Kabanata 11

16.9K 530 47
                                    

Kabanata 11

Embrace 



Nakatanaw lang ako sa malayo at yakap-yakap ang sariling katawan habang nililipad ng malakas na simoy ng hangin ang mahaba at unat kong buhok. 

It's been five months since I accepted Trevious offer. Pero ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kinain ko ang mga binitawan kong salita kay Anna noon.

'Na hinding-hindi ko gagamitin ang katawan ko sa maruming paraan. Pero ngayon... I'm already his wife, his bed warmer.' Ang babaeng nagpabayad upang punan ang kaniyang init ng katawan.

Mabilis kong pinunasan ang butil ng luha na tumulo mula sa aking mga mata. Lumingon ako sa likuran ko at saktong nakita ko ang bulto ng taong papalapit sa akin.

"What are you doing here, Krizza?" tanong niya ng makalapit sa akin.

I glanced at him. "Wala, nag-papahangin lang..." tipid kong tugon.

Madalas kong gawin ang bagay na ito simula noong dalhin niya ako rito sa private place niya rito sa tagaytay. Kahit papaano nakakalimutan kong naka kontrata lang ang lahat sa amin. 

Nakaka relax din dito kaya madalas akong maglakad-lakad sa tabing dagat dahil sa masarap ang halimuyak ng hangin na humahaplos sa balat ko.

"Let's get inside, I already cooked our breakfast..."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya at tumango-tango. Ngumiti siya akin at nag-umpisa nang maglakad. Napailing na lamang ako at  mabilis na sumunod sa kaniya.

Habang pinagmamasdan ang malapad niyang likod hindi ko maiwasang mag-init ang buong mukha ko. Naiilang pa rin ako minsan sa kaniya dahil bigla na lang susulpot sa isipan ko ang mga mainit na gabing pinagsasaluhan namin.

Napayuko ako ng bigla siyang huminto sa paglalakad at lumingon sa akin. Mahinang siyang tumawa ay naglakad paatras at pinantayan ako.

Nakagat ko ang labi dahil nalanghap ko ang mabango niyang pabango na nanunuot sa ilong ko.

"Look up, Krizza while walking…" marahang sinabi niya bago ako inakbayan at muling humakbang papasok sa loob ng bahay.

Hindi ko maiwasan ang pagwawala ng kung ano sa kalamnan ko. Ang puso kong naghuhurementado sa pagtibok sa tuwing nagkakalapit kami.

"Are you okay? Why so quiet?" he gently asked as he softly rubbed my shoulder.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at tipid na ngumiti. "Wala naman…" sabi ko at marahang dinantay ang ulo sa braso niya at nagpatuloy sa paglalakad.



"Sit down, I'll get our food..." wika niya nang nakapasok kami sa loob ng bahay at dumiretso sa dining table.

Habang lumilipas ang araw at kasama ko siya sa iisang bubong, unti-unti ko na siyang nakilala. 

I admit, paiba-iba ang mood niya. Hindi mo malalaman dahil sa bigla-biglang nagbabago. Pero hindi ko maikakaila na madalas ko siyang mahuli na nakatitig sa akin. Ayokong mag-assume kaya isinasantabi ko ang lahat.

Madalas din siyang seryoso lalo na kapag nakatutok sa laptop niya. Kahit kakauwi niya lang galing trabaho bubuksan niya agad ang laptop niya. Kaya minsan kahit laptop niya ay gusto ko nang pagselosan eh. 

I heard his footsteps coming to me so I glanced at his direction. "Here we go..." 

Nakangiti siya habang inilalapag ang niluto niyang fried rice, fried egg, bacon and fried fish sa lamesa.

Attraction Series 1: Addiction At First Sight (Completed) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon