Chapter 46

3.2K 170 8
                                    

Nilagpasan ko ito, pansin ko ang hindi niya pag-galaw.

Sigurado akong nasaktan ko siya dahil sa pag-ignora ko sa mga sinabi niya. Naramdaman ko rin kasi 'yung konting sipa sa puso ko na hindi maganda sa pakiramdam.

Nilapitan ko ang makatayo lang din na si Zef, she's watching us innocently...hindi na napigilan ni Olie na kumprontahin ako kanina at makalimutang kasama namin ang bata.

Nakatingkayad akong umupo, pinantayan siya...her eyes were watering. Zef is sensitive, hindi niya gustong makakita o makarinig ng may nag-aaway, iyakin talaga ito.

"Ma..." she voiced while looking behind me.

Napalingon ako, malungkot na nakatingin si Olie sa amin but she refused to leave without saying a word. "I..I think I have to go."

Hindi ako nakasagot kaagad...tila na-blanko ako. Bakit siya aalis?

"Hindi pa tayo tapos mag-usap."

Kasing bilis ng pag-iling niya ang pagsasalita niya. "No, you can take your t-time, kausapin mo nalang ako kapag nalinawan ka na — I told you I'll wait." She gave us a small smile before she started walking away.

"I said we're not done talking yet." Medyo napalakas ang boses ko, I have used that tone too many times to her before and she knows she had to listen.

Napaharap naman ako kay Zefidy dahil bigla nalang itong umiyak, nagulat na sa pagtaas ng boses ko, she never heard me using that tone, ngayon lang.

Mabilis ko itong pinatahan, niyakap niya ako habang sinasabing 'wag na akong magalit. Bahagya akong napangiti.

"Huwag kang aalis, mag-uusap lang kami ng anak mo," utos ko.

Nakita ko kasi siyang tila gusto na talagang umalis. Masyado ko ata siyang tinatakot.

Mabilis na tumibok ang puso ko once I stared at Zef...her innocent gaze reminds me of Olie's innocent yet dangerous facade, 'yung may balak gawin pero tila inusente kung ngumiti.

"I love you so much you know that right?" Mabilis itong tumango habang humihikbi pa rin. "Alam mo ba kung bakit binigay ko sa 'yo 'yung tiny box kanina?" This time umiling naman ito. Napangiti ako at bahagyang pinunasan ang luha niya. "Sabi ko keep it safe diba? Did you open it?"

Aba't...binuksan niya nga siguro, dahil sa tanong ko her lower lip bends and it was quivering, lalo itong umiyak kahit pinupunasan niya ang luha niya.

"I'm sorry po mommy! Binuksan ko po...sorry po." 

"Shh it's okay baby, kukunin ko na 'yung box, nand'yan ba?" Please sana hindi niya tinago sa kwarto niya.

Maliit lang kasi talaga 'yung box at pwedeng-pwede niyang ibulsa ngayon.

Kinapkap niya ang bulsa ng cute na shorts niyang may beach inspired design. She handed me the box and I couldn't thank God more that she brought it with her.

I opened it for her to see it again. "Don't cry na, huy! Look, isn't it beautiful?"

"Opo Mommy, gusto ko po niyan." Eh kay Olie 'to.

Malakas na napatawa ako. Nilingon ko si Olie na busy pala at may kausap sa phone.

"Bibilihan kita ng iba baby, this is for your Mama...I want to marry her kasi.."

Zef's eyes widen, my heart raced even faster, she's breathtaking...tila makinang na dyamante ang mata dahil sa kan'yang luha.

"Marry?"

"Yes po, we'll walk on the aisles and..and..it's very complicated—"

"Yes yes! Mommy! Magiging totoong Mama ko po si Ma! Gusto ko po Mom!"

Remnants of Our Drowned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon