"Takot na Kasi Ako"

27 7 0
                                    


Bago mo ako sabihan ng duwag at paasa,
Siguraduhin mong kilala mo akong talaga,
Makapanghusga ka 'kala mo kung sino ka,
Bakit naranasan mo na bang masaktan ng sobra?

Nagmahal na rin ako ng tudo,
Naging tapat at totoo,
Pero eto, ginago lang ako,
Pinagpalit sa kaibigan ko,

Bakit may taong 'di marunong makuntento?
Minahal ka naman ng tudo,
Ano pa bang hahanapin mo?
Nagpasilaw agad sa tukso,

Minahal ko siya na parang buwan,
Walang natira sa akin ni kapiranggot man,
Ngunit inibig niya rin ako na parang bituin,
Dahil ang dami namin,

Iniwan ng walang dahilan,
Puso ko'y nadurog at nawasak ng tuluyan,
Nalugmok ako sa nakaraan,
At 'di alam kong pa'no malalampasan,

Ngayon tatanungin kita,
Isa ka rin ba sa kanya,
Na sasaktan din ako 'pag tumagal na?
At iiwan nalang bigla,

Kasi kung "oo",
Itigil mo na 'to,
Ayuko na kasing maloko,
Takot na kasi ako...

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon