Chapter XIX : Field Terror Trip

787 56 8
                                        

Chapter XIX : Field Terror Trip

Maaari kayang may mamatay at papatayin na naman sa amin ngayong gabi? - Ayumi

Flarine's POV

Pag ka sakay na pag kasakay ko sa bus number #13 na lulan ang aking mga kaklase, dahil ito ang mag hahatid sa amin sa venue ng aming field trip. Masayang sumasabay sa kanta ang iba kong mga kaklase habang yung iba ay walang pake.

♪♪ We live in cities you never see on screen
Not very pretty, but we sure know how to run a team
Living in ruins of a palace within my dreams
And you know, we're on each other team ♪♪

Agad kong kinuha sa aking bag ang aking camera at agad na kinunan ang mga masasayang memoryang ito. Ilalagay ko ito sa aming year book kung sakali. Umupo ako sa bakanteng upuan, katabi ni Shimizu.

"Excited ka na?" Naka ngiting tanong ni Shimizu sa akin, inilagay ko muna sa compartment sa taas ng upuan namin ang aking bag at umupo.

"Oo naman, ang saya nga eh. Bumalik na ang lahat sa dati" ani ko.

"Sa tingin mo kaya pang matagalan na itong katahimikan sa ating section?" Nilingon ko si Shimizu at binigyan ang isang blangkong tingin.

"Hindi ko alam pero sana nga bumalik na ang dati sa lahat. Anyway kumpleto na ba tayo?" Pag iiba ko ng usapan

"5:50 palang ng madaling araw, mamayang 6 pa ang alis ng ating bus at may mga kulang pa" anito, siya kasi at si Alliah ang naatasan na laging mag check ng attendance namin at sila rin ang mag re report sa aming teacher kung may kalokohang ginawa ang mga kaklase ko.

Unti unti namang nag si datingan ang mga kaklase kong iba, at dahil nga sa may mga na late 6:20 na naka alis sa aming campus ang bus na aming sinasakyan. Kaming mag kakaklase at yung driver lamang ang nakasakay, hindi nakasama ang aming adviser dahil sa may lagnat ito.

"Classmates gusto ko mag dasal tayo rito sa bus para sa ligtas nating pag biyahe at bilang pasasalamat narin dahil naka attend tayong lahat sa field trip natin at ipag pray rin natin ang mga kaklase nating namatay" Biglang pag singit ni Alliah ang aming class president.

Naka rinig naman ako ng mga dismayadong mga tunog mula sa mga kaklase ko at yung iba ay nag 'boo' pa kay Alliah

"Huwag na! Papansin ka lang eh!" Sigaw ni Hailey

"Ano ba kayo! Kung ayaw ninyo mag dasal manahimik nalang kayo! Hindi yung nag iinarte pa kayo ng ganyan!" Sigaw naman ni Shimizu at tumayo pa, para bigyan ng masasamang tingin ang iba sa mga kaklase ko.

Natahimik naman ang lahat pero hindi narin kami nag dasal. Naging tahimik kaming lahat sa buong byahe.

•••••••••••••••••••••••••••

"Nasaan na tayo?" Bigla kong naitanong kay Shimizu, madilim na sa labas ng bus pero patuloy parin kami sa pag biyahe dapat mga alas kwatro palang ng hapon ay nasa resort na kami pero ala sais na wala parin kami.

"Ayan nga rin ang ipinag tataka ko eh, dapat kanina pa tayo naka rating sa resort" nag tatakang ani rin ni Shimizu sa akin

Tumayo ako at pinuntahan ang kina uupuan ni Alliah, nginitian pa ako ni Ayumi pag kakita sa akin. "Alliah, paki kausap nga ang driver. Anong oras na pero wala parin tayo sa resort at halos puro mga kakahuyan lang ang nakikita ko!"

"Sandali lang" Ani Alliah at tumayo. Bumalik narin ako sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana, katulad kanina puro mga kakahuyan lang ang nakikita ko.

Campus Deadly GameWhere stories live. Discover now