Napaangat ang tingin niya nang biglang may dumaan sa tabi niya. Napakabilis nito at huli na nang marealized niyang ang asawa niya ito.

Wala sa sariling napahakbang siya pasunod dito. Hanggang sa makita niya ang gulat na gulat na mukha nang mga katulong habang nakatingin sa kanila.

Lumapit ang asawa kay Marie. Kitang-kita niya naman ang biglaang pagkawala nang kulay sa mukha nang dalaga. Sobrang putla nito.

"You dare to insult my wife in my own house? Who do you think you are ha? You slut!"

Nanlaki ang mga mata niya at agad na nilapitan ang asawa nang walang ano-ano'y sinampal nito ang kasambahay nila.

Sobrang lakas noon kaya naman natumba ito at tumama pa sa mesa. Narinig niya pa ang pagsinghap nina Krissa at Claire dahil sa ginawa nang asawa.

Maging siya man ay nagulat. Hindi niya inaasahang magagawa nito ang manakit nang babae.

Rinig na rinig nila ang biglaang paghikbi ni Marie sa lapag.

Nanatili itong nakasalampak at nakayuko.

"Stand up and look at me." mapanganib na ani nang asawa dito.

Parang maamong tupa naman na biglaang tumayo ang kasambahay at dali-daling tumingin kay Phoenix.

Napahawak naman siya sa bibig nang makita ang dumudugo nitong labi. Namumula din ang pisngi nito at bakat ang kamay nang asawa.

"You know very well on what I'm gonna do when someone disobeys me right?" malamig na ani nang asawa niya dito.

Dahan-dahan namang tumango ang kasambahay.

Kahit na kanina ay hindi niya nagustuhan ang pinagsasasabi nito ay parang naaawa naman siya sa lagay nito ngayon.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin dito nang asawa niya.


"Call Enzo." baling nito kay Claire na agad naman nitong ginawa. Dali-dali itong umalis para tawagin ang guard na ipinatawag dito ni Phoenix.

Siya naman ay lumapit sa asawa para pigilan ito. Tinanong niya kung anong gagawin nito kay Marie pero hindi ito nagsalita. Ni hindi nito pinakinggan ang sinasabi niyang palagpasin na lang ang nangyari. Nanatili itong matigas at alam niyang wala na siya magagawa pa doon.

Ilang saglit pa ay dumating na nga ang ipinapatawag nito.

"No one has the right to insult my wife. Didn't you know how bad I am when I'm mad?" bumaling ito kay Enzo.

"Take her and make sure that she would suffer."

Tumalima naman ang inutusan nito at tinawag ang mga kasama para hilahin ang babae. Nagpapadyak naman ito at nagmamakaawa kay Phoenix pero hindi naman ito pinansin nang asawa niya. Bagkos ay hinila lang siya nito. Paalis nang kusina.

Nadaanan pa nila ang mga kaibigan ni Phoenix na halos nasa likod lang pala nila at pinapanood ang nangyari. Mukhang hindi man lang nagulat ang mga ito.

Bumaling si Phoenix sa mga ito para sabihing sa susunod nalang sila mag uusap.

Nakakaunawang tumango naman ang mga ito.

Siya naman ay hinila na nang asawa paakyat nang hagdan.

Nang makapasok sila nang kwarto nila ay agad niya itong hinarap. Pero dumiretso lang ang asawa sa terrace nila kaya agad niya din itong sinundan.


"A-anong gagawin nina Enzo kay Marie? Wala naman siguro silang gagawing masama sa kaniya diba?" napakagat siya sa daliri habang tinitingnan ang asawang nakatalikod lang sa kaniya at nakatingin sa malayo.


Owned By HimWhere stories live. Discover now