I ordered burger and fries at dalawang coke in can, and two chips.

Binitbit ko na iyon at muling naglakad patungong rooftop.

Hindi ko alam pero nakakasanayan ko na ang pumunta dito.

Naalala ko bigla ang narinig ko kaninang ungol.

Napailing nalang ako upang walain sa isip ko ang pangyayaring iyon.

Naupo ako sa gilid at ikinabit ang headset sa tenga ko at nagsimulang magpatugtog ng music.

As the music sets, I started to eat my fries while listening music peacefully.

"Naks, pahingi naman ako niyan." Natigil ako sa pagsubo ng fries nang makita ko ang isang Zero Sullivan na kababangon lang.

Hindi ko talaga ito napapansin sa tuwing punupunta ako dito.

Umirap nalang ako at nagpatuloy sa pagkain at hindi na siya pinansin.

Ang kaso lang, mukang nilunok na ang kaniyang hiya at talagang lumapit para buksan ang isang coke in can at nakikain sa pagkain ko.

Inis kong tinanggal ang headset ko at pinatay ang aking music at inis na tumingin sa kaniya.

"Kapal mo ah." Sabi ko.

"Hindi na uso mahiya ngayon, at 'tsaka isa pa, nawawala ang hiya ko, pakihanap." Aniya at sumubo sa fries at uminom ng coke.

"Pakihanap din ang pakialam ko!" Sabi ko at sinipa siya dahilan para mapahiga ito sa sahig.

Sinamaan naman niya ako ng tingin at inabot ang coke na binuksan niya.

"Damot." Sabi nito at kinuha ang bag at inilabas ang one point five na coke at baso?

Seriously?

May kinuha ito sa parang maliit na icebox.

Ice cube iyon at nilagay sa baso niya at inilabas ang pagkain nito.

Isang malaking Nova.

Tignan mo? Makahingi eh, may sarili palang pagkain.

Paikutin ko kaya ang leeg ng animal na ito?

Sarap niyang ihulog.

Napairap nalang ako at muling kumain sa binili  nitong pagkain.

Bakit ba kasi nandito 'yan?

Tsk!

Nakakabadtrip talaga siya.

Inis ko siyang nilingon dahil ang ingay niyang kumain maging sa pag inom.

"Woii! Ayusin mo nga iyang pag inom mo! Para kang baka ah!" Sita ko sa kaniya kaso ay irap lang ang natanggap ko.

Napasinghal nalang ako at nagpatuloy nalang din sa kinakain ko, pero nadidistruct talaga ako sa paraan ng pagkain niya, nakakainis, ang sarap niyang bigwasan.

Inis kong kinagat ang burger ko at uminom sa coke ko.

Pilit kong huwag pansinin si Sullivan kaso masiyadong papansin ang loko.

"Napapadalas ata punta mo dito?" Bigla ay tanong niya.

"Ano naman sa 'yo?" Inis kong tanong.

"Namimiss mo ako ano?" Sabi niya, walang halong biro.

"Tsk." Singhal ko, napakakapal ng muka niya.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Where stories live. Discover now