Pero matapos nang lahat nang nangyari ay natuto na ata ito kaya naman ito na mismo ang nag-insist na magpagamot nang sarili.

Si Larry naman pagkatapos nang nangyari ay sinabing aalis na bilang bodyguard nila. Uuwi na daw kasi ito nang probinsiya para doon na manirahan kasama ang magiging asawa nito.

Mayroon palang nobya ang binata at ikakasal na ang mga ito. Anim na taon na daw itong kasintahan nang binata at ang nangyari sa kanila ni Stephanie ay isang pagkakamali lamang daw. Nadala siya sa tukso lalo na at nang mga oras na iyon ay may hindi sila pinagkakaintindihan nang nobya.

Nalaman nang nobya nito ang tungkol doon. Nagalit ito at binalak na sanang makipaghiwalay sa binata ngunit hindi natuloy dahil buntis na daw ito.

Kaya naman pinaghahandaan na ngayon nang dalawa ang nalalapit na kasal.

Napatingin siya sa asawang Busy sa mga papeles na hawak nito. As usual nakasuot nanaman ito nang salamin at mukhang striktong professor ang hitsura.

Pero kahit ganoon pa man. Mas lalong lumilitaw ang kagwapuhan nito. Hindi niya lang alam kung bakit pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauumay sa pagmumukha nito. Minsan ay hindi niya maiwasang sigawan ito na siyang ikinabibigla nito, lalo na at hindi naman siya ganoon.

Napatingin sa kaniya ang asawa. Nahuli siya nitong nakatitig sa gwapong mukha nito. Bigla naman siyang nahiya. Na conscious tuloy siya kaya naman inirapan niya ito. Nakita niya namang naningkit ang mga mata nito sa kaniya.

"What is it? Do you need something?" tanong nito sa kaniya. Hindi siya sumagot. Humalukipkip lang siya. Sa totoo lang gutom na siya pero ayaw niya namang sabihin dito ang gustong kainin. Baka mainis nanaman ito kagaya kaninang madaling araw kung saan ginising niya ito at pinabili niya ito nang Pizza at Apple. Kinain niya ang pizza habang pinagmamasdan itong kumain nang sliced na Apple na isinawsaw sa Hot sauce nang pizza na nilagyan niyan nang suka.

Inis na Inis ito sa kaniya at wala pang ilang minuto ay isinuka nito ang lahat nang kinain nito pagkatapos tikman iyon. Sininghalan siya nito. Naawa naman siya dito lalo na at namumutla ito. Hindi siya nakatulog kaiiyak kaya naman wala din itong ibang ginawa kung hindi ang suyuin siya.

Wala itong sapat na tulog kagaya niya kaya naman talagang kung wala itong eyeglasses mahahalata ang eyebags nito.



Kawawa naman.


Tiningnan niya ito at nakita niyang nakatitig sa kaniya ang asawa niya. Nakataas ang isang kilay nito na waring naghihintay sa kung ano man ang sasabihin niya.

May naisip siya.

Ngumisi siya sa asawa.

"You're so handsome Hon. Can I ask you a favor?" kumunot ang noo nito.
Iniisip ata nitong may masama siyang binabalak.

Hindi ito nagsalita. Pero alam niyang naghihintay ito sa sasabihin niya.

"Can I put black lipstick on your lips? Please?"


Nang marinig ang sinabi niya ay sumimangot ang asawa niya. Tumalim ang tingin nito sa kaniya. Tinanggal nito ang suot na salamin at hinilot ang noo.

"No freaking way." matigas na ani nito.

Tinitigan niya ito at pinalamlam ang mata. Sinusubukan kung papayag ba ito.

"Don't do that. There's no fvcking way that I'll do it. Isn't it enough that you make me eat some trashy food? Now you want to put a fvcking lipstick on my lips? That is insane!" sigaw nito.



Bigla siyang nainis sa sinabi nito.

"Minumura mo ako?! Hindi mo na ako mahal? Kung ganiyan ka mabuti pang maghiwalay na tayo." ani niya dito.

Nanlaki ang mga mata nito at napatayo. Lumapit ito sa kaniya kaya naman naiatras niya ang sarili. Iniusog niya paurong ang inuupuan niya pero dahil mabilis ito ay nakahawak na agad ito sa inuupuan niya. Pinipigilan ang pag atras nang upuan niya.

"What did you say?"


"Sa-sabi ko maghiwalay na tayo.." mahinang ani niya.


Narinig niya ang mahinang pagmumura nito bago siya tiningnan. Lumambot ang tingin nito sa kaniya.


"Fine!" ani nito.


Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"A-anong fine? Maghihiwalay na tayo?" natataranta niyang sabi.


Ang bilis naman ata nitong pumayag. Hindi kaya nagsasawa na sa kaniya ang asawa? Baka hindi na siya maganda sa paningin nito.

Huminga ito nang malalim.

"Fine. You can put black lipstick on my lips. Do whatever you want. Just don't said that again. It was the most scary words that I don't wanna hear from you, I don't want to lose you, I can't lose you.."

Napangiti siya sa sinabi nito. Napatili pa siya sa kilig. Isinabit niya ang mga braso sa leeg nito at hinalik-halikan ang asawa sa pisngi. Natawa naman ito sa ginawa niya at hinawakan niya sa bewang.

Binuhat siya nito kaya naman ipinulupot niya agad ang mga hita sa bewang nito.

"Now let's go. We'll gonna do some exercises that will surely make you exhausted." ani nito.

Naihampas niya ang kamay sa asawa.

Alam niyang iba na naman ang magiging takbo nang sinasabi nitong exercise. Wala ata itong kapaguran. Parang kanina lamang ay ginawa nila ang iba't ibang exercise na sinasabi nito.

Masakit pa nga, gusto na naman nito.

"Tumigil ka nga diyan. Baka may maka--ack!" natigil siya sa sasabihin sana nang bigla siyang makaramdam nang pagsusuka.

Nagmamadali siyang bumaba sa braso at bewang nang asawa at walang paalam na tumungo sa CR nang kwarto nila.

Pumasok siya sa banyo at halos idukdok na ang sarili sa bowl kahit pa may lababo naman.

Pakiramdam niya ay isinuka niya lahat nang lakas niya samantalang halos puro lang naman tubig ang lumabas sa bibig niya.

Nanghihina siyang napakapit sa bowl.

"Are you okay?" naramdaman niya ang paghawak nang asawa niya sa kaniyang balikat. Nakasunod na pala ito sa kaniya.


Hinawakan niya ang kamay nito at tinapik-tapik.

"Oo ayos lang ko Hon.. Medyo masama lang ang pakiramdam ko."

Wala siyang narinig na sagot dito. Nakita niya ang paglayo nito sa kaniya. Lumabas ito at ilang minuto pa ay naramdaman niya ang dahan dahang pag-alalay nito sa kaniya patayo.


May dala itong jacket at isinuot nito iyon sa kaniya. Nang maibotones nito iyon ay hinawakan nito ang bewang niya at iginiya siya palabas nang banyo.

Akala niya ay sa kama ang punta nila pero nagtaka siya nang dumiretso ito papunta sa pinto.

"Teka! Saan tayo pupunta?" tanong niya dito.


Binuksan nito ang pinto at hinila siya palabas.

"We're gonna go to the hospital."


Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Anong gagawin natin doon? Wala naman akong sakit."

"No, we have to see a doctor. What if you were sick? You've been experiencing that for a week now."

Magpoprotesta pa sana siya pero wala na siyang nagawa pa nang hilahin na siya nang asawa. Napapailing na lamang siya. Hinayaan niya na lang ito sa kung ano ang gusto nito.



















Owned By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon