Chapter XIX : Field Terror Trip

Start from the beginning
                                        

"Manong, baket parang wala parin tayo sa resort? Dapat kanina pa tayo naandoon ah!" Narinig kong pag kausap ni Alliah sa driver.

"Naku ma'am ayan nga rin ang pinag tataka ko eh, sinusundan ko naman itong mapa na galing sa school nyo pero kahit ako parang naguguluhan rin" Ani ng Driver

"Patingin nga po ng mapa" Ani Alliah at agad naman na inabot sa kanya ng Driver ang mapa. Nakita ko kung papaano nag bago ang hitsura ni Alliah, parang biglang nabahala.

"Manong mali po itong mapa na ito! Dapat po sa pa laguna tayo hindi ganito!" Sigaw ni Alliah. Napa singhap ako maging ang iba kong mga kaklase na naka rinig sa isinigaw ni Alliah.

"Naku ma'am, sinusundan ko lang po iyan atsaka iyan po ang naka lagay dito sa bus kaya sinundan ko lang" Dipensa ng Driver

"Ibalik mo nalang po manong" Ani Alliah na pilit itinatago ang pag ka inis sa boses.

"Naku ma'am baka hindi narin kayanin ng bus na maka balik dahil paubos na ang ating gasolina"

"ANO!!!?"

Ayumi's POV

"ANO!!!?"

Napa hawak ako sa handle ng bus ng bigla na lamang prumeno ng malakas ang bus at biglang namatay ang motor ng sasakyan. Tumayo ako para alamin kung anong nangyari.

"Biglang namatay ang motor at ayaw ng umi-start ma'am. Nag ka problema ata!"

Tumayo ang driver at lumabas. Humarap naman sa amin si Alliah "Classmates, mali ang direksyon na pinuntahan ng ating sinasakyang bus" ani to.

Bigla namang nag reklamo ang mga kaklase ko. "Papaano na tayo niyan?" Tanong ni Frianne

"Hindi ko alam, paubos narin daw ang gasolina sabi ng driver" Ani Alliah

"Walang signal dito!! Hindi ako maka text at maka tawag!" Biglang sigaw ni Nika

Napa tingin ako sa cellphone ko, at nakitang wala ngang signal. Isang malakas na putok ng baril ang gumulat sa amin.

"Ano iyon?" Tanong ko

"Dito lang kayo at titingnan ko!" Ani Alliah, pero agad akong tumayo at sumunod sa kanya. Pag baba namin ng bus, malamig na simoy  ng hangin ang sumalubong sa amin at madilim rin ang paligid, tanging liwanag ng bwan lamang ang nag bibigay liwanag.

"Ang lamig dito!" Ani ko

"Kaya nga!" Ani Alliah at nag lakad kami papunta sa likod ng bus, hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik yung driver.

Kapwa kami hindi nakapag salita sa nasaksihan namin ni Alliah, maluha luha at nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan. Hindi ko na nakayanan at napa iyak na ako at napa yakap kay Alliah.

"Tara na sa loob" Niyaya ko siya.

Pag ka pasok namin sa loob ng bus, nalilitong tiningnan ako ng karamihan. "Anong nangyari kay Ayumi?" Narinig kong tanong ni Raine

"P-patay na y-yung Driver!!!" Bigla kong isinigaw dahilan para mapa tayo yung iba sa kanilang kina uupuan. "Nag pakamatay siguro siya dahil hawak niya ang baril at may tama siya sa sentido!"

Madaliang nag labasan ang mga kaklase ko. Umupo naman akong muli sa upuan ko at inabutan ako ni Hail Claire ng tubig. "Salamat" at agad ko nang ininom ang tubig.

Maaari kayang hindi pa talaga tapos ang lahat? Maaari kayang may mamatay at papatayin na naman sa amin ngayong gabi? Muli na naman akong napa iyak.

"Tahan na" Ani Jackrene

"Papaano kung maulit na naman ang lahat?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Frianne

"Papaano kung may patayan na naman na maganap? Ayoko na!" Ani ko at niyakap si Mirai Vivian

"Sssshh, wag kang mag isip ng ganyan! Ligtas tayo dito sa loob ng bus kaya naman walang mangyayaring masama!" Ani Mirai Vivian

Biglang nag si balikan sa loob ang mga kaklase ko "Aalis tayo sa lugar na ito!" Biglang sigaw ni Jake, isa sa mga bully at hahari hari sa aming classroom

"Papaano tayo makaka alis dito?" Tanong naman ni Tiffany

"Mag da drive ako, didiretsuhin natin ang daan na ito baka may mahingan pa tayo ng tulong!" Suhestyon muli ni Jake

"Bakit hindi nalang tayo bumalik?" Ani Cyrus

"Masyado ng malayo ang dinaanan natin at kakaunti nalang ang gasolina, atsaka puro mga kakahuyan lang ang makikita natin pag bumalik tayo. Sumugal nalang tayo"

"Papaano yung bangkay ng Driver?" Tanong ni Caiomhe

"Iiwan nalang natin! Mahihirapan tayo kung dadalhin pa natin! Unahin muna natin ang ating kaligtasan bago ang lahat"

Tumungo si Jake sa driver's Seat at sinubukang buhayin ang makina. "Mga lalake, bumaba muna at itulak ang bus" Wala namang lalake ang kumontra, maging ang ibang babae ay bumaba rin at tumulong sa pag tulak.

Hindi nag tagal ay nabuhay na ang makina at madaliang pumanhik sa bus ang mga bumaba. Napa pikit ako at nag sign of the cross. Sana tama itong desisyon namin.

Campus Deadly GameWhere stories live. Discover now