"B-Bakit po?" hindi ko maiwasang hindi mautal sa tanong ko nanginginid ang mga luha ko sa aking mata

yumuko lang si mom sa tanong ko kaya alam kung may problema silang hindi sinasabi sa akin

"bakit po?" ulit kung tanong sa kanilang dalawa

"may importante kasi kaming pupuntahan sa araw ng kaarawan mo at sa araw ng kasal niyo ni King, kaya pinaka cancel na lang namin, pero wag kang mag alala anak kapag naman 21 na si King doon na lamang ituloy ang kasal niyo ni King, sana maunawaan mo anak, at saka napag kasunduan na din namin na sa bahay na lang nila tita Marga mo mag celebrate ng  kaarawan mo" mahabang sabi sa akin ni mom kaya naman nalito pa ako ng una

"Saan naman po kayo pupunta sa araw ng kaarawan ko? hindi po ba pwedeng ipag palipas niyo na lamang po iyun? bakit po sa mismong kaarawan ko pa kayo mawawala?" hindi ko na mapigilan ang mapaluha dahil ngayon na ngalang ulit kami nag kasama sama tapos mawawala pa sila sa mismong kaarawan ko

"Sige na pupunta kami" sagot sa akin ni dad na naka hawak sa kanyang ulo ang isang kamay samantalang ang isa naman niyang kamay ay naka hawak sa kanyang dibdib

"talaga po dad?" parang kuminang ang mata ko dahil sa sinabi ni dad kaya naman agad akong napalapit sa kanya at saka ako yumakap

"mahal" sita ni mom kay dad kaya naman napatingin ako kay mom na naka yuko na parang umiiyak

"Tama naman ang anak mo mahal, ngayon na lang ulit natin siya makasama sa kaarawan niya kaya pag bigyan na lang natin" sabi ni dad kay mom

"Pero Francisco hindi maaring hindi tayo matuloy sa pupuntahan natin para na rin iyun sayo at saka sa akin at saka sa...... anak natin" sabi ni mom sa mataas na boses, para siyang galit pero nanatiling kalma lamang siya

nalilito ako sa sinabi ni mom may tinatago talaga sila sa akin at kung ano man iyun ay hindi ko alam

"Pabayaan mo na ako mahal, na maka attent ako sa mahalang araw ng anak mo" sabi naman ni dad at saka nag iwas ng tingin

"pinag bigyan na kita Francisco na umuwi agad tayo dito sa pilipinas, pero sana naman Francisco pakinggan mo ako ngayon" sigaw ni mom, siguro ay napuno na siya, napuno na ang kanina pa niyang pag titimpi

"Sige po dad, mom okay na po sa akin kung wala kayo, tutal sanay na rin naman ako kahit pa paano haha at saka po mukhang importante talaga iyung pupuntahan niyo mas importante pa sa kaarawan ko" umiiyak kung sabi sa kanila kasabay noon ang pag tayo ko para makapunta na ako sa taas

"Una na po ako sa itaas, mag papahinga na po ako, kayo rin po mom, dad mag pahinga na po kayo" paalam ko sa kanila ni mom na pinipigilan kung umiyak ulit

"Oo anak mag papahinga na ako" sagot ni dad dahilan para makaramdam ako ng kaba, may kakaiba kasi sa pag kakasabi niyang mag papahinga

"Franz.... sige na nak umakyat ka na sa itaas" baling sa akin ni mom kaya tumango na lamang ako

mag lalakad na sana ako ng huminto ako pag katapos noon ay lumingon ulit ako kila mom at dad, kaya naman nagulat silang pareho

"bakit nak?" tanong sa akin ni mom, hindi ko naman nagawang sagutin iyun sa halip ay lumapit na lang ako sa kanila at saka niyakap sila at saka hinalikan sa kanilang mga pisnge "good night po" paalam ko sa kanila

"good night din anak sige na matulog ka na" sabi sa akin ni dad at saka ginulo pa ang aking buhok kaya naman napangiti ako pag katapos noon ay umakyat na ako para matulog na

nagising ako sa sunod sunod na katok na nag gagaling sa labas ng akinh Kuwarto

"Sir Kint, sir Kint" tawag pa nito kaya naman na kilala ko kung kaninong boses iyun boses iyun ni ate Anna

kaya naman kahit inaatok pa ako ay tumayo na lamang ako at saka binuksan yung pintuan ko

"Bakit po ate Anna?" tanong ko kay ate Anna na ngayon ay nasa harapan ko na

nag kamot naman muna ito sa kanyang ulo bago sumagot sa tanong ko

"Pasensya ka na po sir Kint, kasi po pinapagising na kayo ni ma'am Marga, ang sabi po ni ma'am ay bumaba  na daw po kayo dahil may bisita daw po kayo sa baba" sunod sunod na sabi ni Ate Anna kaya naman bahagya akong tumango

"Sino po ba ate Anna yung bisita ko sa baba?" tanong ko kay ate Anna kasi naman ang aga aga may bisita ako

"Ahh yung bisita niyo po ay hindi ko kilala, pinaki usapan lang ako ni ate Berna na sabihin sa inyo natatakot po kasi sa inyo" sabi ni ate Anna kaya naman kumunot yung noo ko natatakot sa akin?

"Bakit daw natatakot siya sa akin" tanong ko naman kay ate Anna

"Kasi daw baka daw po tarayan niyo ulit siya katulad dati ay hala--" sabi ni ate Anna at saka tinagpan yung kanyang sariling bibig "sorry po sir Kint" she said so I just nodded

alam ko naman na may pag kamaldita din ako noon ng hindi pa ako nag kaka amnesia pero ngayon naman ay masasabi kung hindi na ako ganun, kasi marami  akong natutunan dahil sa pag kaka amnesia ko

pag kalabas ni ate Anna ay agad akong nag ayos ng aking sarili sa bathroom naligo na rin ako para naman hindi na kakahiya sa bisita ko sa baba

ilang saglit pa ay tapos na rin akong mag ayos ng aking sarili kaya naman, napag isipan kung bumaba na baka naiinip na kung sino man ang bisita ko sa baba

pag kababa ko agad na bumulaga sa aking paningin ang nakatalikod na lalaki, napa kunot naman ang noo ko ng makilala ko kung sino iyun kaya naman agad na nag takbuhan ang mga kabayo ko sa dibdib na daig mo pang nag uunahan ang mga ito

My heart beat faster as it slowly faced me causing my cheeks to blush so I just bent down to hide my embarrassment.

"Oh King hijo nandito ka na pala" biglang sulpot ni dad kaya naman napalingon ako sa likuran ko

"Kanina ka pa ba?" he asked King

"Hindi po tito, kakarating ko lang din po" it's polite reply to dad

"I see... have you had breakfast yet ..?"
"...... manang" hindi na natapos ni dad yung sasabihin niya ng sumingit si King

"Not anymore uncle, Kint and I will just eat outside" magalang na sagot ulit nito kay Dad

"Okay, sige na, may lakad pa kami ng tita Marga niyo, ikaw na ang bahala kay Kint hijo" sabi ni dad kay King kaya naman naka ramdam ako ng kaba, bat ba ganito mag salita si dad, kagabi pa siyang ganyan naka kaba na ah

"Dad...!" I called, that's why it just messed up my hair

"Wag kang mag alala baby a-attent ako sa birthday mo, sa ngayon sa bahay ka na lang ulit ni King titira" sabi sa akin ni dad na hanggang ngayon ginugulo pa rin yung buhok ko

"Did I think I would live here?" I asked Dad and then I sniffed

"May mga aayusin kasi kami ng Mom mo, promise babawi ang daddy mo sa susunod" he replied and then smiled at me

"Promise?"  I asked and raised one hand

"Promise!" he replied, that's why I smiled

pag katapos ng usapan na iyun paalam na si King na aalis na kami kaya naman humalik muna ako sa pisngi ni dad bago sumunod kay King

"Saan tayo" tanong sa akin ni King kaya naman napatingin ako sa kanya kasalukuyan kasi akong nakatingin sa cell phone ko

"Ahmm, Ikaw na ang bahala" sagot ko na lang dahil naiilang talaga ako sa kanya, kaya boung biyahe nakatuon lang ako sa cell phone ko at nakikipag chat kay Tanya, namalayan ko na lang na tumigil na ang sasakyan ni King sa isang mamahaling restaurant

A/N: Pasensya na kung ngayon lang nag sagot pa kasi ako sa module (week 5,6,7 at 8 yung sinagotan ko) na late kasi ako kaya apat na week yung wala kung sagot, kaya naman hindi talaga ako makapag sulat ...

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant