┋limampu

271 13 0
                                    

M A R A

Kaagad akong kumaripas ng takbo nang mabasa kong nasa labas na ng campus si Justin. Ang lalaking yun talaga, wala atang balak na makinig sa akin.

Saka nakakahiya rin kung pag-hihintayin ko pa siya dun. Anong oras na rin at dadaan pa kami sa bahay para makapag-bihis man lang ako.

Nang makalabas ako ng campus ay lumingon ako sa paligid para hanapin siya pero wala akong nakitang Justin de Dios. Taena, niloloko ba ako ng tukmol na yun?

"Boo!" Kaagad naman akong napatalon nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko agad kung sino man yung huklubang nanggulat sa akin. Aambahan ko na sana ng suntok nang makita ko si Justin na tawang tawa sa kinatatayuan niya. Lakas talaga ng amats ng lalaking 'to.

"Hahahahahahaha! Ganun ka pala magulat?" Natatawang sambit niya. Kaagad ko naman siyang binatukan. Siraulo eh.

"Aray naman!" reklamo niya.

"Bagay sayo yan" Sabi ko saka iniwan siya at nauna ng maglakad. Hindi na kami sasakay since malapit lang naman ang bahay ko. Walking distance lang kaya nakakatipid rin ako ng pera minsan. Inaagahan ko na lang ng gising para hindi na ako matagalan.

"Mara sandali!" Umirap lang ako saka hindi siya pinakinggan.

"Sorry na" Hindi ulit ako umimik. Pasalamat siya at mabait ako sa kanya ngayon dahil sa tulong niya sa akin kundi baka kanina ko pa inupakan ang isang 'to.

"Kailan ka kaya titino, de Dios?" Malamig na tanong ko at nanatili lang sa daan ang mata ko.

"Di ko alam. Baka next year" Muli akong umirap sa kanya.

"Mara"

"Ano na naman?" Sagot ko. Ang daldal pala talaga ng lalaking 'to.

"Pwede mag-tanong?"

"Nagtatanong ka na" Sarkastikong sambit ko.

"Sabi ko nga eh"

"Ano ba kase yun?" Kanina pa ako kinakabahan dito. Baka kung anong kagaguhan na naman ang itanong nito.

"Bakit ka pumayag sa part time? Akala ko ba ayaw mo?" napatikhim ako. Sabi na nga ba at itatanong niya sa akin yan eh.

Sa totoo lang nung narinig kong nalukungkot siya kapag hindi ako pumapayag sa tulong niya, nakaramdam ako ng pagka-gulity within me. Siguro kase alam kong nage-effort siya sa pagtulong sa akin at ako naman itong ma-pride na akala ko kaya ko lahat ng mag-isa.

Tama siya sa sinabi niya sakin dun sa cafe. Siguro nga makasarili ako pagdating sa buhay at problema ko. Pakiramdam ko kase nagiging pabigat ako sa tuwing humihingi ako ng tulong sa iba. And I don't want that to happen kaya hangga't kaya ko naman, I don't want to accept other's help.

"Mara? Sorry, I am really coming so far"

"Wala lang. Besides, tama ka naman na magandang opportunity yun para makadagdag sa income para sa pagpapagamot kay Mama"

"Paano yung part time mo dun sa cafe na malapit sa school?"

"Talagang naalala mo pa yun ah" Natatawang sabi ko.

"Oo naman. Pero saang cafe ka ba nagta-trabaho? Bisitahin kita minsan" Hindi ko talaga maintindihan king bakit pa siya naga-abalang mag-sayang ng oras sa akin.

"Actually hindi siya cafe more on... Donut store?" Sagot ko.

"D-donut store? Hala! Pumunta naman ako dun nung isang araw ah? Bakit hindi kita nakita?" Tanong niya. Napatawa na lamang ako. Of course I won't tell him na ako yung nasa loob ng mascot na pinag-dramahan niya pfft. Hiya yan once na malaman niya.

"Andun ako. Baka di lang tayo nagkasabay ng oras" Tumango naman siya.

"Oo nga pala, Mara" Tumingin lang ako sa kanya.

"You shouldn't decline my offer starting now ha? Or else.."

"Or else ano?" Matapang na tanong ko.

"Or else I would be really upset. If you need help, don't hesitate to ask me. Friends na naman tayo eh"

"Do you really wanted to help me that much?" Tanong ko saka ngumiti sa kanya.

"Oo naman. So wag mo na akong tanggihan next time"

Hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Uhh, do you want to come in?" Nahihiyang tanong ko.

"Sure!" Nakangiting sambit niya saka walang hiyang pumasok sa loob.

"Pasensya ka na ha. Hindi kalakihan ang bahay na 'to" Sabi ko sa kanya but he just smiled at me.

"No problem" Sa totoo lang hindi ganito ang ine-expect ko sa mga mayayaman. Usually they are rude and choosy kaya never ako nag-eentertain ng mayayamang tao. But this boy here is.. I think he was exempted. As if I have a choice, kukulitin ako niyan kapag hindi ko siya pinansin.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko para makapag-palit ako. Pumili ako ng peach colored t-shirt at jeans. Hindi naman siguro kailangan sobrang formal diba?

"Mara!"

"Ano?" Sagot ko sa kanya nang tawagin niya ako.

"Asan si Ate Maisie?" Napatigil ako sa pagbibihis sa itinanong niya. Malamang kasama niya na naman yung lintek niyang boyfriend. Wala na talagang ginawa sa buhay kundi magpaka-tanga sa lalaking yun.

"Malamang kasama yung huklubang boyfriend niya" Sabi ko saka kinuha ang puting sapatos ko.

"May boyfriend na si Ate Maisie?"

"Oo. But I really don't like him for my sister. Bad influence ang lalaking yun. I wouldn't ever like him"

"Bakit naman?"

"Lagi niyang pine-pressure si Ate na kapag hindi siya sumama sa kanya, maghihiwalay sila. Lagi rin siyang nanghihingi ng pera sa akin para lang ipangdate sa lalaking yun. I wouldn't mind actually kung gagamitin niya sa kapaki-pakinabang na bagay, why not?" Sabi ko saka inayos ang buhok ko into a bun.

"Sana mag-break na sila" Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"I hope so too" Sagot ko saka nag-spray ng cologne bago lumabas ng kwarto.

"Lika na" Yaya ko sa kanya nang makalabas ako ng kwarto.

Nakita ko naman siyang natulala nang magtama ang tingin naming dalawa. Parang siyang nakakita ng multo kung makatulala naman ang lalaking 'to.

"Hoy, de Dios! Nakikinig ka ba?" Sabi ko sa kanya but he doesn't seem listening to me.

"Hoy engot!" Sigaw ko. Mukhang natauhan naman siya at umiwas ng tingin.

"Aalis na ba?" Tanong niya.

"Oo. Kanina pa kita tinatawag eh. Para kang nakakita ng multo dyan"

"S-sorry. Tara na"

TO BE CONTINUED..

❛Ferris Wheel❜ ┇ SB19's Justin✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon