"Ah, hindi na, Sir! Ako na po rito," si Greta nang subukang makialam ni Brandon.

"Ako na," ang malalim na boses ni Brandon.

"Sure kayo, Sir? Sige po..." nilingon ako ni Greta at binigyan ng nanunuksong tingin.

Inirapan ko siya kaya bahagya siyang humalakhak. Alam ko na iyang mga tingin na yan, eh.

"Kaya naman na yan ni Greta, Brandon," sabi ko.

Hindi siya nagsalita kaya bumuntong hininga nalang ako. Siya ang naglagay ng mainit na tubig sa malaking cup noodles ko. A small smirk flashed on my lips as I watched him. Agad ko rin namang winala nang humarap siya at lumapit na sa akin kasama ang cup noodles ko.

Nilapag niya iyon sa harapan ko at agad akong umahon sa pagkakasandal. He handed me the plastic fork and I immediately took it.

"Salamat," sabi ko.

"Ubusin mo yan tapos magpahinga ka sandali. Tapos tsaka ka bumalik sa pagtatrabaho mo."

I nodded and started eating. He crossed his arms and remained staring at me. Pinanood niya akong kumain kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya at pagkakailang.

Does he really need to watch me while eating?

"Uh... hindi ka pa ba uuwi?" I know it's rude to ask that but I'm so conscious of his stare.

"Maya maya na ako uuwi," sagot niya.

Dahan dahan akong tumango at hindi na nagsalita. I continued to eat. Kaya lang marahan at tipid na ngayon ang pagkain ko dahil pinapanood niya talaga ako. I can't believe I'm being like this just because of his presence and stare. I've never been embarrassed in front of anyone especially in men so I don't know why...

I glanced at Brandon and saw that he was still looking at me. I quickly went back to eating. Mas lalo lang yatang uminit dahil sa kanya. I can feel the heat on my cheeks!

"Salamat sa mga ito," sambit ko nang natapos ako sa pagkain ng noodles.

Bahagya kong pinunsan ng tissue ang bibig ko.

Tumango siya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Yeah. Medyo. Medyo pinagpapawisan na rin ako."

He nodded and sighed, like he's finally relief of something. Tumayo naman na ako kaya napa angat siya ng tingin sa akin.

"Magpahinga ka muna sandali," pigil niya.

"Nakapag pahinga naman na ako. Kailangan ko nang magtrabaho dahil baka mapagalitan kami ni Greta. Hindi niya trabaho ang sa counter."

He sighed again and nodded. Hinayaan niya akong bumalik sa counter habang niligpit naman niya ang mga kalat sa table. Pipigilan ko na sana siya pero naunahan ako ni Greta.

"Ay, ako na po dyan, Sir! Ayos na po yan!" anya at inunahan na sa pag aayos si Brandon.

Tumango si Brandon at hinayaan naman si Greta. Nilingon niya ako at bahagya akong ngumiti. Lumapit siya sa akin.

"Salamat ulit," I said because what he did really helped a lot. I feel a little better.

"You have a chair there, right?" tanong niya.

Napatingin ako sa upuan ko sa likod.

"Oo, bakit?" baling ko ulit sa kanya.

"Umupo ka kapag walang customer. Baka mabinat ka."

Hindi agad ako nakapag salita roon. Tumikhim ako at marahang tumango. Maliit akong ngumiti.

"Sige, salamat. You'll stay here?"

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon