"Mall? Park? Kahit saan basta malibang tayo, nakaka sawa na rin naman puro na lang tayo aral" anas niya kaya naman natawa ako ng bahagya     puro aral daw, kaya pala lagi siyang bagsak

Katulad nga ng napag usapan nag gala kaming dalawa ni Tanya, kami lang dalawa at walang boys

Noong naka rating kami sa mall nag libot libot lang kami at nag tingin tingin

Ng may ilan kaming nabili at nagutom kami agad kaming nag tungo sa pinaka malapit na Restaurant at doon na nag hapunan

Habang nakain kami biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad ko namang iyung tiningnan isa iyung message kaya agad ko iyung binasa

From: Xyrillot
Message: after class bukas meet tayo, text ko na lang ulit bukas kung saan, may importante lang akong sasabihin

hindi ko na iyun na gawang replyan dahil sa bukod sa tinatamad akong mag type, wala rin akong load tapos naka ramdam pa ako ng parang kakaiba yunh parang kinakabahan ako na ewan

Pag katapos naming kumain ni Tanya napag disesyonan namin na umuwi na

Kaya yun nga yung ginawa namin, tumawag lang ito kay Charles para ihatid siya, noong dumating si Charles inaya pa nila akong sumabay sa kanina kaso tumangi ako, dahil malalayuan lang sila kung ihahatid pa nila ako

Kaya napag disesyon ko na lamang na mag abang ng sasakyan na hindi naman ako nahirapan dahil mabilis lang akong naka hanap at mabilis lang akong naka sakay at naka uwi

Pag baba ko sa sinakyan ko agad kung tiningnan kung anong oras na pasado 6:00 pm, isang oras din pala kami ni Tanya kanina na nag gala

Pag pasok ko sa loob ng bahay nila King agad akong dumiretso sa Dining Area, yun kasi ang utos ni Manang Celia, pag pasok ko doon bumulaga sa aking paningin ang mga  taong hindi ko inasahang makita

Sila mommy, kaya naman gulat akong tumingin sa kanya, at saka ako tumingin kay tita Crystal na naka ngiti lang naman sa akin, kaya kumunot ang noo ko

Alam na kaya ni mommy na nakaka alala na ako? Hindi ko alam pero bigla akong naka ramdam ng kaba at agad na hinanap ng paningin ko si King na agad ko rin naman na nakita, naka upo ito sa sofa at naka tingin sa akin

Hindi ko mabasa ang emosyon niya, hindi ko makita kung galit ba siya O masaya

Kaya agad na iniwas ko ang paningin ko kay Kint at tumingin ako kay kuya Reilan kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko, nasa isang school lang kami at mag kadikit ang classroom ngunit hindi ko siya makita, hindi ko nga alam kung pumapasok pa siya

Muli kung iniwas ang paningin ko kay kuya Reilan at bumaling ako kay Dad, nagulat pa ako sa itsura niya, salubong ang kilay niya at halatao mong galit kaya naman napayuko na lang ako ng hindi oras bumalot ang pag kahiya sa boung katawan ko, alam na nga nila

"May sasabihin ka daw sa amin?" bigla akong nag angat ng tingin dahil sa sinabi ni dad

"Sabi ng tita Crystal mo may gusto ka daw sabihin, Ano iyun?" si mommy kaya naman sa kanya ako tumingin

nakatingin lang ako sa kanya, at saka ako yumuko

"Ano iyun 'sis' "  si kuya Reilan kaya naman bahagya akong napatawa, hanggang ngayon kasi pinapanindigan niya ang pag babakla baklaan niya

"Sige na iho sabihin muna, umuwi pa ang mga 'yan galing korea para lang marinig yung sasabihin mo" sabat naman ni tita Crystal

Huminga naman ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob bago mag salita

"Ano po kasi, ano eh" saad ko na halos mag kabulolbulol pa ako

"Ano po kasi----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla iyung pinutol ni dad at siya ang nag patuloy ng sasabihin ko kaya naman nagulat ako

"Na, nakaka alala kana?" usal niya na hindi sumisigaw, formal na formal ang pag kaka sabi niya

Tumingin  muna ako sa kanya at saka ako tumingin kila mom at kuya at saka ako tumingin kay King, nag dalawang isip pa ako kung sasabihin ko na opo nakaka alala na ako,

Nakipag titigan lang ako kay King hanggang sa hindi ko alam na tumango na pala ako

"Kailan pa? Bat hindi mo man lang sinabi sa amin?" usal ni mom na umiiyak at saka lumapit sa akin at niyakap ako

"Bago pa man po ang pageant" pag amin ko

"Jusq" anas ni dad at saka rin yumakap sa akin napatingin naman ako kay kuya, hindi ito nakatingin sa akin kung hindi kay King ng mapansin niyang naka tingin din ako sa kanya umiwas ito ng tingin kay King at saka bumaling sa akin

Ngumiti muna ito bago makipag yakapan din sa amin, narinig ko naman ang munting hikbi ni tita Crystal

ng bumitaw sila sa yakap, napatingin ako kay King, gusto kung mag iwas ng tingin dahil naka tingin din pala ito sa akin pero huli na ako dahil masama na ang tingin nito sa akin

Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko dahil naka ramdam ako ng kaba, alam ko rin na namumula na yung pisnge ko dahil sa hiya

Napatungo na lang ako ng di oras dahil hindi ko na makayang makipag titigan kay King

Muli akong napabuntong hininga at saka ako lumingon kay mom

"Akyat lang po ako sa taas, para makapag bihis po" ika ko at aska humalik sa pisnge niya ganun din kay dad at kuya

Mabigat ang paa kung nag lakad pa akyat pa tungo sa kuwarto ko para makapag bihis na ako hanggang ngayon kasi ay naka uniporm pa rin ako

Pag karating ko sa kwarto ko agad kung hiniga ang sarili ko sa malambot na higaan ko

Hanggang ngayon ay ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko

hindi ko alam kung saan ito nag mumula pero sa isang banda ay nakaramdam din ako ng tuwa dahil sa wakas ay nasabi ko na rin kila mom na nakaka alala na ako pakiramdam ko magaan na yung pag hinga ko

Imikot ikot lang ako sa higaan ko para maalis ng kunti yung kaba ko ng mapahinto ako sa aking pag ikot ikot ng maalala ko ang tinext ni Xyrill sa akin kanina habang nasa mall kami ni Tanya

Hinanap ko yung cellphone ko sa bag ko nung mahanap ko iyun agad kung binuksan yung message at muling binasa ito

From: Xyrillot
Message: after class bukas meet tayo, text ko na lang ulit bukas kung saan, may importante lang akong sasabihin

Basa ko sa message niya ano naman kaya ang importantent sasabihin niya?

Nawala ako sa pag iisip ng marinig ko ang pag bukas ng kuwarto ko kaya gulat akong napatingin doon at doon ko nakita si King na hindi pa rin maipinta yung kanyang mukha

"Ang tagal mo, tapos hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapag bihis?" usal niya sa akin na walang emosyon hindi ko naman siya sinagot at saka ako bumaling sa phone ko at saka ako nag type ng message para replyan si Xyrill

"Okay!" reply ko natawa pa ako ng hindi iyun nag send wala kasi akong load

"Bilisan mo gutom na ako baka ikaw ang 'makain ko' "  ika ni King gaya gulat naman akong napatingin sa kanya may pag kaka diin kasi ang pagkaka sabi niya ng 'makain ko'

"Sige na mauna ka ng bumaba susunod ako, mag bibihis na ako" sagot ko kasi naalala ko na hanggang ngayon pala ay hindi pa ako nakakapag bihis

"Bilisan mo tigilan mo na ang pakikipag text sa pinsan ko, aalis na rin naman siya" usal niya bago tuluyang lumabas sa kuwarto ko

Aalis si Xyrill saan naman kaya siya pupunta? Gusto ko pa sana iyung itanong kay King kaso wala na siya at saka kung tinanong ko pa siya baka lalo lang siyang magalit sa akin

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now