Napatawa siya sa tinuran ng reyna at napakamot sa kanyang batok. "Ah, normal lang po kasi ang mukha ko kaya siguro akala niyo po nakita niyo na ako." Tatawa-tawang aniya pero sa totoo lang ay kanina pa siya kinakabahan nang dahil sa pagtitig ng reyna sa kanya.

Hinawakan ng reyna ang kanyang mga kamay at ngumiti. "Welcome to the family, Thadei. Glad to see you too, and my first grand son. Call me Mama."

"And call me Papa, too." Singit ng hari sa kanila. At sa anak naman nila ni Marco nakatingin ngayon ang reyna at hari. "Hello there our little prince." Masiglang bati ng ama ni Marco at ganun rin ang ina nito.

Ngumit si Knight sa lolo't lola nito. "Hello po! My name is First Knight Ferrer Dashwood! Kayo po ba lolo at lola ko?" Tumango ang hari at reyna sa anak niya. "Wow! That's so cool. I have a King grandpa and a Queen grandma. Awesome!"

Nagkatawanan tuloy sila sa nakitang pagkabibo ng anak niya. Kapagkuwan ay inaya na sila ng hari at reyna upang magsalo-salo sa pananghalian sa malawak na dining room ng palasyo.

She and First was amazed at the beautiful structure of the grand palace. Lahat ng hallway ay may nakasabit na chandelier sa may kisame. And the walls are painted with white and gold color.

Unang palapag pa lamang ay madami na silang nadaanang mga kwarto kaya't nilingon niya nang bahagya ang asawang umaagapay sa kanya sa paglalakad. Sa unahan naman nila ay ang mga magulang ni Marco at karga-karga ng hari si First na masaya at bibong nakikipagkwentohan sa lolo nito. Ang hari rin ang nagtutulak ng wheelchair ng reyna at panaka-naka ay sisingit ang reyna sa usapan ni First Knight at ng lolo nito. And she can see the happiness visible in the faces of the king and the queen as they talked to her son.

"Husband, ilang kwarto ba mayroon ang palasyo?" Di napigilang tanong niya.

Marco smiled at her, "the palace has 777 rooms. This palace was built many years ago, baby. Pero kada-henerasyon ay napapanatili pa rin ang kagandahan at tibay ng palasyo. And we made sure that the palace is very safe ng sa gano'n ay ligtas din ang lahat nang maninirahan dito."

"Wow." Thadei uttered. Iyon lang ang kaya niyang sabihin dahil nalula siya sa mga impormasyon na sinabi sa kanya ng asawa.

"Pagkatapos nating kumain at magpahinga. Maglilibot tayo sa buong palasyo, baby." Kumindat pa ito sa kanya.

Umangat naman ang kilay niya sa tinuran ng asawa. "Alam mo naman na hindi pwedeng mapagod si Knight, 'di ba?"

Umakbay si Marco sa kanya. "Hindi muna natin siya isasama. Masyado nang napagod ang katawan niya sa byahe. He needs to rest, wife. So, it's just you and me. Our first date here in Italy."

"Date lang ha?" Ngumisi siya.

Marco grinned at her. "Well, we will make our second baby here. Isn't that great?"

Thadei 'tsked' and just smiled at her husband. "Fine. Let's make our first date in Italy so memorable. I'm excited!" She giggled.


PAGKATAPOS NILANG KUMAIN at magpahinga ay nagpasya na silang libutin ang palasyo. Mabuti na lang at natutulog na si First sa loob ng kwarto na inookupa ng asawa niya no'ng nandito pa ito sa palasyo.

"Ate, gora na kayo ni Kuya Marco. Yakang-yaka ko na 'tong gwapo kong alaga." Usal ni Chin sa kanya.

Panatag din siyang maiiwanan muna saglit si First dahil kasama rin naman nila si Chin. Kararating lang nito at humabol sa kanila dahil may kailangan pa itong asikasohin sa paaralan.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Where stories live. Discover now