Agad kong binuksan ito at tumigil ang aking mundo nang tumambad sa akin ang taong iniiyakan ko ng husto. Napadako ang tingin ko sa dala niyang mga pulang rosas. Namumungay ang mga mata niya na parang wala itong tulog.

"G-good morni_" dahil sa kaba ko ay agad kong sinarado ang pinto. Dali-dali akong bumalik sa kusina at agad umupo. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba.

"Snow okay ka lang?" nabalik ako sa reyalidad nang may nagtanong. Shit, why I forgot na may kasama pala ako. Kinalma ko ang sarili at sapilitang ngumiti.

"I'm alright" tipid kong sabi at agad sumubo ng pagkain para makaiwas sa tingin niya.

"Sino yun?" she asked.

"Naligaw lang" agaran kong tugon at di siya tinapunan ng tingin habang kumakain.

"Ah naligaw pero bakit parang nakakita ka ng multo?" she mocked me. Napatigil ako sa pagsubo at humigpit ang pagkahawak ko sa kutsara. Uminit naman ang dugo ko.

"Ah hehehe sige na Snow magpatuloy kana sa pagkain, wag mo ng sagutin ang tanong ko baka kasi mag collapse itong dorm" kabado niyang sabi at pilit ngumiti. Nabalik naman ako sa wisyo at agad naglibot ng tingin. Napalunok ako dahil nagkanda bitak-bitak na pala ang mga dingding. Di ko man lang namalayan ang nagawa ko. Agad kong ginamit ang kapangyarihan at ibinalik ang lahat sa dati. Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos ng agahan. Nagprisinta si Aubrey na siya na ang maghugas ng pinagkainan. Kaylangan kong puntahan si HM sa office niya kaya nagpaalam ako kay Aubrey na lumabas. Wala kasing pasok ngayon dahil sabado. Paglabas ko ng dorm. Agad akong napatingin sa baba nang may napatid ako. Nakita ko naman ang isang kumpol ng mga rosas. Ito ang dala ni Four kanina. May side sa akin na gustong pulutin ito ngunit sa huli ay tinalikuran ko nalang at binalewala.

Nakarating ako sa office ni HM at kumatok muna ako bago pumasok. Nadatnan ko naman siya na busy sa kakalikot ng mga papel. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako.

"Oh andito ka pala. Umupo ka" sabi niya kaya umupo ako sa silya na nasa tapat ng kanyang lamesa.

"So anong dahilan kung bakit ka naparito Blaire?" kuryusidad niyang tanong.

"Kelan ang misyon?" seryoso at deretsahan kong tanong. Napaisip naman siya.

"Sa katapusan nitong kasunod na linggo, may importante din kasing ginawa ang taong maghahatid sa inyo patungong Darkirous kingdom" tugon naman niya. Napatango tango ako. Matagal pa. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Bumalik ako sa dorm at maghapong di lumabas kasama si Aubrey. Di naman ako nainip dahil sa kadaldalan ng kasama ko.

Pagkabukas maaga akong gumising dahil gusto kong dalawin ang Anak ko. Madali kong ginawa ang ritwal sa umaga at pagkatapos nagsuot ako ng white dress hanggang tuhod ko lamang ang haba. Lumabas ako ng silid at di na ako nagabalang katukin ang pinto ni Aubrey. Tulog pa siguro ang isang yun. Bumaba na ako at pagbukas ko palang ng pintuan ay tumambad na naman sa akin si Four na may mga hawak na puting rosas.

"Please Threes_" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita ay agad ko siyang sinarhan ng pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba ang aga-agang mang wasak ng mundo ang lalaking ito? Damn this, why I'm so vulnerable when it comes to this? Ni hindi ko man lang siya matitigan ng matapang sa mga mata. I don't want to face him, baka bibigay lang ako.

"Please Threes! Talk to me" naiyukom ko ang mga kamao sa pakikiusap niyang sigaw na parang hirap na hirap na ito.

Blaire, you are strong you're not weak. Kumbinsi ko sa sarili.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now