Gusto niyang makatulong naman kahit papaano sa mga gawaing bahay habang nandirito sila sa bahay nang mga magulang ni Phoenix.


Nakakahiya naman sa mga magulang nito lalo na at ngayon ay asawa na siya nito.

"Naku Ma'am, hindi po talaga ako makapaniwalang dating magkapatid ang turingan niyo ni Sir Phoenix. Sa ganda niyo po talagang hindi makakatiis si Sir at aasawahin kayo." napangiti siya sa sinabi ni Janice. Bago itong kasambahay sa bahay. Ang sabi nito ay hindi na sila nito naabutan pa noon.

Ibig sabihin ay dumating ito noong wala na sila ni Phoenix at nakatira na sa bahay nang asawa.

Halata dito ang pagiging makulit at madaldal. Naiintindihan niya naman dahil halatang napakabata pa nito. Siguro ay sixteen years old lang ito.

"Wag mo na nga akong tawaging Ma'am, Ate Xiarra na lang. At tyaka hindi naman ako maganda eh." ani niya dito.

Exaggerated na nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Ang ganiyan pong histura hindi pa ba iyan maganda? Jusko paano na lang pala ang face ko eh parang patay na kuko niyo lang po ako sa paa, na siguradong wala naman."

Natawa siya sa sinabi nito.

Napaka cute tingnan nang reaksiyon nito kaya naman hindi niya napigilang panggigilan nang pisngi nito. Nakalimutan niyang may sabon ang kamay niya dahil sa paghuhugas nang plato.

Gigil niyang pinisil ang pisngi nito kaya naman napaaray ito.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi niya napigilang mangilid ang luha nang makitang talagang nasaktan ito.


"Naku, pasensya na. Hindi ko sinasadya. Sorry.." tuluyan nang tumulo ang luha niya dahilan para ito naman ang manlaki ang mga mata.


"Hala Ate. Wag po kayong umiyak. Hindi naman po masakit oh." pinisil-pisil pa nito ang sariling pisngi sa harapan niya para ipakita sa kaniya na hindi ito nasasaktan.

Pero hindi siya naniniwala lalo na at hindi nito maiwasan ang ngumiwi.

Tuluyan na siyang napahikbi kaya naman nataranta na ito.

"Ate, naku po wag po kayong umiyak. Patay ako nito kay na Sir pag naabutan kayong umiiyak." ani nitong naiiyak na rin sa pagkataranta.


Bakas sa mukha nito ang takot nang hindi siya mapapigil.

Sya naman ay gustuhin mang tumigil sa pag-iyak ay hindi niya magawa. Parang gripo na kusang umagos ang luha niya. Nagsimula na siya suminok.



"Jusko po. Anong gagawin ko? Tumingin-tingin ito sa paligid at ilang sandali pa ay nakita niya itong pumunta sa refrigerator at kumuha ito doon nang tubig.



Inabot nito iyon sa kaniya. Siya naman ay unti-unti nang napakalma ang sarili.

"Iyakin po pala kayo Ate." hinagod nito ang likod niya.

Tuluyan na itong nakahinga nang mapansing hindi na siya umiiyak.

Siya naman ay pinunasan na ang mga luha niyang malapit nang matuyo. Ipinunas niya na muna ang kamay sa damit dahil basa din ang kamay niya.

"Hindi naman ako iyakin. Naluha lang ako nang makita kitang nasaktan kanina. Sorry ah?" ani niya dito na ikinatawa naman nito.


"Naku Ate wala po iyon. Sanay naman na akong pinanggigigilan ang pisngi kong mataba eh." Natawa naman siya sa sinabi nito.


"Sige na Ate matulog kana po. Pupunasan na lang naman po ang mga pinggan kaya ko na po iyan." tumango naman siya dito at nagpaalam niya. Nakaramdam na din naman siya nang antok.

Umakyat na siya at tumungo sa kwarto ni Phoenix na siyang magiging kwarto nila nito habang nandirito sila sa bahay nang mga magulang nito.

Pagkapasok niya ay naabutan niya itong nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard. Nasa hita naman nito nakapatong ang laptop nito.

Natigilan siya nang makitang nakasuot ito nang salamin. Tinitigan niya ang asawa.

Bakit ba napakagwapo nito. Ang dami tuloy gustong umagaw dito. Halos biniyayaan ata ito sa lahat nang bagay. Gwapo na matalino pa.

Nakita niyang tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa direksyon niya. Ilang sandali pa ay tinanggal nito ang laptop sa hita nito at sinenyasan siyang lumapit.

Lumapit naman siya dito.

Sinabihan siya nito na maupo sa hita nito na siya namang walang pag aalinlangan niyang ginawa. Ipinaikot nito ang braso sa bewang niya habang siya naman ay niyakap din ito at isiniksik niya ang ulo sa leeg nang asawa.

Wala sa sariling inamoy-amoy niya ang asawa na siyang namang ikinasinghap nito.

Ramdam niya ang pagbuntong hininga nito pero kalaunan ay niyakap din siya nang mahigpit.

Inaantok na siya sa amoy nito at sa sarap nang pakiramdam habang yakap nito.

Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang iginupo nang antok. Pero bago siya tuluyang makatulog ay naramdaman niya ang paghalik nang asawa sa kaniyang buhok.







"I love you so much Xiarra."




















Owned By HimWhere stories live. Discover now