Pero sino ba ang niloloko ko? Alam ko namang gusto ko pang makasama s'ya. Pinipigilan lang ako ng nararamdaman kong hiya.

Sa huli, sumunod na lang din ako sa kotse n'ya at sumakay na rin sa passenger's seat. Inaayos ko ang bag na nasa gilid ng binti ko nang pumasok si Jadon.

I started to tell him where our house was but he immediately nodded even though I haven't finished saying it yet.

"I remember," aniya habang minamaniobra ang sasakyan.

Tumikhim ako at tumingin na lang sa pagmaniobra n'ya ng sasakyan at pag-alis na namin nang tuluyan sa mall na 'yon.

Tahimik din kami sa sasakyan habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay. May tugtog sa speakers ng sasakyan n'ya at nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang nakikinig do'n, nililibang ang sarili.

Medyo may kalayuan ang mall na 'yon sa bahay at dahil rush hour, nararamdaman ko nang magtatagal ang biyahe namin pauwi dahil sa walang-kamatayang traffic. 

Nilingon ko si Jadon at naabutan kong nakatukod ang kaliwang siko n'ya sa pinto ng sasakyan habang maluwag na nakahawak ang kaliwang mga daliri n'ya sa manibela. Ang kanang kamay, nasa ibaba ng manibela at ang s'yang may kontrol doon.

Pinagmasdan ko ang interior ng kotse n'ya at na-realize na wala pa rin s'yang pinagbago pagdating sa pagiging organisado. Hindi s'ya nag-uupgrade ng kahit ano sa sasakyan kung hindi naman kailangan at pinananatili n'ya ang orihinal na disenyo no'n.

Although Jadon screams elegance and sophistication, he doesn't spend luxuriously. Mahal ang mga gamit n'ya pero ang lahat ng 'yon, hindi lang luho dahil kailangan n'ya talaga. It makes me realize that he knows where to invest his time, effort, and money. 

Why haven't I noticed this before?

Bigla kong naalala ang mga sinasabi nina Papa tungkol kay Jadon. If only they've known this... magbabago kaya ang pananaw nila kay Jadon?

I sighed and realized that I was the same anyway. Hindi ko maintindihan si Jadon. Magkaibang-magkaiba kaming dalawa. He's this good with everything he has at hand... but he doesn't think about what comes next. I can't grasp the idea of it. We're so different. Pero kahit na gano'n, may parte sa aking hinahangaan 'yon. I still can't understand everything; even myself and the way I feel for him.

"Don't think about it all the time," Jadon suddenly said so I looked at him.

He glanced at me and he looked directly into my eyes before he returned his gaze on the road.

"Mahirap alisin sa isip. But don't dwell on it too much," he paused and he licked his lips. "It'll poison your mind. Just rest today," he said.

Iniisip n'ya bang 'yung bagsak kong quiz ang iniisip ko? Gusto ko tuloy mapangiti pero pinigilan ko na lang at tinanguan na lang ang sinabi n'ya.

Mas mabuti nang 'yon ang isipin n'ya kaysa malaman n'ya ang totoong nasa isipan ko. I sighed and looked outside the window. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na malaman ni Jadon ang dahilan kung bakit ako lumayo sa kan'ya.

He'll eventually know it. Alam ko. Dahil gusto kong ipaliwanag sa kan'ya ang nangyari. Pero hindi ko pa kaya sa ngayon dahil masyado akong natatakot na harapin ang posibleng mangyari.

I can't imagine how much it'd disappoint and hurt him. It will insult him, I'm sure. Kung ako ang makakaalam na gano'n ang tingin sa akin ng ibang tao, I'd be disappointed--mad even. I'd hate that person so much.

"Send me your schedule," ani Jadon nang dumating na kami sa tapat ng bahay at inangat ko na ang bag para umambang bumaba ng sasakyan n'ya.

I looked at Jadon, confused with what he said. My schedule?

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon