┋animnapu't apat

237 11 0
                                    

MARA

"Mara, I prepared food for us. Come on, let's eat" Nakangiting sambit sa akin ni Ate bago ilahad ang kamay niya sa akin. Tinignan ko lang iyon saka yumuko. Sa posisyon kong 'to, wala ata akong gana kumain.

"Hey, are you okay?" Tanong niya. Ilang araw na niya akong kinakausap ng ganito but I will just ignore her. Hindi lang siguro ako handang sabihin ang dahilan.

"You know what? Remember Stell? Yung kaibigan ni Justin. Yung tinag ka sa picture niya last night. Lmao, muntik ko pa siyang di makilala nun" Napatingin lang ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ni Justin. Ilang araw na rin simula nung inaway ko siya sa Park dahil sa pagbabayad niya ng hospital bills ni Mama.

Simula pa lang independent na akong tao so I just don't want people to help me hangga't kaya kong itaguyod ang pangangailangan ng pamilya ko. Pakiramdam ko naapakan ang pride ko sa ginawa niya but at the same time, hindi ko maiwasan na magalit sa sarili ko for saying bad things to him that time.

Kaya ayoko talaga pag nagagalit ako eh, nasasabi ko yung mga bagay na makakasakit sa ibang tao. I felt really guilty for him. Alam kong mali lahat ng sinabi ko.

"Nagkita kami nung isang araw sa bus stop and told him everything. I don't know but I feel so comfortable at me. Nasasabi ko lahat ng hinanakit at problema ko sa kanya unlike Liros and he said that he'll help me get a job that I got right now" bahagya akong napangiti. Naalala ko lang si Justin, halos ilang araw din siyang nag-offer sa akin nun bago ako pumayag.

"Nung una hindi ako pumayag sa gusto niya but that guy, sobrang kulit niya and he's consistent na tutulungan niya raw ako para makabawi sayo" Likas sa magkakaibigan na yun ang pagiging matulungin ano.

"I realized that tama ka, hindi ko dapat tapusin ang buhay ko dahil lang sa walang ka-kwenta kwentang lalaki na yun. Sana naging mabuting kapatid ako sayo, kaya Mara sana ngayon if something's bothering youyou can tell me all of it, pakikinggan kita" She really changed. The sister I really want her to be simula pa lang. I can't help but to feel proud.

"Ate"

"Hmm?"

"Paano?"

"Anong paano?"

"Paano mo nagagawang hindi tumanggi sa tulong ng iba? Despite of so many risk, paano?" Paano ko maiiwasang makapanakit ng inosenteng tao that the only thing they want is to help me.

"Mara, walang mali sa pag-tanggap ng tulong mula sa ibang tao. It'll only be bad kung sa tingin mo sobra na yun at hindi na nakakabuti para sa kanya. Isa pa, kung desidido naman siyang tulungan ka, why not? Parang si Stell, he was really consistent so I allowed him to help me. Kung pakiramdam mo na naapakan ang pride mo sa pagtulong niya, you can also pay him no matter what, tell him that you'll only feel ease kung mababayaran mo siya. Nor do the things na makakabuti sa kanya bilang kapalit. Kapag may kailangan siya, help him. Ganun. Sa tingin ko"

"Ate, mali bang magalit ako?" Nakita ko siyang ngumiti.

"Is it about Justin?" Tumingin lang ako sa kanya diretso sa mata bago tumango.

"H-he paid for mom's bills. And nagalit ako kase pakiramdam ko he went too far" Nakayukong sabi ko.

"There's nothing wrong with that, Mara. If his intention is not bad, bakit naman hindi? Let him help you hanggang sa makaluwag ka. You can pay him, sa material things man or ibang bagay. Maybe I should thank him also for doing that. Kung nagalit ka sa kanya, isantabi mo na yan. Reconsile with him, wala namang magagawa kung magalit ka eh. Pasalamat ka nga there's someone who are willing to help you kahit na sobrang hirap mo kausapin minsan. Stop being so isolated, Mara. Let go of your comfort. Magiging masaya si Mama at Papa kung babalik ka sa dati" Tinapik niya lang ang balikat ko.

"I'm sure na makakabuti si Justin sayo. Don't let go of him, he is worthy and a good friend" Ate is right, natitiis niya kahit na ganito ang ugali ko. He was also consistent of helping me. Maybe he is indeed worthy.

Kaso isa na lang talaga ang problema, how could I approach him? Nahihiya ako. Paano ko kaya siya kakausapin? Paano ako makakabawi sa kanya?

Marami akong kailangang bayaran. Pero bahala na! Mag-iisip muna ako ng paraan para malapitan siya. Maybe his friends could help me. I'll ask them.

"Ate, thank you" Sabi ko sa kanya.

"Kung alam ko lang na ganito kasarap sa pakiramdam na maging mabuting kapatid, sana matagal na akong nagpakabait hahaha" Tumawa naman ako sa sinabi niya.

"It's fine ate. Proud ako na nag-bago ka na ngayon. Maganda siguro din ang dulot ni Stell sayo 'no?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Tangek. Friends lang kami ni Stell. Wag ka nga dyan" Muli akong napatawa. Sus, friends friends. They will fall for each other someday, itaga nila yan sa bato.

"Friends daw. Ewan ko sayooo. Ano? Tara na, kain na tayo. Nagugutom na ako" Aya ko sa kanya.

"Let's gooooo!" Excited na sabi niya bago ako hilain papasok sa loob para kumain.

Mamaya na ako mag-iisip kung paano makikipag-bati kay Justin

TO BE CONTINUED..

❛Ferris Wheel❜ ┇ SB19's Justin✔️Where stories live. Discover now