CHAPTER 3 - NO, ARI IS MY PAST LIFE, I AM ARIA

3 0 0
                                    

CHAPTER 3 – NO, ARI IS MY PAST LIFE, I AM ARIA



"Anong – anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong. I was confused because I clearly knew her. She's Serin, my bestfriend.

"Bakit? May masakit pa ba sayo? Kumain ka muna alam kong nagugutom ka na. Hindi ka nakakain kanina." Sabi nito at pinatong yung tray sa ibabaw ng higaan ko. Automatic ko namang iniwas ang binti ko para mailagay ng maayos yung tray. Kinuha naman nya yung kusara at sumandok ng lugaw at akmang isusubo sa akin nang pigilan ko sya.

"Wait. This is confusing. What's happening? I don't understand." I said at sinubukan kong isipin kung anong nangyayari.

"Ha? Hindi kita maintindihan. Kailan ka pa nag-aral ng salita ng mga noble? Nag-aaral ka pala hindi mo man lang sinasabi sa akin. Oh heto kumain ka muna." Sabi ni Serin kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman nyang tinapat sa bibig ko ang kutsarang may lugaw kay wala akong nagawa kundi tanggapin ito.

"Bakit ka nag-aaral ng salita ng mga noble? Balak mo bang pumunta sa Kapitolyo? Natatandaan mo ba ang sinabi sayo ni lola?" patuloy lang akong sinusubuan ni Serin. I feel awkward kaya inagaw ko sa kanya yung kutsara.

"Kaya ko nang kumain. Maayos na ang pakiramdam ko." Sagot ko. Tumango naman ito at umupo na lang sya sa upuan sa tabi ng higaan ko at pinanood akong kumain. Agad ko namang tinapos ang kinakain ko dahil hindi ako sanay na may nanonood sa aking kumain and besides balak kong magtanong kay Serin kung ano nga bang nangyari sa akin. Inabutan naman ako nito ng tubig sa baso na agad ko namang ininom. Kinuha ni Serin ang tray at tumayo na para lumabas.

"Saglit lang, Serin." Agad ko syang pinigilan dahil may itatanong pa ako. Tumigil naman ito at pinatong ang tray sa maliit na table sa tabi ng pintuan.

"Bakit?" tanong nito at umupo ulit sa upuan na inuupuan nya kanina.

"Bakit ako nagkasakit?" tanong ko. Tumaas naman ang kilay nito at tumingin sa taas na parang inaalala ang nangyari.

"Hindi ko rin alam eh. Basta isang lingo kang nagkasakit. Ang alam ko may pinuntahan ka bago ka umuwi tapos nilagnat ka na kinagabihan. Kung hindi sa akin sinabi ni Casmir na may sakit ka ay walang mag-aalaga sayo. Bakit mo nga pala natanong? Hindi mo ba natatandaan kung anong nangyari sayo? Basta mag-iingat ka palagi. Hindi ko man alam kung bakit tinatago ka ni lola dito basta ang mahalaga ligtas ka." Mahabang sabi nito. I just listened to her quietly and tried to remember what happened but I don't remember anything.

"Yeah, thank you for taking care of me." I unconsciously answered kaya napatigil ako. Parang may pakiramdam akong hindi ako marunong magsalita ng ganitong lenggwahe. Patay. But clearly, this language was natural for me. I clearly know how to speak this language ever since I was three years old. Of course, even ordinary people know this too. It's a common thing to hear someone speaking like this on the streets when I was Ari. Napatingin ako kay Serin. Mukha syang amaze sa narinig. Kumikinang pa ang mata nya. Pero maya-maya ay biglang sumeryoso ang mukha nya.

"Kelan ka pa nag-aral ng Ingles? Wala ka ba talagang balak pumunta sa kapitolyo? Sa paraan ng pananalita mo, parang matagal ka nang nag-aaral nyan. Mas maganda pa ang pagbigkas mo kaysa sa anak ng baron sa bayan. Parang sanay na sanay ka nang magsalita. Pwede kang maikumpara sa mga noble sa kapitolyo." Of course. Though I really don't know why, but I suddenly remembered my past life. I always use English as my language there since it's modern era kaya natural lang sa akin na makapagsalita ng English. Hindi ko lang alam kung anong nangyari at bakit bigla kong naalala ang past life ko. And memories of my life this time was lost. Did I bump my head on the wall? Or I got into a carriage accident? Is it possible that it was caused by my strange fever?

But one thing is for sure, I am Aria. And Ari is my past life. My memories were lost and I suddenly remembered my past. This is really confusing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GIRL WITH THE SILVER HAIRWhere stories live. Discover now