Napabuntong hininga ako at bahagyang natahimik nang naalala ang mansion na—

Mabilis kong iwinaksi ang ulo upang mawaglit ang iniisip. Hanggang sa tuluyan akong makarating sa tapat ng address na pakay ko. 

Mula sa labas makikita ang karangyaan dito. Ang gate na kulay itim na may nakalagay pang mga letrang VILLARUZ na kulay ginto. I mean ginto talaga. Nakakalula naman ang yaman nito!

I was about to press the doorbell. But I was surprised when the gate suddenly opened. 

Napatulala ako rito ng biglang lumitaw ang medyo may katandaan ng babae. Kapansin-pansin na rin ang namumuting mga buhok nito.

"Welcome, Madam." Nakangiting bati niya sa akin, napatingin ako sa kaniya siguro ay kasambahay 'to base sa suot niya.

"Hello po. Nandiyan po ba si Mr. Trevious Villaruz?" 

Ngumiti ito at tumango. 

"Yes, Madam. He's already waiting for you..." taray! English speaking!

Agad niyang nilakihan ang pagkakabukas sa gate kaya dahan-dahan akong pumasok sa loob.

Akala ko pagpasok ng gate loob ng bahay na agad ang makikita pero dumaan pa kami sa malawak na garden, may matayog na water fountain din na nakatayo at puno ng iba't-ibang uri ng halaman sa kapaligiran bago tuluyang nakarating at nakapasok sa loob ng bahay.

Grabe!

"Good day, Krizza..."

His deep baritone voice was calm yet intimidating and it echoed around the huge house.

"G-Good afternoon, Sir..." I greeted him back as I stared at him from head to foot. 

His brows furrowed while shaking his head. 

"Drop the word Sir," he said. "And please take a seat, Krizza." He then pointed out the single coach on his left side.

I nodded sparingly and averted my eyes from him. I didn't have a choice so I sat on the feeble sofa.

Napayuko ako ngunit napansin ko rin ang bawat paggalaw niya kaya unti-unti akong nag-angat ng ulo… feeling awkward.

Isinandal niya ang likod sa sandalan ng coach. Tumaas ang kaliwang paa niya na ipinatong sa maliit na lamesita at nagdi-kwatro ng upo sabay lingon sa direksyon ko. 

"Are you starving? What do you want? Water? Juice? Wine—"

"Okay lang ako, gusto ko sana pag-usapan ang kontrata..." nahihiyang sambit ko at bumalik sa pagkakayuko ng ulo.

Silenced envelopes between us as he sighed heavily and cleared his throat.

"We're going to talk about that later… but for now we'll eat first." Seryosong sinabi niya at inalis ang tingin sa akin.

Ngumuso ako at pinaglapat ang dalawang palad.

"Manang Lorna!" he called.

Dali-dali namang lumapit ang ginang sa kaniya habang nakangiti.

"Manang, please prepare our early dinner, we'll leave before 8," anito sa kasambahay.

"Okay po, Sir..."

Pagkaalis ng katulong naging seryoso muli ang ekspresyon ng mukha niya at nabalot kami ng nakakabinging katahimikan. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. It's been a few days since the last time I saw him.

He suddenly cleared his throat that caught my attention. 

"So, you already read the contract?" he asked in a serious tone.

Attraction Series 1: Addiction At First Sight (Completed) [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now