Chapter 21: Stick on the Wall

Magsimula sa umpisa
                                    

“Wala kang makikita sa kanan, nanggaling na ko doon” sabi ng babae. “pwera nalang sa mga katulad nun” pagtukoy n'ya sa mga halimaw na sumusunod sa kanila.

Dahil sa hilo ni Harvey ay bumabagal ang pagtakbo nilang pareho at nahuhuli siya. Ilang metro nalang ay maabutan na sila.

“MJ nga pala” pagpapakilala nito sabay ngiti at nakikipagkamay pa.

“Harvey” ngiting asong balik ni Harvey kay MJ dahil sa hilo.

Iniabot ni Harvey ang kaniyang kamay at nakipag shake-hand siya. Gamit ang dalawang kamay,
nakipagshake-hand si MJ, at ‘di aakalain ni Harvey na paiikutin siya sabay tapon ng ilang metro ang layo.

“Mauna ka na huh!” Nanlaki ang mata ni Harvey ng ihagis siya sa hangin babaeng ito.

“ANG LAKAS KO NOH?” pasigaw niyang tanong kay Harvey.

“Ouuuuh” parang ramdam ni MJ ang paglagpak ni Harvey.

“Pasensyaaa uliiit!”

Tumilapon lang siya at nahiga sa parteng iyon.

“I’M GOOOOD, I’M GOOOOD”
sabi pa ni Harvey habang nakathumbs-up, at inihiga nalang nito ang kaniyang ulo.

Humarap si MJ sa mga halimaw na sumusunod sa kanila. Tumakbo papalapit si MJ habang nakangisi at buong-buo ang loob nitong sasagupain ang dalawang halimaw.

Nag-iba ang kulay ng iris ni MJ. She removed her shoes while running and skipped the ground then ‘voila’ sa pader na siya tumatakbo. Mas binilisan niya pa para mas malakas na impact pag-tumama sa mga mukha ng mga halimaw na iyon ang kaniyang paa man o binti.

She jumped with great force from the wall and raised her right leg. That leg collides to the face of monster. She felt the pain but it is worth enough dahil tumama ang
nasipa niyang halimaw sa isa pang halimaw na kaya ring magmove sa pader.

Pagkabagsak ng halimaw ay nag-iwan ito ng maliit na bitak sa pader.

“Damn! Ang galing ko talaga” okay masyado nang mahangin. She flips her hair as if naman na may hangin at ikagaganda niya. GGSS din ‘tong babae na to e. Naging okay nasi Harvey at naupo muna sumandali. Pinanood niya lang si MJ habang ginagawa ang dapat gawin nito.

Pinagpag ni MJ ang kaniyang kamay sabay rampa at lakad kahit iika-ika papunta sa direksyon ni Harvey. Papatayo sa likuran niya ang isang halimaw siguro konti lang ang impact ng force na tumama rito dahil ito ang ikalawang tinamaan.

“SA LIKOD MO!” sigaw ni Harvey.

Humaba ang dila nito sa direksyon kung saan ang kanang binti ni MJ ang target dahil sa malakas ang parte na iyon. Pumalupot sa paa niya ang dila.

Ginamit ni MJ ang kanan niyang paa para makatalon, pina-ikot ang kaniyang katawan, sabay hampas ng kaniyang kaliwang paa sa panga dulot upang makalas ito sa mukha ng halimaw.

Kinusot ni Harvey ang kaniyang nakita. He looks amazed habang nakatingin siya sa babaeng pinanonood niya nang matanggal ang pagkahilo niya. What a woman like her is so brave?

Lahat ng babaeng nakikilala niya malalakas at matatapang.

Dinampot na ni MJ ang kaniyang hinubad na mga sapatos at tinunton kung saan nakanganga si Harvey.

“Papa-PapapaAno mo ginawa ‘yon?” tanong niya habang palapit sa kaniya si MJ.

“Ahh iyon ba? Kung pagkukumparahen, mas controlled ang lakas kapag kanang binti
ang ginamit sa pagsipa. Habang ang kaliwa, is uncontrolled kaya possible na mas malakas kapag tumama ito. In strategy, mas better na gamitin mo ang controlled, kaysa sa uncontrolled, kapag nakita ng kalaban mo kung ano ang madalas na ginagamit at saan ka mas kampante, ito ang tatargeten niya para ma-weakens niya ito at hindi mo na
magamit pa.” Pagpapaliwanag ni MJ habang naupo malapit kay Harvey at magsisintas ng sapatos.

“Hi-Hindi I mean yung sa pader???” muli nitong tanong.

“Dami kong sinabi iyon lang pala. Bwiset ka. Hahaha.”

“Ability ko, diko maipaliwanag pero siguro may kinalaman ito noong nakaraang linggo. Friday ‘yon nung nagkaroon ng Blood Testing sa atin at turok-turok chenalin. Yung araw na halos iduwal mo na lahat kinain dahil sa pagkahilo. Pass forward natin, nadiscover ko ang ability na ito after ko makarecover sa pagkahilo. Una halos mamangha ako na baka maging katulad ko si Spiderman na  nakakatayo sa pader. Pero wala naman akong sapot na nirerelease. Sinubukan kong gamitin yung microscope at nag-shave ako kahit maliit lang na skin sa paa upang pag-aralan ito at nadiskubre kong may mga microscopic na biological suction cups ito, hindi lang ito, pati sa kamay.” Derechong pagpapaliwanag ni MJ muli rito.

Hinawakan ni MJ ang damit ni Harvey at dumikit iyon sa palad niya.

“Enhanced Ability yan.” Dagdag pa niya. Nagkakulay rin ang kaniyang mata, nagkulay silver white
ito.

“Ikaw, ano ang ability mo?” tanong ni MJ kay Harvey.

“Hindi ko parin alam” malungkot niyang tugon.

“Pero alam ko ang kulay ng mata ko…Kulay Green?

Samantalang sa kaklase ko kulay Red. At kay Dianne ko, I mean kaibigan ko, kulay Asul.”

“Ano kaya ibigsabihin ng mga ito, possible nating malaman ang ability ng isang tao kung pagbabasehan natin ang kulay ng mata nila?” Sabi pa ni MJ

“Pero, lumalabas  lang ang kulay ng kanilang mata kung gagamitin nila ang ability nila.” Isang puntong pagpapaliwanag pa niya.

Tumayo na sila at naglakad-lakad sa mga malalaking pasilyong iyon. Hindi alam ang pupuntahan at parang kawalan nalang ang nakikita.

Pero sa isip-isip ng dalawa, kung nakita nila ang isa’t isa ay baka sakaling makita nila ang iba pa nilang mga kaibigan.

Sa kabila ng pagkakaroon din ng chansang halimaw ang makakrus nila ng landas. Sa gitna ng paglalakad ay nagtanong si MJ.

“Alam mo kanina pa ako naglalakad hanggang sa naramdaman kong may palapit sa akin at nasipa ko iyon at nakilala kita, hanggang ngayon na naglalakad parin ako, parang ‘di ako nakakaramdam ng pagod.”

“Oo nga noh. Pati gutom at uhaw. Parang wala?” pagsang-ayon ni Harvey.

“Nasaan kaya tayo?” tanong muli ni MJ.

Natayo nalang si Harvey sa posisyon niya habang naglalakad pa rin si MJ. Harvey bent his knee at pinakiramdaman ang lupa. He tried to figure out what is in the moist of the air.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon