CHAPTER 46

1.9K 94 1
                                    

Nakalabas nako ng ospital nung nakaraan nagpapahinga lang ako dito sa bahay dahil alalang alala sila tsk! Nakapag usap na kami ni manang at pumayag akong sumama sakanya sa susunod na buwan papunta sa probinsya nila, tama lang yun para sa anak ko.

Si Demon kahapon pa walang paramdam sakin, saaming lahat hindi namin alam kung nasaan siya. Simula nang umalis siya sa ospital hindi na siya ma-contact.

Naguumpisa nakong mairita sa hindi malamang kadahilanan ewan ko ba! Basta naiinis ako sa lahat! Naiinis ako sa mga bagay sa paligid ko ayokong nadidikitan, ayokong maingay, andami kong ayaw na pagkain tsk bwiset nababaliw na yata ako.

"sabi ko itapon mo yan diba! sinabi kong gusto ko ng mangga na may chocolate! Ano ba! Hindi mo ba alam yon ha?"sigaw ko kay Uno na nangangamot ng ulo niya ngayon.

"Esha naman kanina rambutan na orange ang pinahahanap mo sakin? Ngayon mangga na may chocolate? Saang lupalop ako makakahanap ng mga sinasabi mo jusko"aniya

"Pfftt!!! Kawawa"impit na tawa nung tatlo sa likod ng sofa.

"Hoy! Lumabas nga kayo jan! Tulungan nyo ko dito mga bwiset kayo! Ako lang pinahihirapan dito ni kiesha oh? Ano baaa!"maktol niya at binato ng tsinelas yung tatlong ungas na agad nagtakbuhan.

"Bahala ka jan! HAHAHAH kahapon nga pinakain niya sakin yung catfood ni blackie e! Saakin ka maawa ngayon ikaw naman maghirap!"sigaw ni Duval

"Saan ako hahanap ng kulay orange na rambutan? Ng mangga na chocolate ha? Sige nga! hooo!!! Masisiraan ako ng ulo sa bahay nato!"sigaw niya at sinabunutan ang sarili nababaliw nadin siya kagaya ko.

"Nagbago na isip ko Uno"sabi ko at tinaas ang paa sa couch.
Nakita kong nakahinga siya ng maluwag at bumagsak ang balikat.

"Ano nanamang panibagong kabaliwan ang naisip mo hmm?"aniya at bored na nakatingin sakin.

"Gusto ko ng langka yung walang tinik"ani ko.

"GUSTO KO NG MAMATAYYYY!!!! JUSKOOOO!!! KUHANIN NYO NAKO PAKIUSAP HOOO!! HINDI KO NAPO KAYAAA SI KIESHA!"biglang sigaw niya kaya nagulat ako.

"b..bakit moko sinisigawan? huhuhu inaaway moko Uno hohoho susumbong kita kay hubby ahhh!!!"iyak ko

"wtf?"

"Wahhhhh!!! Mananggg!!!! Ahhhh!! *sobs*"

"Oh bakit iha? Bakit ka umiiyak"bungad niya na agad akong niyakap.

"Niaaway ako ni Uno oh! *sobs* sinisigawan niya ko huhuhuhu manang bad siya!"iyak ko. Agad naman siyang piningot ni manang at kinurot hala?

"Alam mong maselan ang buntis mang aasar kapa talagang pasaway ka ha! Halika dito isa!"saway ni manang at hinabol siya ng walis pfft!

"Wala akong ginagawa manang! Stop ouch! Arayyy wahhh wala naman talaga akong ginagawa eh!"sigaw niya at nagtatakbo. Inaaway moko ah

Bumalik na si manang at inabutan ako ng lemon juice yehey! Masarap kaya ito.

"Wag mo nalang pansinin si Uno iha ha? Pasaway talaga yun malakas mang asar naku tsk tsk"aniya at hinagod ang likod ko. Bleh kala niya ah sisigaw pa kasi siya andali dali lang naman maghanap ng langka na walang tusok-tusok diba?

"Opo okay napo ako dito thankyou po"aniya ko at ngumiti.

"Sigurado ka? papasok nako sa loob tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha"aniya tumango lang ako kaya umalis na siya.

( DEMON  POV )

Nandito kami sa bahay nina ashley at ng tatay niyang bastardo. Tatapusin ko na sila nang wala ng sagabal sa buhay namin tsk! Kung alam ko lang na malaking balakid si ashley sa pagbubuntis ni kiesha ako na pumatay sakanya noon pa.

"King una naba kami? Tapusin na natin to para makapagpapicture nako kay idol kiesha"bulong ni Travis sa gilid ko.

"Idol kiesha mo yang mukha mo hindi ka makakalapit sa asawa ko bugok!"ismid ko sakanya at naunang naglakad.

Sa bubong sila dumaan samantalang ako sa main door tsk mga duwag. Gumilid ako sa pader at binunot ang baril ko. Nakita kong bumaba si Ashley at naupo sa couch kaya lumapit ako kaagad sakanya.

"Ashley!"sigaw ko at tinutukan siya ng baril sa gulat napatakbo siya sa hagdan kaya nabaril ko siya sa binti.

*BANG!*

"ah!..demon bakit mo ginawa yun!"aniya
na bumagsak sa hagdan hawak ang binti niya.

"kulang pa yan! Sa lahat ng kamalasang dinala mo sa buhay namin simula ng bumalik ka! Bakit ba kasi bumalik ka pa?"aniya ko at lumapit sakanya.

*BANG!*

"ano yun?"aniya at tumingin sa itaas tsk! Todas na sigurado ang tatay niya.

"sasama kana sa tatay mo"aniya ko at kinasa ang baril.

"A..ano! Anong ginawa nyo kay daddy!"sigaw niya ng makitang pababa na sina Travis kasama ang dalawa pa.

"wala na hahah! awe so sad"asar sakanya ni Zeke

"Mga hayop kayo! Anong ginawa nyo kay daddy ko! *sobs* demon! Paano mo nagagawa sakin lahat ng to!"iyak niya

"King babae lang to ah? Bakit hindi mo pa tinuluyan haha ako na nga lang!"aniya at tangkang babarilin ng pigilan ko siya.

"Umalis kana dito. Wag ka ng babalik. Bumalik ka sa Thailand! Wag ka ng magpapakita sakin dahil sa oras na  makita ko ni anino mo tutuluyan na kita ash."ani ko at tumalikod

"Hayop ka! Wala kang kwenta!"sigaw niya pa.
"King bakit di mo pa tinuluyan?"aniya ni travis ( brutal killler. Siya yung nagcomment kay kiesha sa ig acc kaya nalaman naming mafia queen si esha)

"basta walang makakaalam nito tsk!"aniya ko at naunang maglakad.

Sumakay nako sa kotse sumunod naman sila si Zeke ang nagmaneho kaya mabilis kaming nakauwi. Inopen ko ang phone ko at bumungad sakin ang sandamakmak na message galing kina Dein, Shawn at Adi

< nasaan kana king?>
<nakalabas na si kiesha ng ospital>
<pinaiyak mo nanaman yung asawa mo hindi mo man lang pinagsalita ng nasa loob niya> -shawn

"tsk bilisan mo magpark!"bulyaw ko kay Zeke

*3 hours ago*
<king ano ba tulungan mo kami dito sa asawa mong may saltek! Hirap na hirap na kami jusko!>
<pinakain ako ng dogfood kaninang umaga! Hindi ata makatao yun ah! Umuwi kana ng maranasan mo ang paghihinagpis namin! (crying emoji)>

Siraulo ba sila naghihinagpis daw ang gago! Ganon ba kasama ang asawa ko tsk! Mayayari sila sakin tss.

< Jusko king umuwi kana hindi ko na talaga kaya yang asawa mo! Malala! Promise sobrang lala niya maglihi!>

< pahanapin ba naman ako ng langkang walang tinik at rambutan na orange?>

"Pffttt? HAHAHAHAH!"bigla akong napahagalpak ng tawa ng mabasa ko yun seryoso? Dalawang araw lang akong nawala haha!

< napaka moody niya! Iiyak sabay tatawa ng sobrang lakas! Kinakabahan na talaga ko sa asawa mo baka may sapi na siya e>

"Aba siraulo to ah!"malakas kong sigaw

"King! Nandito na tayo sigaw ka ng sigaw jan e nagugulat kami sayo!"sigaw din ni zeke kanina pa sila nakatingin sakin tsk.

"Bakit kayo nakatingin? Dukutin ko yang mata nyo!"inis kong sigaw sakanila.

"Bigla ka kasing tumatawa jan tapos sinabihan mo pa kaming siraulo? Ansama naman"maktol ni travis.

"Wala kayong pake! Wag nyo kong tignan lumabas na kayo!"sigaw ko kaya nagsilabasan sila kaagad.
Mga hayop nayun kanina pako tinitingnan tarantado talaga.

THAT CHILDISH GIRL IS A WIFE OF DANGEROUS MAFIA LORD [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora