"Fine." Tumingin ako paibaba sa mga kamay namin. "Let me go na nga."

Gino did. Nakakapagtaka pero namalagi pa rin sa balat ko ang pakiramdam ng magaspang niyang palad. Naramdaman ko pa rin kahit hindi niya na ako hawak. I turned towards Stephanie.

"Subukan mo lang inisin ako at makikita mo talaga hinahanap mo," pagbanta ko at nilagpasan siya, ngunit bago ako lumabas para pumunta sa garden, sinigurado ko munang paikutan siya ng mga mata.

"B¡tch."

Dinner came.

Hindi pa rin tapos ang dalawa sa ginagawa nilang research topic kaya naabutan na tuloy ni Papa. Pumunta kasi siya sa council meeting ng mga barangay captain kasama ng vice-mayor. Nagulat siya nang may makitang kaklase namin sa living room kaya inaya niya na ring maghapunan kasama namin. Hindi man lang nagpakipot ng kaunti ang bruha at nagtanong pa talaga kung ano bang hapunan namin.

I have never been this pissed infront of dinner! Hindi ganito katindi ang inis ko noong mga beses na nag-aasaran pa kami ni Gino!

"So you're saying you're one of his friends?" Tanong ni Papa sa kaniya sa kalagitnaan ng pagkain naming apat. Tumango si Stephanie.

"Yes po. Totoo nga po magkatabi pa kami ng upuan. Super bait po ni Gino. Minsan sa kaniya pa ko nagtatanong pag di ko na-gets 'yung turo nila ma'am. Gino's been my boy friend eversince he transferred."

Napatigil ako sa pagnguya nang tila magpintig ang dalawa kong tainga. Tumingin ako sa harapan kung saan sila magkatabing nakaupo ni Gino. Napasimangot ako lalo.

Did she just call him her boyfriend?

"Natutuwa naman akong marinig yan. To tell you the truth, hija; nag-aalala kasi ako noon na baka wala siyang maging kaibigan sa klase." Umukit ang mabining ngiti sa labi ni Papa.

I agree. Napaka-angas kasi ng dating ni Gino nu'ng bago pa lang siya. Pareho kami ng naisip ni Papa. I thought Gino will be an outcast in class since most of us grew in a lavish upbringing. Pero namangha ang mga kaklase ko sa kaniya lalo na nang malamang nagmamaniobra siya ng mamahaling motorsiklo at magaling pang makipagsuntukan. The tables flipped and everyone in class admired him.

I glanced at Gino. Hindi siya umiimik sa dalawa at nananatiling tahimik na kumakain. Was it me or he really looked uninterested?

"Kumusta na pala 'yung mga pasa mo?" tanong naman ni Papa, at kung hindi pa niya nabanggit hindi ko rin maaalala.

"Oh, it's fine na po, mayor. Very fine, actually. Tingnan niyo po parang walang bakas." Tsaka pinakita ng bruha ang braso at siko niya.

"Siguro nga unang araw pa lang ganiyan ka na, eh. I really knew it was make-up." Tumawa akong pasarkastiko. Tumikhim naman si Papa.

"Rhiannon." He glanced at me sideways with those subtle warning in his eyes. Uminom na lang ako ng orange juice.

"Puwede po bang magtanong?" Si Stephanie.

"Sure, hija." Umismid si Papa.

"Magkapatid po ba sila Rhiannon at Gino?"

I almost spit out the orange juice that was still in my mouth! Anong klaseng tanong iyon?

There was silence for a moment. "Hindi, hija. Foster-siblings. Isa sa kanila ang hindi ko tunay na anak." Papa told.

Hindi niya masabi ng diretso na ampon niya itong isa. Hindi na ako magugulat kung balang araw tatawagin niya na ring totoong anak si Maginoo. Bumuga ako ng hangin nang kaunting mangirot ang dibdib.

"Buti hindi ka nagkakagusto kay Gino, Rhian, ano?" tanong ng bruha nang balingan ako.

"You're asking nonsense, Steph. S-siempre, hindi." Hindi ko alam kung namula ako pero naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko lalo na nang sumulyap rin sa akin si Gino. Umusbong naman ang malditang ngisi sa mapulang labi ni Stephanie.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now