CHAPTER 2 - ARIA CLEMENCE

2 0 0
                                    

CHAPTER 2 - ARIA CLEMENCE



"Lola, bakit hindi po tayo pwedeng pumunta sa Kapitolyo? Sabi ni Serin masaya daw sa Kapitolyo. Gusto ko ring makapasok sa temple para magdasal. Gusto kong gumaling ka na lola."

"Apo, delikado sa Kapitolyo. Wag na wag kang pupunta doon. Masaya naman tayo dito diba? Mangako kang hindi ka pupunta sa kapitolyo kapag wala na ako."

...

"Lola, maglalaro po ako kasama si Serin. Pupunta po kami sa pamilihan."

"O sige. Pero wag mong tatanggalin ang taklob mo sa ulo. Wag mong ipapakita kahit kanino ang kulay ng buhok mo. Wala kayong pupuntahang kahit ano maliban sa pamilihan. Delikado. O sige, mag-iingat ka, Aria."

"Sige po, lola."

...

"Lola, bakit nga pala ganito ang kulay ng buhok ko? At tsaka bakit hindi ko pwedeng ipakita sa ibang tao?"

"Delikado kasi apo. Tsaka ko na lamang ipapaliwanag sayo kapag malaki ka na. Basta ang tatandaan mo lang ay lagi kang mag-iingat."

...

"Gusto kong makapunta sa Kapitolyo."

"Kung gusto mo, Bakit hindi ka sumama sa akin? Pupunta si tatay sa Kapitolyo bukas."

"Talaga? Hindi kasi ako pwedeng pumunta sa kapitolyo sabi ni lola."

...

"Bakit ka nagpunta sa Kapitolyo? Aria sinasabi ko sayo alam mong delikado kung pupunta ka doon! Ilang beses ko bang pinaalala sayo? Manganganib ang buhay mo!"

"Gusto ko lang namang ipagdasal ang kalusugan mo lola. At tsaka saglit lang din naman kaming nagpunta doon ni Serin. Wala namang nangyaring masama sa akin."

"Kahit na. Hindi ka lalabas ng bahay simula ngayon. Hanggang jan ka lamang sa labas ng bakuran."

"Pero lola-

...

"Aria apo, tandaan mo, huwag na huwag kang pupunta sa Kapitolyo, lalo na sa templo. Huwag mo ring ipapakita ang buhok mo sa kahit na sino."

"Lola..."

"Ipangako mo sa akin na mananatili ka lamang dito sa lugar na ito. Huwag kang magtitiwala sa kahit na sino. Lalo na sa mga galing sa Kapitolyo. Si Serin, sinabihan ko syang bantayan ka ng mabuti. Sa kanya ka lang magtiwala."

"Alam kong hindi mo pa alam ang dahilan, pero naisip kong mas mabuti na din na hindi mo na malaman pa. Basta mangako ka lamang na susundin mo ang mga sinabi ko. Hindi na kita mapoprotektahan. Kung sana ay may lakas pa akong dalhin ka kay Amelia. Mapoprotektahan ka nya ng maayos."

"Haa..." unti-unti kong minulat ang mga mata ko. What was that? A dream? That's weird. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganong klaseng panaginip. It actually feels like a memory. Hinawakan ko ang noo ko. Oh? Hindi na masakit ang ulo ko. I feel a lot better. Maliligo na lang ako para mas gumaan ang pakiramdam ko.

"Gising ka na pala?" nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko. Umupo ako at balak sanang magtanong kung nasaan ako. I was sure I got involved in an accident at magpapasalamat na din ako sa kung sino mang tumulong sa akin. Hindi rin ako sure kung saang lugar ito. May lugar bang ganito malapit sa amin? Hindi ako sure.

Lilingon na sana ako para magtanong nang mahagip ng mata ko ang reflection sa salamin. What the – who's that girl? Agad naman akong napatingin sa taong nasa gilid ko. May dala itong tray na may lamang pagkain. I was dumbfounded. But what made my world stopped was that, she looks foreign. Everything about her was foreign to me. Her looks, her outfit, I can understand what she's saying though. Even the things she holds like the wooden tray and eating utensils, lahat sila gawa sa kahoy. Dude, it's 21st century may gagamit pa ba ng ganyan?

THE GIRL WITH THE SILVER HAIRWhere stories live. Discover now