"Yung isa" suhestiyon ko. Pinaglaho niya ang apoy at ibinuka ang kaliwang kamay. Pareho kaming nagulat nang may bolang itim ang lumabas sa kanya.

Umawang ang aming mga bibig at nagkatinginan kami sa mga mata. Naglaho naman ang itim na bola.

"Ano ba talagang nangyari nung sa pagsabog Four?" tanong ko sa kanya at napaisip naman siya.

"I'm the one who snagged the giant dark ball from Hades power but it was too strong that's why you still impacted and the others" seryosong salaysay niya. Nahulog naman ako sa malalim na pag-iisip. Maaaring na absorb ng katawan niya ang kapangyarihan ni Hades na imbes ikakamatay niya iyun.

"Wala kabang kakayahan na Absorb ability?" nagbabasakali kong tanong. Nangunot naman ang noo niya.

"Nothing" tugon niya. If that so, this is a miracle and a gift_no scratch that, it was not a gift at all. It was an accident, a positive accident.

"Four this is a miracle, you did absorb his power imbes na ikakamatay mo 'yun" may galak kong sabi. Mas lalong nangunot ang noo niya.

"But I think this is not good" mahinang usal niya. Umiling-iling ako at hinawakan siya sa mga kamay.

"No, it's not. Nasa tao lang yan kung gamitin niya ito sa masamang gawain. Four, I had his power too. Sa una-una, makakasama talaga kung hindi mo ito lubos kontrolado but I did master it. So it was not bad at all" pagpapaintindi ko sa kanya. Napaisip naman siya.

"So I can use this?" tanong niya. Agad akong tumango tango at ngumiti.

"Definitely yes and from now on, dalawa na ang kapangyarihan mo" sabi ko. Napalingon kaming dalawa sa pinto nang bumukas ito at niluwa doon ang mga kaibigan namin. Mabuting magaling na sila.

"Hey bro__owh wow! What happened to your hair?" manghang tanong ni Parker.

"Hala, nagpakulay ka leader?" tanong ni Lucy.

"Ang gwapo" nakangangang usal ni Aubrey. Lahat naman sila huminto sa gilid ko habang nakatingin parin kay Four.

"Y-your eyes" naibulalas ni Alexis. Bumuntong hininga ako at hinarap sila.

"Hindi siya nagpakulay dahil kusang nagbago ang buhok niya at mga mata" sabi ko sa kanila at nanlaki naman ang kanilang mga mata. Ang ibang prinsepe naman ay nakakunot ang noo.

Ikinuwento ko sa kanila kung ano talagang nangyari kay Four at nagulat nalang silang lahat. Hindi sila makapaniwala sa nangyari. Ang iba naguguluhan parin. Hindi naman malabo ang magkaroon ng himala sa mundong ito dahil mga imortal kami. We live with phenomenon and full of magic.

Nakalabas si Four ng clinic dahil mabuti na ang pakiramdam niya. Lahat naman ng konseho ay nakaalam sa kanyang pagbago. Nagulat sila ngunit sa huli ay tinanggap parin nila si Four ng buong buo at siguro'y alam nila na kahit may itim siyang kapangyarihan ay di parin ito gagawa ng masama.

Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama si Four dahil dito daw niya gustong matulog. Nakatunganga lang ako sa kisame. Sa makalawa ay ang araw ng digmaan. Di ko mapigilan ang sariling kabahan para sa mga mahal ko sa buhay. Paano kung may masawi isa sa amin?

Hindi, walang masasawi at sisiguraduhin ko iyun kahit buhay ko pa ang kapalit. Bumuntong hininga ako at pumikit.

MAAGA akong nagising kaya tulog pa si Four. Lumabas ako ng dorm at pinuntahan si HM. Sinabi ko sa kanya na siya na ang bahala sa mga studyante para sa pagsasanay dahil may kaylangan pa akong puntahan. Sumang-ayon naman siya kaya agad din akong bumalik sa dorm. Nadatnan ko naman si Four na kakagising lang.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now