"Hi daddy." Bati ko pero nilagpasan lang niya ako kaya taka ko siyang sinundan ng tingin.

Kasunod no'n ay si Harvey na nakangisi.

"Lagot ka." Aniya habang sinesenyas ang hintuturo na parang lagot talaga ako.

Naguguluhan ko lang siyang tinignan na sinagot niya ng kibit balikat ng may nakakalokong ngiti sa labi.

Suminghal nalang ako at hindi na iyon pinansin pa.

Naupo na lamang ako sa sofa at binuksan ang TV at nanood ng kahit na ano.

Pero madalas pinapanood ko Loud House sa Nickelodeon na kung saan ay labing isa silang magkakapatid.

Kabisado ko na nga ata lahat ng pangalan nila mula sa panganay hanggang sa bunso.

Lori, Leni, Luna, Louan, Lyn, Lincoln, Lucy, Lana, Lola, Lisa and Lily.

Maging mga ugali kabisado ko na.

Basta si Lori ang panganay na laging cellphone ang hawak at katawag ang boyfriend na si Bobby, haist naiihalintulad ko ito sa mga kabataang ganiyan.

Si Leni ang pangalawa at tatanga tanga na may pagkabobo pa pero maalam sa fashion, may pakinabang din.

Luna ang rakista o rock star sa pamilya, sakit naman sa tenga.

Louan ang joker sa pamilya hindi ata nabubuhay na hindi nasasabi ang "Get it?" Haist, hindi mabubuhay na hindi nakakapagjoke at nakakapagprank.

Si Lyn ang sporty at pinakabrutal sa lahat na minsan ay naihahalintulad ako ni Harvey diyan, tss!

Si Lincoln ang nag iisang lalaki sa kanilang magkakapatid na hindi malayo layo kay Clyde, kaibigan niyang may gusto sa panganay nila.

Lucy, namumuhay na feeling immortal o bampira, cold at lahat ng kilos ay pang bampira maging tulugan ay kabaong at may mga libro ng spell at pang witch at nagiging manghuhula ng pamilya.

Si Lana ang tomboy na may pagkadugyot, na maging kakainin na ng aso kakainin pa, mahilig sa putek at mga pagkain ng galing sa basura na akala mo hindi napapakain ng maayos, at mahilig din sa reptile.

Si Lola ang kambal ni Lana na kung gaano kadugyot ang kambal at kaboyish ay siya namang kaarte niya't kagirly, na maging sa pagtulog ay nakagown at korona pa. Ang beauty queen sa pamilya.

Si Lisa ang pangalawang bunso at siyang pinakamatalino sa lahat, na kumbaga ay gifted sa lahat ng bagay at nagreresearch pa, mini scientist, inventor hayy ewan, sana all nalang din sa kaniya. Isang kinder lang ay may abilidad ng makaimbento ng mga bagay bagay, napakatalino.

Si Lily ang bunso, isang baby na pakalat kalat lamang sa loob ng bahay na minsan nakadiaper at minsan at hubo't hubad na gumagapang.

Though napakagulo nila pero madaming matututunan.

Aba't talaga namang nakuwento ko pa ang ugali at personalidad ng mga ito.

Natawa nalang ako sa isip ko dahil doon.

Nagpatuloy lang ako sa panonood hanggang sa narinig ko nalang ang sasakyan ni mommy.

Pinatay ko na ito at sinalubong siya.

Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko ng bahagya.

"Palit lang ako." Aniya at linagpasan na ako at umakyat at siya namang pagbaba ni Harvey ng hagdan at kashoshower lang niya.

Ngumisi na naman ito.

"Pumunta sa school kanina ate." Aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay na para bang nagsasabi na.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Where stories live. Discover now