Prologue

1 0 0
                                    

~Worthless~

Pagkapasok ni Elecia sa principal’s office ay sinalubong siya ng seryusong tingin ng principal na naghinhintay sa kanya. Hindi niya alam kung bakit siya pinatawag nang biglaan. Tumayo siya sa harapan ng principal at nakayuko dahil ayaw niyang magtama ang kanilang mga mata.

“Miss Amstel, I will not beat around the bush, we’ll be transferring you to Section Z,” sabi ng principal na ikinagulat niya.

“Po?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“We’ll be transferring you to Section Z. Don’t make me repeat my self again.”

“Pero bakit?”

“You got the lowest grade among of all.”

‘Section Z, the last section, the worthless…’

Inabot ng principal ang kulay itim na uniform at isang liham sa kanya, “You are free to go home now and tell this to your parents. Tomorrow you’ll be part of the last section.”

Kinuha niya ang uniform at liham at nagpaalam sa principal ng wala sa sarili. Paano niya ito sasabihin sa kanyang mga magulang? Knowing her parents, especially her father, she’s literally be a dead meat.

Nanginginig siyang pumasok sa kanilang bahay. Nakita niya sa sala ang kanyang ama na nagbabasa ng mga papeles. Napalingon sa kanya ang ama at seryuso siyang tinignan.

“Bakit ang aga mong umuwi? Wala ba kayong klase?” tanong ng kanyang ama.

“Pa…” nagmano muna siya bago ibinigay ang sobre.

“Oh, Elecia? Andito ka pala?” sabi ng kanyang ina na lumabas mula sa kanilang kusina.

Lumapit siya sa kanyang ina at nagmano rin.

“Elecia…” malamig na sabi ng kanyang ama. Napahawak naman siya ng mahigpit sa kamay ng kanyang ina dahil sa takot na ikinataka ng huli.

“Ano iyang hawak mong papel?” tanong ng kanyang ina sa kanyang ama.

“Ano ito Elecia? Itatransfer ka sa Section Z? Bakit?” mabilis ang naging hininga na kanyang ama sa galit.

“A-ano?” gulat na tanong ng kanyang ina at napatingin sa kanya.

Doon na tumulo ang pinipigilan niyang mga luha, “P-pinaka-m-mababa a-ang n-nakuha kong g-grado.”

“WALA KANG KWENTA!” sigaw ng kanyang ama at sinampal siya ng malakas.

Napayuko na lamang siya at tahimik na umiiyak. Sobrang sakit ng kanyang kaliwang pisnge.

“I’m sorry papa.”

“Ang layo-layo mo sa kapatid mo. Matalino, talentado, masipag, at masunurin. Hindi katulad mong walang kwenta na bobo pa.”

Sobrang sakit ng mga salitang inihagis sa kanya ng kanyang ama. Masakit ikumpara sa kapatid pero sobrang sakit marinig na nilalait na sariling magulang.

“Umalis ka sa harapan ko bago magdilim ang paningin ko at ano pa ang magawa ko sayo.”

‘Sa pamilyang ‘to. Wala talaga akong kwenta.’

Kinabukasan nang makarating siya sa Maxia Academia ay naagaw niya ang attention ng mga estudyante dahil sa kanyang suot na uniporme. Ang kulay itim na uniform para sa Section Z. Kulay pula naman ang para sa Section A at kulay asul naman para sa mga normal na estudyante.

“Taga Section Z.”

“Worthless.”

“Being part of Section Z is the worst.”

Nakita niya ang kanyang mga kaibigan at nginitian ngunit nakatanggap siya ng mga irap at disgustong tingin.

‘I thought they’re my friends. Well, it’s better to have none than to have a plastic one.’

Wala siyang pakialam sa palagid habang naglalakad siya sa hallway papunta sa classroom kung saan ang Section Z. Ang classroom ng Section Z ay nakahiwalay sa lahat. Matatagpuan ito sa pinakalikod ng paaralan at walang gustong pumunta doon.
Pagkapasok niya sa classroom ay walang tao ni isa ang naroon.

Nasaan ang mga tao dito?’

Umupo siya sa gilid at naghintay ngunit malapit nang mag-isang oras pero wala paring taong pumasok sa classroom. Dahil naiinip siya ay pumunta siya sa likuran at nagulat ng makitang masayang naglalaro ng habulan na parang mga bata ang grupo ng estudyanteng nakasuot ng itim nauniporme katulad niya.

‘Ang Section Z.’

May isang babaeng hanggang balikat ang buhok at may bangs ang napatigil ng mapansin siya. “Oh, may bago,” sabi nito na ikinatigil ng lahat at napatingin sa kanya.

“Uhm… hi?” alinlangan niyang bati.

“Pre ang ganda n’ya,” bulong ng isang lalaki sa katabi nitong lalaki na nakatingin sa kanya nang seryuso.

Lumapit sa kanya ang babaeng may bangs at maikli ang buhok.

“Kanina ka pa ba?” tanong nito.

“Kanina pa ako naghihintay sa classroom pero nandito pala kayo,”  sagot niya.

“Wala tayong klase palagi kasi ayaw nila tayong turuan. Tinuturing tayong mga basura kaya walang may pakialam sa’tin,” paliwanag ng babaeng may mahabang buhok na hanggang bewang.

Ang Section Z ay may sampung istudyante. Dalawang babae at walong lalaki. Ngayon labing-isa na at tatlong babae na dahil kasama na siya sa kanila.

Hindi niya aakalain na mula sa araw na ito ay magbabago ang buhay niya.

Makikita sa mukha ng lahat ang kasiyahan at may mga ngiti sa labi at sabay sinabing, “Welcome to Section Z.”

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Mar 03, 2021 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Section ZHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin