"Bakit gusto mong malaman?" tanong ko.

"I just want to know," nagkibit siya ng balikat. "You two looks close," nag iwas siya ng tingin.

"Hindi mo na kailangang malaman kung boyfriend ko nga siya. We're not close."

Binalik niya ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa mga mata niya pero mabilis lang rin namang nawala. He took a deep breath and nodded. He held out his hand. Napatingin ako roon. I don't why my heart suddenly pounded.

"Pwede ba tayong maging close, kung ganon?" tanong niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Can I be your friend?"

Tinitigan ko siya. Nag isip ako sandali. There's nothing wrong with him being my friend, right? Mukha naman siyang mabait. Hindi nga lang ako komportable sa nararamdaman ko sa kanya pero... sige na nga.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Sure."

Ngumisi siya. "Ngayon pwede mo na bang sabihin kung kayo noong lalaki na iyon?"

Wow. Is that how he really wants to know if Arjun is really my boyfriend? What will he do if yes? And what would he do if not? Ano bang pakialam niya?

"Hindi pa tayo close," sabi ko at naupo sa upuan ko.

Tinitigan niya ako. Nakita ulit ang pagdaan ng iritasyon sa mga mata niya pero sa huli ngumuso at tumango nalang. Nagpaalam siya at tumalikod, nagtungo siya sa table. Naupo siya roon at nilingon ako. Mabilis akong nag iwas ng tingin. I can't seem to bear his stare. What the hell, Sandra?

Tss. At ano bang gagawin niya rito? Bakit hindi pa siya umuwi? Is he waiting for someone?

I just didn’t think of that in the end and continued working. Kapag masyadong nang gabi ay wala nang pumupuntang mga tao. Kaya maaga lang rin kaming nagsasara. The closing time of the store is also the time of my out. Eleven ng gabi.

"Anong oras ang out mo?" tanong ni Brandon galing sa table pagkatapos kong asikasuhin ang mga binili ng isang customer.

Nilingon ko siya. Pati ba naman iyon gusto niya pang malaman? Ganito ba talaga siya maging kaibigan? Hindi pa naman kami close.

Kaya nga nakikipag close, Cassandra. Masyado kang suplada.

"Eleven," sagot ko.

Tumango siya.

"Anong oras kang uuwi? Bakit hindi ka pa rin umuuwi? May hinihintay ka ba?" tanong ko dahil mukhang wala pa talaga siyang balak umuwi.

"Wala. I'm going home later."

Kahit nagtataka ay tumango nalang ako. Naupo ulit ako sa upuan ko. Nagkatinginan kami. My heart suddenly pounded dahilan ng pag iiwas ko ng tingin. Kinunot ko ang aking noo and just distracted myself with my phone.

Malapit nang mag eleven nang umuwi si Brandon. Nag aayos na ako non nang umuwi siya. Hindi ko napigilang magtaka. Ang tagal niyang nandoon sa lamesa, kumakain lang ng kung ano ano. Minsan kinakalikot ang cellphone at minsan naman panay ang sulyap sa akin. Dahilan tuloy ng bahagyang pagkakailang ko.

Umuwi ako sa bahay at pagod na pagod akong nahiga sa kama. I looked at my phone and saw the messages of my friends in Cagayan.

Olivia:

I miss you, Sandra! Hope to see you soon.

Emma:

Bored na bored si Olivia sa school dahil wala ka. Hahaha. I miss you!

Napangiti ako at nagtipa ng reply para sa kanila. Pagkatapos noon ay pinatay ko na ang cellphone at pinikit na ang mga mata.

"OMG! Sabi ng crush ko nasa fourth year high school daw ang crush niya! Baka ako na iyon!" tili ni Audrey.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon