Ayoko nang maulit 'yong sinundo sila ni papa sa school dahil nagsumbong sila sa Tita namin at pinalo si Yeji ng sinturon, sobrang namaga ang hita at braso niya. Ngayon naman si Yaine, sana huwag siyang magkamaling pamagain ang kahit anong parte ng katawan ni Yaine, dahil hindi ako magdadalawang-isip na layasan siya.

Nag-unahang magsipatakan ulit ang mga luha ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng katabi ko. Isinawalang bahala ko na lang, dahil mas nangunguna ang sakit at galit sa dibdib ko.

"D-dito na lang ho!" Para akong namasahe dahil sa uri nang pagpapahinto ko.

Kumunot ang noo niya. "Wipe your tears first. Don't let them see you crying."

Mabilis akong tumango. Bumaba na at nagpasalamat sa kanya. Tinakbo ko ang distansya ng kanto at bahay medyo malayo pero para sa kapatid ko, tinakbo ko iyon nang hindi lalagpas sa tatlong minuto.

Hinihiningal ako nang makapasok sa bahay ngunit wala namang tao. Mabilis akong umakyat sa palapag kung saan ang kwarto ni papa pero natigilan mang may maulinigang boses.

"Hayaan mo na. Sinong maniniwala sa walang muwang na bata?" Natatawang sabi ni papa.

I closed my fist. Mukhang alam ko na kung anong pinag-uusapan nila.

Tumawa siya ng malakas. "Hindi naniwala ang kapitan, kainuman ko rin 'yon. Hindi maniniwala 'yon kay Kaloy. Eh ako pa ba? Tinuturuan ko lang ng leksyon ang mga anak ko. Lalo na ang panganay. Nawawalan na ng respeto eh. Lumalaban na."

Natigilan ako. Tumiim ang bagang ko.

"Malapit na nga ang kasal nila ni Oscar. Isang taon na lang at gagraduate na si Yohana. Hindi ko alam. Bahala siya sa buhay niya basta't pakasalan lang niya ang anak ng Mayor. Tiba-tiba kami roon."

Agad akong umiling-iling. Tumakbo sa kwarto ko at nagkulong. Tahimik akong umiyak doon.

Ito na ho ba ang hantungan ko? Ito na ho ba ang hangganan ng lahat? Ito na ho ba ang kapalaran ko?

Wala sa sarili akong pumunta sa bintana at tumingin sa labas.

Mula sa langit ay bumaba ang paningin ko sa may kalasada. Kung hindi ako nagkakamali, sasakyan iyon ng lalaki kanina! Nakalimutan ko ang pangalan niya pero...siya iyong nasa waiting shed!

Bakit hindi pa siya bumabalik sa school? At paano niya ako nasundan? Bakit siya andoon?

Para akong ninja nang lumabas ng bahay, bitbit ang bag ko. Nilapitan ko agad ang sasakyan.

"Papasok kang ganyan ang itsura mo?"

Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano. Pinapasok niya ako sa sasakyan niya.

Nakahawak siya sa manubela at nakatitig lang sa harapan. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi na muna ako papasok." Mahinang sabi ko.

"Hindi ka pala papasok, bakit bumaba ka pa?"

Napakamot ako sa noo ko. Ang gulo niya. Lalabas na sana ako sa sasakyan niya nang pigilan niya ako.

"If you're not okay, you should stay in your house and rest."

"Hindi ako makakapagpahinga riyan." Buntong hininga ko.

Kumunot ang noo niya. "You're not okay." He stated.

Tinalian ko ang buhok ko tapos ay nanalamin sa cellphone ko. Ngumiti-ngiti pa ako ng pilit. Pinalaki ang namamagang mata.

"Okay na ako. Tingnan mo." ngiti ko ng pilit.

Nginiwian niya ako. "Don't smile when you're faking it. Ang sakit sa mata."

Bumuntong hininga ako. "Liliban ka sa klase mo? Tara punta na tayong school." Aya ko.

Nakakaguilty naman. Mabuti nga at hindi ako nagtagal sa kwarto. At kung hindi pa ko dumungaw sa bintana hindi ko malalaman na sinundan niya pala ako. Kargo pa ako ng konsensya ko kapag umabsent siya ng whole day.

"Hindi 'to papuntang school! Sa kabila." Angil ko ng sa iba kaming way lumiko. Hindi niya ako pinansin.

Kinabahan ako. "H-hindi ka naman siguro kidnapper 'no? M-mabait ka naman siguro?"

Hindi pa rin siya kumibo. Nagsimula na akong magpanic. Hindi ito ang ine-expect kong kapalit sa pagliban at tulong niya!

"I'll just buy food." Masungit na sabi niya ngunit halatadong mukhang natutuwa sa naging reaksyon ko. Huminto kami sa drive thru at nag-order siya.

"Here." Abot niya sa akin ng supot ng pagkain. Tinitigan ko lang 'yon dahil sa pagtataka. "Sige titigan mo lang, mabubusog ka niyan." Masungit niyang sabi.

"A-ay salamat. Nag-abala ka pa." Bulong ko.

"Ang payat mo, kulang ka sa pagkain."

Pinandilatan ko siya. Feeling close din 'to para pagsabihan ako ng ganon!

"Hindi naman. Sakto lang katawan ko." Giit ko.

Sabi nga ni Thiara, ang ganda raw ng hubog ng katawan ko. Speaking of Thiara.

Napakasama ko namang kaibigan na sa ilang minuto ay napag-isipan ko siya ng masama. Tinulungan lang niya kami dahil sa nakakaawang sitwasyon namin tapos...hays.

"The next time you'll face me, siguraduhin mong walang tubig sa mukha mo."

Natigilan ako sa pagkain. Nagkibit balikat siya tapos ay pinaandar na ang sasakyan.

Tubig? Luha ba?

Ang weird naman ng lalaking ito, but thanks to him...anyway.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora