunong lumaban. Iyon lang talaga ang pinangangambahan ko at syempre mami-miss ko siya. Hindi naman na ako nababahala sa mga lalaking magtatangka dun dahil alam ko namang pasasabugin ni Rocco ang school na iyon pag nalaman niyang pinopormahan ang girlfriend niya. I sighed. Dwayne and her magical charm that makes people around her be protective of her.

My hanging and dying excitement went back to life after the loud announcement coming from the field of airsoft resonated all over the place. And that they will start at exactly 1 in the afternoon! And it's already 12:47! Potang ena naman oh.

Nauna na akong tumayo at halos iwan na sina Claire nang tinawag ako ni Jessa. Namumuo na ang pawis ko nang bumaling sakanila. They were already standing too.

"Pay the bill?" Jessa asked as if she's making me remember that I ate food here. Umiling si Claire at tumawa.

"Excited ka talaga, ha! Ako na magbabayad kay Apple."

"No, no, it's okay, ladies. It's on me." sabat ni Nate at tumingin sa akin. Umawang ang bibig ko. Well, libre naman... So, why not? Hehe.

"On Apple's? Or on all of us?" Ani Jessa. Ngumisi si Nate at kinamot ang batok. Parang napipilitan itong um-oo.

"Uh, yes, sa atin na lahat."

"Uh, no, it's fine. I will pay. Kkb nalang tayo." Sabi ko. Nate's mouth formed an O. I smirked arrogantly.

"What's kkb? And libre na nga daw, huwag mo na harangin girl, please." Tumawa si Jessa. Naku, kita mo 'to hindi alam kung ano ibig sabihin ng kkb pero hayok sa libre. Sipain ko mukha mo, eh.

"Kanya kanyang bayad, teh." Tamad kong sagot. Okay, intindihin mo na lang, Apple. Ikaw lang iyong squammy dito.

"I see."

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Where stories live. Discover now