Mga baguhan.

"My lady," usal ng reaper kong si Lanz habang lakad-takbong lumapit sa 'kin. Tulad ko ay ni isang galos ay wala man lang siyang natamo.

"Yura." Sunod na dumating si Prexia habang hawak ang duguan niyang espada.

"Call the headquarters," I commanded Lanz.

Agad naman niyang inilabas ang kaniyang telepono habang nanatili ang atensyon sa paligid.

"Fvck!"

We all cursed in unison as we ducked on the ground, a loud explosion had occured.

Nasisigurado kong nagmula iyon sa isa sa mga gate ng eskwelahan. Ilang minuto mula ngayon ay may mga kalaban na muling papasok sa kinalulugaran namin. Hindi nga ako nagkamali nang matanaw silang tumatakbo patungo sa 'ming direksyon. Humanda kaming tatlo sa pagdepensa pati na rin ang iba kong underlings na nakakalat sa paligid.

"Kumukuha sila ng tiyempo para maisagawa ang tunay nilang plano. Kailangan nating makalabas dito para malaman natin kung ano ang gusto nilang gawin," walang emosyon kong saad sa dalawa.

Isang tipid na tango ang kanilang pinakawalan bago kami sabay-sabay na kumilos upang salubungin ang atake ng kabilang pangkat. Sipa, wasiwas, suntok, at putok ang aming pinakawalan sa bawat kalaban na nadidikit o naaasinta ng aming mga armas. Ang iniiwasan kong pagdanak ng dugo ay tuluyang tumambad sa 'king harapan.

"Make a way!" maawtoridad kong sigaw sa 'king mga tauhan habang nilalakad namin ang ruta palabas na agad nilang sinunod.

Sila ang umasikaso sa pakikipaglaban at pilit kaming binigyang daan upang makaalis. Nagtungo kami ng reaper at kaibigan ko sa isang kotse saka magkakasamang sumakay. May mangilan-ngilan pa ring kalaban ang nakalulusot at nahahabol kami ngunit agad silang binabawian ng buhay gamit ang espada ni Prexia.

"Keep calling the headquarters, Lanz," I coldly spoke and got my phone to call my brother.

Naroon ang kaba sa 'king dibdib na pilit kong itinataboy. Inaasahan ko na sila ang pupunteryahin ng kabilang organisasyon, pero umaasa pa rin ako na maisasagawa nang maayos ang plano.

Lanz started driving as he connected his phone to the car speaker. Si Prexia naman ay tutok sa pamamaril sa nasa likuran ng aming sasakyan, sinisigurado na walang makasusunod ni isa.

"Damn, answer the fvcking phone, kuya," I murmured, but his phone still kept ringing on the other line.

Sunod ko namang tinawagan si Takeo. Kagat-labi kong pinakinggan ang pagtunog ng linya niya, tahimik na umaasang sagutin niya iyon ngunit tulad ng kay kuya ay nanatili lamang iyon na humuhuni. Mas lalong kumabog ang aking dibdib sa ideyang pumapasok sa 'king isip. Nangangatal kong pinindot ang numero ni Daddy, nakadadalawang ring pa lang iyon ay agad na niyang sinagot.

"Hija," aniya sa malalim na boses.

I swallowed hard and forced myself to speak. "N-Nand'yan na ba ang mag-ama ko, Dad?"

Imposible man ay umaasa akong sasabihin niyang oo.

Hindi naman agad siya sumagot pagkatapos niyon hanggang sa isang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan. "We're going there in the Philippines; I'll bring it back up. Stay alive, Yura Zhynn," he said instead of answering me.

Mariin akong napapikit at mahigpit na napahawak sa 'king telepono.

"My lady," Lanz called my attention.

Nanghihina at walang buhay akong tumingin sa kaniya. "Tell me, Zakiah's safe," agap ko.

He lowered his gaze and half-focused on the road. "Napasok nila ang headquarters at nakuha si milady," pahinang aniya.

For the second time, I shut my eyes tight and called Xirenn's number. Hindi pa man iyon nakadadalawang ring ay agad na niyang sinagot na animo'y hinihintay sadya ang aking pagtawag.

"Don't ever lay your fingers at them, Kakia."

She let out a devilish laugh. "Do you like my surprise, Alectrona?" she mocked.

I gritted my teeth, trying not to burst. "You started this war, Kakia. Asahan mong ako mismo ang maghahatid sa 'yo kay Lucifer," malamig kong wika sa kabila ng nag-uumapaw kong galit.

Muli siyang nagpakawala ng malakas na tawa. "Funny, Alectrona. Baka mauna pang makita ng mga bihag ko si San Pedro," kutya niya.

"I will kill you first," I uttered and dropped the call.

"Y-Yura," pakinig kong sambit ni Prexia, bakas ang takot sa kaniyang tono habang nakamasid sa 'kin.

I slowly looked at her and smiled. "Why are you so scared?" Then I glanced at my reaper, who's sternly driving the car.

"Did you get the location?" I asked.

I saw him gulp and slowly nod. "You need to calm down, my lady." Minsan pa niya akong binalingan ng tingin, magkahalong pag-aalala at takot ang nasa kaniyang mga mata.

Umismid ako at sumandal sa 'king inuupuan. "Drivefaster, Lanz. May ihahatid pa ako sa impyerno."

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon