Hindi namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng kotse dahil sa aming pag kwekwentuhan

"Let's go!" aya ni mom kaya naman agad din kaming sumakay ni Dad mag kahiwalay kami nasa harapan sila samantalang ako sa likuran umupo

Nagulat pa ako ng pag kaupo ko na katabi ko si King, mommy at tita Crystal

Hindi ko alam na nandito pala si King kaya naman, alinlangan akong napatingin kay dad sa salamin, nginitian lang ako nito kaya naman napayuko na lamang ako

Na iilang kasi ako kay King dahil hindi pa naman kami nakakapag usap ng maayos, mabigat yung hininga ko hanggang sa umusad na yung kotse

Dahil nga apat kami na nasa likuran sikipan talaga, buti na lamang at hindi mataba si mom at tita

Ilang minuto lamang ang lumipas ng makarating kami sa hospital "Raino Hospital" ang pangalan ng ospital na pinasukan namin, kung hindi ako nag kakamali may kalapitan din ito sa Raino University

Pumasok kami sa isang silid na kulay puti ang lahat, nag antay pa kami ng ilang saglit ng dumating ang isang lalaking nakakulay puti ang uniporme at kulay puti ang sapatos kung hindi ako nag kakamali doctor itong nasa harapan namin

"Doc. Allan" bati ni Dad kay Doc. Allan, batid kung kilala ko si doc. Allan pero hindi ko tanda ang kanyang mukha

"Franz" sambit naman ni doc. Allan at nakipag kamay kay dad

"Ahh Doc. Allan si Isaac po pala, yung anak namin" pakilala sa akin ni mom kay doc. Allan kaya naman sa aking bumaling ang atensyon ni Doc. Allan nag tama ang paningin namin hanggang sa mapadako ang paningin niya sa tiyan ko at saka ito tumingin kila mom at dad

Umiling muna ito bago mag patawag ng mga nurse at saka ako pinapasok sa isang silid, chineck nito ang katawan ko at saka yung tiyan ko Inenterview din ako nito, tinatanong kung nag susuka daw ba ako sa umaga na sinagot ko naman na walang kasinungalingan

30 mins din iyun ng matapos kami, nacheck na rin niya ang tiyan ko

"Okay!" panimula ni doc. Allan kaya naman agad na lumapit sila mom at dad tita Crystal at tito Kenji sa amin, ganun din si King na tumabi pa sa akin

Ang nakapag taka lang ay ang pag akbay nito sa akin

"he is pregnant" bulaslas niya kaya naman agad na lumikyaw si mom, ganun din si tita, samantalang ako nanatiling tulala hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi

"he was two months and a week pregnant" Pag papatuloy ni Doc. Allan, "at dahil nga lalaki siya, hindi magiging madali ang pagbubuntis niya" anas pa niya kaya naman nanahimik kami

"Pero katulad din siya ng normal na babae na nag bubuntis pero hindi iyon kadali sa lagay niya, Intersex kasi siya, O mas kilala sa tawag na
hermaphrodite pero hindi talaga
hermaphrodite ang term sa tawag kundisyon niya dahil may isa lamang siyang ari, kaso may mga orgas siya ng babae" magulong paniwanag ni Doc. Allan siguro ay naguguluhan rin siya sa lagay ko

"Ahh doc. ano ho pa yung hermaphrodite?" tanong naman ni King na kita mo sa mata niya ang pag kalito

"Hermaphrodite means you have a reproductive system gaya ng isang babae ovary uterus at fallopian tube" sagot naman ni doc. Allan kay King

"Ahh" nasabi na lamang niya habang tumatango tango pa

"Doc. magiging normal po ba ang batang nasa tiyan ko?" natatakot kung tanong kay doc. natatakot ako na baka hindi normal ang kalabasan nito dahil lalaki nga ako

"Oo naman magiging normal na bata yang magiging anak mo, basta iwasan mo lamang ang mastress, kung nag aaral ka pa man mas mainam na huminto ka na muna para hindi ka mapagod" payo ni doc. Allan sa akin

"Sige po doc. salamat" pasasalamat ni dad kay doc. Allan

"Wala iyun franz, mas maiman na i
pa-ultrasound mo na iyang anak mo ng masilip niyo si baby" payo ni doc kaya naman sumang ayon si mom at dad na ipa-ultrasound ako

Kaya naman wala akong nagawa at sumunod na lang sa gusto nila, para check din kung may laman ba talaga yung tiyan ko

Ilang minuto din ang lumipas hanggang sa makita ko na ang bata na nasa tiyan ko kaya naman napaiyak na lamang ako

Dahil ito ang pangarap ko ang mag karoon ng anak, ang mag karoon ng isang pamilya kahit na kakaiba ako

"Teka lang sandali" usal ni dad kaya naman napatingin kami sa kanya

"Parang dalawa" gulat na sabi niya kaya naman napatingin kami sa tinitingnan niya

"Wait check ko" bulaslas nung nurse at saka ito yumuko para icheck yung result ng ultrasound ko habang yung isang doctor naman ay nasa tiyan ko pa rin ang tiyan

"Congrats po triples po ang anak niyo" masayang anunsyo niya kaya naman napaiyak na lamang ako

Okay na ako sa isa pero triplets? Tatlong bata ang nasa tiyan ko, hindi ko alam kung paano ko sila ilalabas sa tiyan ko

Baka mamatay ako pag nag yare iyun, masyado naman naging mabait sa akin ang diyos at binayayaan ako ng tatlong anak

Napaluha na lamang ako dahil sa pag iisip ko hindi ko sila kayang ipag buntis

"Shh.." pag papatahan ni King sa akin kaya napayakap na lamang ako,

Hindi ako dapat mawalan ng pag asa kakayanin ko 'to para sa magiging anak ko, kaya ko 'to, huling salitang sinabi ko bago ako mawalan ng malay dahil sa pagod at sa mga nalaman ko

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now