CHAPTER 38 ~ Wrong ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"What are you thinking?"-xander

"Kung anong magandang paraan para patayin ko si Olivia."

Tumawa lang si Xander. Napatingin ako sa kaniya ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila akong patayo. Ngumiti lang siya. Bumuntong hininga na lang ako at sumama ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa kusina.

"Kakain tayo?"-me

"Yes, since naistorbo ang dinner natin kanina."

Nagsimula na siyang maghanap ng makakain habang ako naman ay nakaupo lang sa dining chair at nakapalumbaba habang pinapanood siya. I wonder kung bakit single parin siya..I mean alam kong isa ako sa dahilan-..fine...ako yung dahilan. 

Pero sa gwapo niyang yan..mabait pa. Nakakapagtaka namang walang nagtangka na lambatin siya. Napailing na lang ako sa naiisip ko..naging isda pa tuloy si Xander. Anyway..dadating din naman siguro yung time na yon.

Magpapa-party ako kapag nangyari yon.

"Hello? Earth to Summer."

Napapitlag ako at napakurap. Nakatingin na pala siya sakin at kasalukuyang may iwinawagayway siya sa harapan ko na pagkain. He chuckled ng umupo ako ng maayos. Inirapan ko lang siya.

"Tulala ka na naman."-xander

"May iniisip lang ako."

"Okay, okay. So anong gusto mo? Frozen pizza or gagawa ako ng burger?"

"Burger. Para mahirapan ka."

Natatawang umiling na lang siya at nagsimula ng magluto. Inabot ko yung apple na nakita ko at kumagat. Hmmm..padalan ko kaya ng apple si Olivia na may lason? Ang kaso baka sumikat pa siya dahil sa ma-ala Snow White na pagkamatay niya.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon