Kumunot ang noo ko ng may pinulot siyang mahabang tali na kulay puti, para lang itong sinulid pero plastic.

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko pag kabalik niya sa inuupuan namin.

Ngumiti lang siya at pinahawakan saakin ang isang dulo ng tali. Isa-isa niyang isinuot doon ang magagandang perlas na nakuha niya kanina.

Isinukat niya 'yon sa akin at ng kumasya ay ibinuhol niya ito. Gumawa pa siya ng isa dahil marami pa namang perlas. Napangiti nalang ako habang tinitingnan siyang gumawa no'n.

"Huwag mong iwawala 'yan ha?" Sabi niya pagkatapos isuot sa akin. Tumango ako at pinagmasdan ang bracelet na siya mismo ang may gawa.

"Aye aye captain." Sabi ko at sumaludo pa. Sabay kaming napatawa dahil sa inasal ko.

Ibinigay niya sa akin ang isa kaya agad ko namang isinuot ito sakanya. "May natira pang walo. Anong gagawin natin dito?"

Inilibot ko ang tingin sa paligid at may nakita akong coconut tree. Kinalabit ko siya at itinuro iyon. "Ipalibot natin sa puno." Sabi ko.

Tumango siya habang nakatingin sa akin.  "Maganda 'yung ideya mo pero mas maganda yung sa akin, moya iyubov."

Napasimangot naman ako. Oo na, siya na ang genius! Natatawa niyang ginulo ang buhok ko kaya lalo akong napasimangot.

Hinawakan niya ang kamay ko at mag kahawak ang kamay naming pumunta doon sa puno ng niyog.

"Ano yung ideyang sinasabi mo?" Taas ang kilay kong sagot sakanya.

Ngumiti lang siya at kumuha ng matulis na bato. Sa puno at nag drawing siya ng puso at inukit ito na kasing laki ng perlas, pagkatapos maukit ay inilagay niya doon ang perlas.

Namangha akong tiningnan iyon. Magandang ideya nga. Nag mukha talagang puso na gawa may perlas na naka ikot.

Sa taas ng puno ay nag drawing siya ng A2 at sa ibaba naman ay  moya iyubov.

"See. Ganda ng ideya ko. A2 loves moya iyubov." Malaki ang ngiting sabi niya saakin.

Ginulo ko ang buhok niya habang nakangiti. I really love him so much, i really love my best friend.

Sumimangot siya dahil sa pag gulo ko sa buhok niya. Ayaw niya kasi na ginugulo ito kasi lalo daw siyang gumagwapo. Ang hangin hindi ba?

"Wait up. Naiihi ako." Sabi niya at agad na nag tatakbo kaya natawa ako.

Nag lakad-lakad muna ako sa tabi ng dagat pero napatigil ng may humablot sa braso ko. Ng tingnan ko ay si fake blonde pala. Agad kong tinanggal ang pag kakahawak niya sa akin at tinaasan siyang ng kilay.

"Ano ka ni Ashton?" Mataray na tanong niya.

"It's none of your business." Sabi ko at tinalikuran siya. Mahirap na at baka hindi ako makapag pigil at kung ano pa ang magawa ko sa bruhildang 'to.

Pupunta na sana ulit ako sa kung saan naroroon ang mga agents ng makasalubong ko ang dalawa pa niyang kasama at agad nila akong hinawakan sa magkabilang braso at iniharap kay fake blonde na nakangisi.

Mariin nalang akong napapikit dahil sa takot. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanila, hindi nila ako kilala kaya dapat ay hindi nila ako kina kalaban.

Pag kadilat ko ay agad na may tumama sa mukha ko. Biglang nawala ang pag titimping mayroon ako ng malakas niya akong sinampal.

Huminga ako ng malalim at gamit ang paa ay agad ko siyang sinilangan dahilan para mapahiga siya. Halatang nagulat ang dalawang nakahawak saakin dahil sa ginawa ko kaya napabitaw sila ng hawak saakin.

Agad akong humarap at hinawakan ang parehas nilang ulo at malakas na pinag-untog pag katapos ay itinulak sila papunta kay fake blonde pero hindi pa ako tapos.

Pumunta ako sa kanila at sabay sabay na sinabunutan ang kanilang mga buhok tsaka ito pinag buhol-buhol.

"Ahhh! Tama na!" Sigaw ni fake blonde pero hindi pa ako nakuntento. Mas lalo ko itong pinag buhol at itinayo sila gamit ang ulo.

Ipinagpag ko ang kamay ko at iniwan silang magkakabuhol ang buhok. Mabuti nga at wala akong masyadong ginawa.

Nakita ko ang agents na tumatakbo papunta sa amin. Marahil ay narinig nila ang sigaw ng mga babaeng bruha.

Akala ko ay sasalubungin ako ni Ashton pero dumiresto siya sa tatlong babae na nasa likod ko, medyo malayo na.

"What the fuck did you just do?!" Agad akong napabaling dahil sa galit na sigaw ni Ashton.

Nalaglag ang panga ko dahil nakita si fake blonde na nakahiga sa lupa at may dugo sa ulo. Nasa mag kabilang side niya ang dalawang babae at umiiyak na nakatingin sa kanya.

Mabilis na umiling ako. Hindi! Hindi ako ang may gawa niyan. Wala siyang sugat sa ulo kanina at mag kakabuhol lang ang mga buhok nila.

Nag tama ang paningin namin ni Ashton. Binuhat niya si fake blonde na matalim pa rin ang tingin sa akin.

Napatingin ako sa mga agents na nakatingin sa akin. Walang pang huhusga sa mga mata nila ngunit nag tatanong ang mga mata nila.

"Hindi ako. H-hindi."

It Started With A GameWhere stories live. Discover now