[49.5] He's Back...

164K 3.7K 1.7K
                                    

Happy Valentine's Day <3 

[Dedicated to the Birthday Girl: Danica de Leon. Happy 18th Birthday!] 

Anyway, Guys! New Rule. If magtwetweet kayo, use #100STHH tapos yung title ng chapter. Example: #100STHHHesBack starting this chapter and susunod na chapter. Ilalagay ko na lang sa umpisa ng chapters yung mga hashtag para madali ko mamonitor yung mga comments, tweets niyo! :) Thanks! Sorry pala super late na naman, super busy sa law school. Anyway, enjoy! Happy Valentine's! <3 

49.5

Hope's POV

Papasok na naman ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Papunta ako ngayon sa gym. Imemeet ko ang bawat representatives sa bawat section, ngayon ichecheck ni Miss Bisbal ang final output namin.

Natapos naman namin ni Enzo—Okay fine mostly si Enzo—yung stage and yung gilid ng gym kaso...

"Is this enough?" Tanong ni Enzo na kitang kita na ang pawis. Gustong gusto ko punasan please. Pero nakakahiya, friends nga hindi ba?

   Tumingin ako sa buong paligid. Kumpleto naman na. May mga design na. Tumingin ako sa phone ko. 8:30 PM Na.  

“Okay na ‘to. May design na naman. Siguro naman mapapatunayan ko na sa kanila na may ‘worth’ ako. Na kaya ako.” Tapos nagsmile ako.

“Hatid na kita.” Offer ni Enzo. Tapos umuwi na kami. Hindi niya ako hinatid sa bahay dahil alam niyang mainit pa rin si Ate sa kanya. Nagthank you lang ako.

Anyway, back to present. Kasama ko na sila ngayon winawarningan ako. Kapag daw panget lahat ‘to sa akin nila lahat isisisi ‘to at mapapahiya na naman ako. Nakakainis ha. Natapos ko okay?! Natapos namin.

Noong makita namin si Miss Bisbal pumasok na kami sa may gym. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Natapos naman namin kaso mukhang hindi pa rin kumpleto kasi mga puso puso lang yun eh.

Pagbukas na pagbukas ko—

Teka lang anong nangyari!?

“Wow! Oh my gosh. Hope, nagawa mo ‘to?!” Tanong ni Yesha na manghang mangha sa ginawa ‘ko’. Ako naman nangkanganga lang.

Teka lang ha, kasi ang huling tanda ko noong iniwan namin ni Enzo ‘to kagabi eh mga puso lang sa gilid at konti sa stage tapos yung theme lang. Bakit ngayon may mga nakasabit pa sa bubong ng gym?! May mga cupid pa na parang nakabitin sa taas. Tapos sa gitna may malaking 3D na puso, tapos sa paligid may mga ribbon, glitters, may mga quotes at kung ano ano.

“Teka Hope, saan mo kinuha lahat ng materials na ‘to? Ginawa mo ba? Grabe ka! Nagovernight ka ba sa school?! Di ko akalain na may talent ka pala dito?!”

Ako? Talent? Katawa ka ate. Pero sinong gagawa nito?! Sinong magaayos nito!? Si Enzo ba?!

Habang pinapakita nila kay Miss Bisbal yung ginawa ‘ko’ daw (sinabi nila na madami ako nacontribute infairness naman sa kanila. Akala ko sasabihin nila sila ang gumawa eh pero binigyan naman nila ako ng credit kaya pinuro ako ni Miss Bisbal). Habang naguusap sila sa kung ano pang kulang sabi ko may kukuhanin lang ako pero ang totoo tatawagan ko dapat si Enzo. Siya ba ang gumawa nito? Kung oo, paano niya nagawa ‘to?! Alam kong matalino siya, at weird, pero kailan pa siya naging magician?! Noong tinatawagan ko siya may narinig ako na tumutunog na cellphone.

Nagend call ako para hanapin yung tunog pero noong binaba ko nawala ang tunog.

Teka… So… wait, di ko maprocess. So tinawagan ko ulit si Enzo kaya tumunog ulit. So phone niya yung tumutunog?! Ay ewan.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon