Chapter 47

3.4K 159 5
                                    

7 o'clock, tinatanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko habang paakyat ang lift sa floor kung saan ang penthouse ko.

Huminto ito at bumukas sa second floor palang, I'm surprised to see Freya...

"Oh! This your condo building!? Since when?" Her eyes roam my body, discreetly, sa sobrang discreet kitang kita ko, tsk she never change.

"Since forever." May mapaglarong tono sa boses ko. "Too bad you didn't know."

We shared a good laugh, alam niyang hindi ako nagpapapunta sa kung saan ako nakatira.

"Anong floor ka?" Ako na ang pumindot, siguro may pupuntahan, tatlong palapag pababa kung manggagaling sa penthouse ko, doon siya patungo.

"Does...does your offer still stands?"

I side glanced at her, wala itong dala kundi ang phone niya.

"Of course," sagot ko. Tumunog ang lift dahil narito na kami sa floor kung saan siya dapat bababa but I held her wrist to stop her, nagbago ang isip kong pababain siya.

"Come visit Zef first."

Masaya itong pumayag, she's fond of Zef kasi.

"Mahirap ba? Single Mom? Ako nalang kasi papakasalan naman kita." She laughed loudly, sinamaan ko ito ng tingin. "Kidding! Wow penthouse ang yaman mo talaga!" Umakbay ito sa akin, she needs to tiptoe to do that, ang effort.

I entered my door code, pinauna ko siyang pumasok, aayusin ko pa sana ang shoe rack nang may makita akong running shoes na hindi akin...baka naiwan ni Olie.

Nagtaka rin ako kung bakit hindi gumagalaw sa kinatatayuan si Frey.

Wala naman si Olie rito ngayon dahil...

"Miss secretary, wow, hi."

That's what I thought.

Umiinom ito ng sports drink habang nakatayo samay pintuan, hindi ko mapigilan ang sarili at kusang bumababa ang tingin ko, natignan ko ang kabuoan niya, hindi siya pinagkaitan ng katangkaran, pati na rin sa hubog ng katawan, her hair was tied into a high pony tail, walang suot na make-up ngunit alam mong mangingibabaw parin sa oras na ihalo mo siya sa maraming tao. Bago pa ako malunod kaka-daydream sa fiancee ko ay naramdaman kong siniko ako ng kasama ko.

"Maaga ka palang pupunta rito." I brushed my hair and walked towards her to kiss her on the cheek. I also whispered how beautiful she is, hindi ko mapigilan ang pagbuka ng bibig ko.

I went to the gym, siya naman ay malamang tumakbo papunta rito galing sa condo niya, halata naman sa pawis na meron ang jacket niya, hindi ko lang inexpect na ganito siya kaaga darating.

"Aga ng bisita. I'll just shower, good morning Miss Cardova." She flashed a small smile at her before looking at me. Nakamot ko ang kilay ko. She could still remember her name crystal clear, to think na ilang beses lang naman sila nagkita noon.

"Stop gawking at her, Frey." Tinulak ko ito papunta sa kusina, I prepared breakfast para kay Olie at Zefidy, binigyan ko lang ng inumin si Freya, she don't eat breakfast, bumabaliktad ang sikmura niya kapag nakakain sa umaga, I've learn a lot about her noong OJT days palang namin.

"You serious now?" Tinaasan ko ito ng kilay as a response. "I mean she's here...you must be, right? But I saw her with someone last time, may green na mata ang kasama niya?"

Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa tao? Kapatid niya nga 'yon.

Binaba ko muna ang hawak kong sandok bago siya nginisian, those image I established years ago...mahirap tanggalin sa isip ng ibang tao especially when they're so used to it. I was playful, straightforward and very dominating I knew that and I'm not denying, I'll get what I can get.

Remnants of Our Drowned LoveWhere stories live. Discover now